Chapter 34 : Raising the white flag

Start from the beginning
                                    

Nagsigawan ang lahat lalong-lalo na si Erin. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay wala na silang nagawa pa lalo na nang muling tinakpan ng mga salarin ang pannel kung saan nila kinuha si Erin.

“Erin! Erin!” Paulit-ulit nilang kinakalampag ang ibabaw ng masikip na lagusan lalo na si Curt ngunit balewala.

 Natigil lamang si Curt sa pagkalampag nang bigla na lamang bumaon ang isang itak na galing sa ibabaw nila.

“Itak!” Sigaw ni Robbie at dali-daling gumapang habang hila ang umiiyak na si Ria.

Sa unang pagbaon, ay walang natamaan ng itak, ngunit sa pangalawa ay tuluyan na nitong nadaplisan ang nagwawalang si Curt.

Napasigaw si Curt sa labis na sakit lalo na nang muling hinugot ng salarin ang itak at umagos ang kanyang dugo.

Sa bilis ng pangyayari, nagkahiwa-hiwalay silang lahat sa daang tinahak.

 ****

ERIN’S POINT OF VIEW

 Wala akong magawa kundi mapatili nang may humila sa akin paalis sa masikip na tunnel. Dalawang tao ang humila sa akin kaya wala akong kalaban-laban.

Napakasakit ng buong katawan ko, hinang-hina na ako para manlaban pa lalo na’t dinadaganan ako ng isa sa mga salarin na pilit tinatali ang mga kamay ko.

Ang isang salarin naman ay sinasaksak ang sahig gamit ang itak. Takot na takot ako sa nakita, nasa ilalim sina Curt at maaring tamaan sila nito.

“No! No! Stop!” Sigaw ako ng sigaw habang nagpupumiglas. Gusto kong makatulong sa kahit na anong paraan kaya napapikit ako’t huminga ng malalim, alam kong masasaktan ako pero ginawa ko parin—Iniuntog ko ang sarili kong ulo sa noo ng salaring nakamaskara.

Muling dumugo ang noo sa ginawa ko at halos masuka ako sa sobrang hilo pero dahil sa ginawa ko ay nadapa ang salarin sa sahig na gaya ko’y hilong-hilo rin.

 Muli, pinilit kong manlaban ngunit tuluyan ng bumigat ang talukap ng mga mata ko at unti-unti na akong nawawalan ng ulirat.

*****

Napasinghap ako nang muli kong maidilat ang mga mata ko. Hilo man, unti-unti ko ng nagagawang maaninag ang paligid ko kaya dahan-dahan akong napatayo mula sa kinahihigaan kong sofa.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero mukha itong isang opisina. Mga kamay ko lang ang nakatali sa isa’t-isa kaya dali-dali akong naghanap ng kahit na anong matalas, mabuti nalang at agad akong nakahanap ng isang cutter.

Nang makalas ko ang tali ko ay dali-dali akong lumabas sa kinaroroonan ko at napunta ako sa isang walang katao-taong pasilyo. Nagsimulang mangining ang labi ko nang makita ko ang tila ba walang katapusang bahid ng dugo sa sahig.

Ang lakas lakas ng ulan sa labas, rinig na rinig ko ang dumadagundong na kulog at kidlat na lalo pang dumadagdag sa takot na nararamdaman ko kaya agad kong tinakpan ang tenga ko.

Ano na naman ba to?!

Bakit nila ako binuhay at hinayaang mag-isa sa kwartong iyon?! Ano na naman ba ang binabalak nila?! Hindi pa ba sila tapos sa pagpapahirap sakin at binuhay pa ako?!

Pagod na pagod na pagod na ako. Wala na akong ibang nararamdaman kundi sakit, hirap at pagod. Ayoko na. Tama na. Gusto ko nalang mamamatay para matapos nato.

"Walanghiya ka Kevin! Demonyo ka!” Napatili ako’t muling napahagulgol. Sa sobrang sama ng loob ay paupo akong bumagsak sa sahig, “What are you waiting for?! What are you fucking waiting for?! Duwag ka! Wala kang kwenta! Heto na ako! Nandito ako, patayin mo na nga ako! Ayoko na! Patayin mo na ako! Ayoko na! Panalo ka na! Pagod na pagod na ako!” Sigaw lang ako ng sigaw.

