CHAPTER 74: GREY CAR

1.1K 45 23
                                    



Celestine's p.o.v

2:00 nang hapon ay nag drive na ko papuntang grocery store..
medyo malayo layo din kasi samin yung mga pamilihan..
kailangan talaga mag t-travel ka muna bago dumating sa paroroonan mo..

pagpasok na pagpasok ko sa kotse ay tumunog yung phone ko...
kinuha ko yon sa purse ko at chineck kung sino..

From: Mr.Cruz

hey , don't forget to lock your seatbelt ..
mag ingat ka , text me if nakauwi ka na or nagkaron nang problema..
i love you , keep safe. <3

sabi nya sa message..
kapag talaga lagi nya kong tinitext , lagi lang akong nakangiti habang binabasa yung message nya..
sino ba namang hindi ngingiti sa ganyang klaseng text.

napa iling iling nalang ako habang nag t-type..

To:Mr.Cruz

okay :'>
i love you too ..

at saka ako nagseatbelt at sinimulan ko nang mag drive..
nasa kalagitnaan ako nag pag d-drive nang mapansin ko yung grey na kotse sa likod ko..
parang kanina pa nya ko sinusundan...

or baka imagination ko lang?
nag focus nalang ako sa pag dadrive at inisip ko nalang na baka mag g-grocery din yung nag d-drive..
assuming lang siguro talaga ako..

nang makarating ako nang parking lot ay naghanap ako nang space kung saan pwedeng mag park..

nang makakita ako , ay dahan dahan akong nag park at nung i aadjust ko nalang yung kotse para makapasok na nang tuluyan...

pag atras na pag atras nang kotse ko ay may biglang sumulpot na humaharurot na motor kaya naman inapakan ko agad yung preno para huminto..

narinig ko pang parang nagasgasan yung likod nang kotse ko...
tapos yung motor?
ayon hindi ko na makita kung nasaan..

nangangatog akong bumaba nang kotse at saka ko chineck yung likod at hindi ako nagkamali..
may gasgas talaga..

huminga nalang ako nang malalim at umarteng parang walang nangyari...
nang makapasok ako sa grocery store ay wala masyadong taong namimili..

kumuha ako nang cart at saka ko inayos yung mask at shades na suot ko..
nagsuot na din ako nang black na cap para sure na wala talagang makakakilala sakin incase..

kumuha ako nang mga fresh veggies kasi medyo paubos na yung nasa ref namin...
sunod kong pinuntahan ay yung may mga meat..
hindi ako masyadong bumili nang ganon...
kailangan naming maging healthy..
lalo na ako , may baby pa namang natutulog sa tyan ko...

bumili rin ako nag fruits tapos may konti ring junk foods..
syempre konti lang , baka kung ano pang mangyari sa baby ko kapag hindi ko nakain yung gusto e..

matapos ang 30 minutes na pamimili ay dumiretso na agad ako sa parking lot..
habang papunta ako sa kotse ko ay parang may nararamdaman akong sumusunod sakin..
nung una ay dahan dahan lang at normal na lakad yung ginawa ko pero pinapakiramdaman ko..

hinulog ko kunwari yung purse ko para huminto at makayuko ...
pagyuko ko ay may nakita akong naka itim na parang nagtago sa may walls nang parking lot..

inilibot ko rin yung paningin ko at walang katao tao doon..
kasi nasa may bandang dulo yung kotse ko at nasa unahan yung guard na nagbabantay..

nang makumpirma kong may sumusunod talaga sakin ay binilisan ko na yung lakad ko at dali dali akong sumakay nang kotse..

pinaandar ko na yon agad sa sobrang kaba at saka tumingin ako sa salamin sa may harap ko..
wala pa namang sumusunod..

makalipas ang ilang minuto ay napansin ko nanaman yung grey na kotse na sumusunod sakin kanina...

" w-what the hell. "

naiiyak kong sambit habang kinakapa yung phone ko sa purse ko at hindi nadin ako nakakapag focus sa pagdadrive..

nakita kong medyo bumibilis yung takbo nung kotse kaya mas binilisan ko pa yung pagpapatakbo sa kotse ko kahit na nanginginig na ko sa sobrang takot...

hindi ko na kinuha pa yung phone ko at nag focus nalang ako sa pag dadrive habang tinitignan parin sa side mirror yung kotseng kulay grey..

hanggang ngayon ay sinusundan parin ako non..
ni hindi ko na nga alam kung saan patungo yung kotse ko...

ang maliwanag lang sakin ay natatakot na ko nang sobra at alam kong may hindi magandang mangyayari sakin ngayong araw...

" m-micco , please h-help me.. "

nangangatog kong sambit kahit alam kong hindi nya ko maririnig...
nag drive lang ako nang nag drive at hindi parin ako nilulubayan nung kotseng kulay grey..

tumutulo narin yung luha ko sa sobrang takot..
nang mapansin kong halos wala na kong kotseng nakakasabay ay mas lalo akong natorete at hindi na makapag focus..

ni hindi ko alam kung nasan na ba ko...
binilisan ko yung pagmamaneho at napansin kong nasa gilid ko na yung kotse..

napatingin ako doon bumaba naman yung salamin nang kotse at nakita ko yung dalawang lalaking naka black mask na tanging mata lang yung makikita sakanila...

nanlaki naman yung mata ko nang inilabas nya yung kamay nya at itinutok yung baril sa salamin nang kotse ko na nakatapat sa ulo ko..

napayuko naman ako sa sobrang takot at kasabay nang pagputok nang baril nya ay ang pag apak ko nag madiin sa clutch kaya bumilis nang sobra yon..

napaangat yung ulo ko at saka ko lang nakita na babangga ako sa malaking puno ....
dali dali kong inapakan yung brake pero mabilis at tuloy tuloy parin sa pag andar yung kotse ko..

n-nawalan ako nag p-preno...

" T-TULONG! T-TULUNGAN NYO KO PLEASE... "

umiiyak kong sigaw sa loob nang kotse...
iginalaw galaw ko pa yung manebela sa sobrang taranta kaya lalong gumewang gewang yung andar nang kotse ko...

at ilang minuto lang ang nakalipas...
bumangga ako sa punong yon..

para naman akong nahihilo na hindi ko maintindihan habang isinandal ko pa yung likod ko sa upuan at nakitang sobrang wasak nung unahan nang kotse ko...

unti unting bumabagal yung hinga ko at sobrang hilong hilo na ako tapos napatingin ako sa side mirror ko at nakita ko yung mga lalaking nakasakay sa grey na kotse ...

pinagbubugbog sila nung dalawang ding lalaking naka leather jacket ...
h-hindi ko na kaya..

" m-micco..... "

nanghihina kong sambit at saka dahan dahan kong hinawakan yung tyan ko at unti unting pumipikit na yung mata ko at naramdaman ko pang may luhang tumulo kasabay non..

y-yung baby ko...

My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One ) Where stories live. Discover now