CHAPTER 73: BLACK HOODIE

Start from the beginning
                                    

" hi , kamusta trabaho? "

tanong ko nang makapasok si micco sa bahay..
tinignan naman nya ko na parang pagod na pagod sya tapos niyakap nya ko nang mahigpit..

" okay na ko , nayakap na kita.. "

malambing pa nyang sabi sakin at saka naman ako napangiti tapos niyakap ko sya pabalik..
habang yakap yakap ko sya ay napatingin ako sa may gate at parang may nakita akong tao na naka black jacket tapos naka hood at nakasuot nang maong pants na parang nakatingin saming dalawa..

bigla naman humiwalay si micco nang pagkakayakap sakin kaya napatingin ako sakanya bigla tapos tumingin ulit ako sa may gate at nakita kong bigla yun nawala..

siguro namamalikmata lang ako..

" ano yon? "

tanong ni micco sakin at saka pa sya lumingon lingon..

" a-ah wala .. tara na , nagluto ako nang kare kare for dinner.. "

masayang sabi ko nalang sakanya..
hinawaka nya ko sa likod at nag umpisa kaming maglakad papunta sa kusina..

dahan dahan naman akong lumingon ulit para i check at wala na talaga yung naka black jacket tas naka hood doon sa may gate..

siguro gutom lang talaga to..

nang makakain na kami ay iniligpit ko na yung pinagkainan namin tapos nilagay ko na sa sink lahat yon..
sisimulan ko na sanang mag hugas nang makita kong inaalis ni micco yung relo nya at saka itinaas nya nang konti yung sleeves nya..

" ako na maghuhugas .. "

sabi pa nya at saka pumunta sa tabi ko..
tinignan ko naman sya sa mata at saka ko binuksan yung gripo..

" ako na , ano ka ba pagod ka na kaya.. "

sabi ko sakanya..

hinawakan naman nya nang dahan dahan yung braso ko at saka nya ko dinala doon sa upuan sa may counter table at dahan dahang pinaupo..
nang makaupo ako ay pinunasan nya yung kamay ko gamit yung laylayan nang polo nya at saka ngumiti sakin tapos pumunta na sa lababo..

" ako na misis ko. ayokong nakikita kang napapagod , pinagluto mo na nga ako tapos ikaw pa maghuhugas nang pinggan. "

pagpapaliwanag pa nya sakin at saka nagsimulang maghugas..
bigla ko naman naalala yung text sakin ni lorrie noong nakaraang araw..

sabi nya sakin..
nalaglagan daw nang baby si mika , tapos bumalik daw nang ibang bansa ulit..

ewan ko kung alam ni micco yun..
ayoko naman itanong sakanya syempre..
baka pagmulan pa nang away naming dalawa yun e.

" mr.cruz.. "

tawag ko sakanya..
napatingin naman agad sya sakin..

" bukas pala may bibilhin ako sa grocery store.. "

sabi ko pa sakanya..
napakunot naman yung noo nya sakin..

" ako nalang bibili.. ano ba yon? "

tanong nya pa sakin..
napasimangot naman ako bigla..
gusto kong lumabas nang bahay..
na boboring na din kasi talaga ako..
2 months na siguro akong nandito lang sa bahay..

" e basta.. ako nalang lalabas please? marunong naman ako mag drive e , tsaka nandyan naman na yung pinadala sakin ni daddy na kotse.. ako nalang lalabas? "

" pumayag ka na mr.cruz.. "

pagmamakaawa ko pa sakanya..
bumuntong hininga naman sya sakin at saka tinitigan muna ako nang ilang segundo...

" sasama ako sayo. "

maiksing sabi nya sakin..
napakunot naman yung noo ko..

" eh may pasok ka bukas e , tuesday palang kaya bukas. "

sabi ko naman sakanya..

" edi aabsent muna ako. "

kaswal nyang sagot habang busy sya sa paghuhugas nang pinggan

" mr.cruz naman e. kaya ko naman sarili ko. "

pagdadabog ko pa sakanya..
naka ilang kontra din sya sakin hanggang sa mapapayag ko rin sya..

" basta mag tetext ka sakin kapag nagkaron nang problema.. gusto mo ba tawagan ko si lorrielei para samahan ka? "

sabi nya pa sakin..
napa iling iling naman ako kasi ayoko din naman syang istorbohin..

" sama nalang kaya ako sayo? "

pagpupumilit nanaman nya..
napakunot naman yung ulo ko kasi mas makulit pa sya sakin..

ginulo gulo naman nya yung buhok ko at saka tumawa..

" oo na nga , sabi ko nga hindi na.. "

" basta mag iingat ka ha? i text mo ko kung magkakaron nang problema.. "

sabi pa nya sakin at saka ko sya niyakap nang mahigpit...

" thank you mr.cruz "

mahinang sambit ko..
hinigpitan naman nya yung yakap nya sakin na kala mo ay last yakap na to..
hahahah grabe mahal na mahal talaga ako nitong lalaking to e.

" anything for you mrs.cruz.. "
" i love you so much. "

sincere nya pang sabi sakin habang yakap yakap nya ako..

" i love you more mr.cruz "

sagot ko naman sakanya..

My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One ) Where stories live. Discover now