I’d rather die than endure this unbearable pain. Papatayin rin naman nila ako sa huli diba?

 In this place and in this situation, Death is inevitable. Kevin and his accomplice, they planned this all and they’re not stupid enough to leave any witnesses.

 I’m beaten up physically and emotionally. My heart is ripped to shreds. My body is covered in cuts and bruises. Blood keeps running out of my wounds. I’m tired. I’m done fighting. I surrender. I accept defeat. I accept death.

“Erin! Erin!”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong may sumisigaw mula sa isang kwartong hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Iika-ika akong tumayo at nagtungo rito.

May maliit na salamin sa mismong pinto kaya bago makapasok ay nakita ko kung sino ang nasa loob—si Hiro.

Hindi na ako nag-atubili pa’t dali-dali akong pumasok sa kwarto kung saan naroroon si Hiro.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sahig, duguan at nakatali ang mga kamay at paa sa isang bakal na upuang naka-screw sa sahig. Unti-unti ng natatanggal ang masking tape sa bibig niya.

"N-nasaan ang kapatid ko? Nasaan si Avery?”Bulalas ko ng dali-dali ko siyang kinalagan gamit ang cutter.

“Hindi ko alam. Hiro hahanapin natin—“ Natigil ako sa pagsasalita nang marinig kong may kumatok sa pinto. Napalingon ako at muling nagtayuan ang balahibo ko nang makita ko si Kevin, nakangisi siya na tila ba isang demonyo habang sinisilip kami mula sa salamin ng pinto.

Napasigaw ako at dali-daling nagtatakbo sa pinto bago man niya ito mabuksan at dali-dali itong inilock.

Humalakhak si Kevin habang nakatitig sa akin. Sinubukan niya paring binuksan ang pinto kahit nai-lock ko na ito.

“Erin bilis dito!” Napalingon ako kay Hiro at nakita kong binubuksan niya ang isang bintana.

Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin kaya agad akong lumapit sa bintana at maingat na inilabas dito ang kalahati ng katawan ko.

Sa di malamang dahilan ay kapwa kami napalingon ni Hiro kay Kevin at laking gulat namin nang makitang may hawak siyang baril at mistula pa niya itong ipinagmamalaki samin.

“Erin mahal kita, mahal na mahal kita.” Biglang sambit ni Hiro kaya hindi agad ako nakapagsalita sa pagkabigla.

"Climb to the other window. Don’t stop, Don’t look back. Just run okay? Don’t stop running until you’re safe. If you see my sister, tell her I love her.” Walang pag-aalinlangang sambit ni Hiro kaya muling nag-unahan sa pag-agos ang luha ko.

“H-hiro anong ibig mong sabihin? Hiro ‘wag—“

“Ako na ang bahala. Hindi ko hahayaang mapahamak ka,” Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at siniil ako ng mababaw na halik sa labi, “Go.”

“Hiro hindi! Sasama ka sakin! Hahanapin natin si Avery! Makakaligtas tayo! Please wag mong gawin to!” Napahagulgol ako.

“Shhh, you have to go.” Inalalayan niya ako hanggang sa tuluyan akong makalabas sa bintana. Wala na akong nagawa pa kundi mapasigaw nang bigla niyang isinara ang bintana.

Agad na sumalubong sa akin ang napakalamig na hanging nagdadala ng napakalakas na buhos ng ulan. Iilang Segundo pa lamang ay basang-basa na ako, mabuti nalang at napakalapit ko sa isang fire escape ladder at agad akong napakapit dito.

 “Hiro halika na! Get the hell out of there!” Sigaw ako ng sigaw sa kanya. Ayokong iwan si Hiro.

“Go!” I hear him shout and smile.

Hindi ko na alam anong gagawin. Napakahapdi na ng sugat at pakiramdam ko’y ano mang oras ay madudulas na ako.

Wala akong magawa. Saglit akong napapikit at kahit labag man sa kalooban ko ay sinunod ko ang sinabi niya hanggang sa tuluyan akong makapasok sa isang kuwarto.

Pagkaapak ko pa lamang sa mismong kuwarto ay bigla akong nakarinig ng putok ng baril at napakalakas na palahaw.

Hindi ko napigilang muling humagulgol. Andami ng nag-sakripisyo ng dahil sa akin.

Napahamak sila dahil sakin….

END OF CHAPTER 34 

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now