Chapter 11

3.7K 138 24
                                    

Mandy POV

Nag hihintay ako sa anak kong dumating at ng makita ko ang kotse ni Mr.Hakan ay napangiti ako agad akong tumakbo para salubungin ang anak ko, at ng lumabas siya ay madala siyang bulaklak kaya napangiti ako, i look at him pero parang kakagaling lang niya ng iyak.

"Baby are you okay?" Ngumiti siya at tumango sabay bigay ng bulaklak na hawak niya na sobrang ganda.

"For you mommy" napangiti ako at tinaggap yun.

"Thank you baby" ngumiti siya habang nakatitig sa akin.

"Mommy can i ask something?" Ngumiti akong tumango sa kanya.

"Yes baby ano yun?" Lumuhod ako sa harap niya dahil bakit sobrang lungkot ni Zaccheus.

"Please don't love tito Dylan" sabay pout niya

"Please just only love Daddy" ng sinabi niya yun ay tumulo ang luha niya, biglang nawala ang ngiti ko sa sinabi ng anak ko, pinunasan ko ang pesnge niya.

"Ganun mo ba ka miss si daddy?" Tumango siya sa akin.

"Anak alam mo kasi ang hirap ng hinihiling mo, alam mo naman diba na si tito Dylan ang laging nandyan para sa atin" umiling siya.

"But still i want my daddy not tito Dylan please mommy" agad siyang yumakap sa leeg ko kaya napakagat labi ako at niyakap siya.

"Please mommy please just love me and daddy the three of us no more tito Dylan" napahinga ako ng malalim.

"Anak naman matatanggap mo rin si tito Dylan mo, nakalimutan mo na ba siya ang naging Daddy mo sa recitation mo noon, nakita mo naman how he loves you right?" Humiwalay siya at tinignan ako.

"But how about daddy?" Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang pesnge niya.

"Let's move on na anak, kalimutan na natin si Daddy okay" bigla siyang nagalit kaya napakagat labi ako.

"NO" sabay takbo niya sa loob ng mansion kaya napatayo ako habang nakatitig sa anak kong tumatakbo papasok nasasaktan ako ng sobra sobra, sobrang apektado si Zaccheus pag dating kay Dhruv.

"okay lang ba si Zaccheus?" Napalingon ako kay Dylan.

"Don't worry pagpasensyahan mo nalang muna alam ko soon enough matatanggap ka rin niya" ngumiti siya at hinalikan ako sa noo ko kaya napangiti ako kahit naiilang ako, marahan akong lumayo sa kanya, sobrang bait naman ni Dylan he respect me so much pero hindi ko pa siya gaanong ka kilala, his been courting me for a year ng aksedente ko siyang nasagot kahit hindi naman sana.

"Mommy do i look good?" Masayang tanong sa akin ni Zaccheus habang ka on call ko si Dylan.

"Mandy please answer me will you be girlfriend?" Tanong niya sa akin.

"Mommy answer me" inis na sabi nito sa akin kaya natawa ako at ginulo ang buhok niya.

"Oo na ang kulit" natatawang sabi ko kay Zaccheus.

"FOR REAL?" Bigla akong nagulat ng makalimutan kong kausap si Dylan.

"Mandy thank you hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na ngayung sinagot mo na ako"  nagulat ako sa sinabi niya

"Dylan ano kasi"---

"Thank you mandy i love you" napapikit ako dahil doon.

"Dylan ano kasi si Zaccheus yung kausap ko kanina" paliwanag ko.

"I know mandy kausap mo siya but your talking to me too you didn't excuse yourself to talk to him saka hindi ko rin naman alam kung anong pinag uusapan niyo" napapikit ako dahil doon.

"I love you mandy"  saka niya ito pinatay kaya napatitig ako sa anak ko.

Wala na akong magawa nun dahil aaminin ko maalaga naman si Dylan sa amin, lage niya kaming inuuna kahit na mahuli siya basta kami okay lang satisfied na siya, hindi rin siya clingy boyfriend sabihin na nating hindi ko ginustong tanggapin siya sa buhay ko pero sa isang taon na yun napalagay ang loob ko kay Dylan, sobrang bait niya inaalagaan niya ako pero kahit ganun walang tatalo sa first love ko, at mas lalong masakit dahil gusto ni Zaccheus na makita na ang daddy niya, eh hindi ko nga alam kung nasaan na yun, tinanong ko si Daddy Kino sabi niya na discharge na daw si Dhruv magaling na daw siya pero hindi nila daw alam kung nasaan si Dhruv hindi raw ito nag sabi kung nasaan siya. Kaya hindi ko alam anong sasabihin ko sa anak namin, sobrang miss na miss na siya ni Zaccheus kahit ako sobrang na miss ko siya, kanina nga akala ko siya ang nakita ko kaya agad akong lumabas ng restaurant kaso sabi ni Mr. Hakan Bagong employee daw namin yun si Baris, ng akala kong siya yun sobrang saya ko pero sobrang nadismaya akong hindi siya, linapitan ko siya dahil gusto kong ma komperma kung hindi ba talaga siya ang asawa ko, habang papalapit ako sa kanya bumibilis ang tibok ng puso ko kaso ng kausapin ko siya hindi siya sumagot, medyo malaki ang pangangatawan niya kaysa kay Dhruv saka may muscles rin siya eh yung asawa ko kahit may abs yun wala namang muscle yung braso niya pero nagdududa rin ako dahil ng tinignan ko siya sa mga mata niya parang kamukha niya talaga si Dhruv kaso yumuko agad siya at naka face mask pa, kaya mas pinili kong hindi muna umuwi gusto kong bantayan si Baris nararamdaman ko kasi sa kanya yung nararamdaman ko kay Dhruv lalo na pag magkalapit kami.

"Hindi naman ako nagmamadali, let's go puntahan natin baka sumama ang loob sa atin" bigla akong nagulat ng hawakan ako sa braso ni Dylan kaya tumango ako sa kanya habang inaalalayan niya akong makapasok sa mansion.

Ng makarating kami sa kwarto ni Zaccheus ay nakatalukbong siya kaya inilapag ko muna sa gilid ang ibinigay niyang bulaklak saka kami umupo ni Dylan sa tabi niya.

"Zaccheus my prince" tawag ni Dylan sa kanya ng bigla siyang umupo at tinignan ng masama si Dylan kahit namumula ang mukha niya dahil sa kakaiyak niya.

"DON'T CALL ME THAT YOUR NOT MY DADDY" natahimik si Dylan ng sigawan siya ni Zaccheus kaya hinaplos ko ang braso ni Dylan kaya tumingin siya sa akin at ngumiti lang.

"It's okay" bulong niya at tinignan si Zaccheus.

"Zaccheus diba sabi ko hindi naman kita pipilitin, yung daddy mo still daddy mo pa rin siya pero Zaccheus anak kasi mahirap na ang sitwasyon ngayun" napakunot noo si Zaccheus.

"What do you mean?" Tumingin si Dylan sa akin at hindi ko alam kong anong sasabihin niya sa anak ko.

"Alam mo kasi Zaccheus ako tong nasa tabi mo hindi daddy mo" tinignan niya ng masama si Dylan

"But still I don't like you get off from mommy" sabay tulak niya kay Dylan palayo sa akin kaya napatayo si Dylan at napatingin ako sa kanya.

"Hayaan mo na ang anak ko Dylan he won't understand you" napatango nalang siya sa akin.

Dhruv POV

Bagong araw nanaman pero mas pinilit kong mag face mask boung araw, ng kalabitin ako ni Johnson kaya tinignan ko siya.

"Hindi ka ba na briefing?" Napakunot noo ako.

"Ha?" Takang tanong ko sa kanya.

"Mag propropose si Dylan kay Maam Mandy ngayun hindi mo ba napansin?" Napatitig ako sa kanya saka ako hinigit at lumabas kami sa kusina saka ko nakita walang customer kundi busy ang mga tao sa kakaayos ng lugar.

"Sabi ni Antonio ikaw daw ang Waiter nila Dylan at Maam Mandy dahil kulang sa tao saka ako sa wine tapos sa music naman si Nathan" napalunok at parang nanghihina. Nanginginig ang boung katawan ko habang nakatitig sa boung lugar, kahit ni minsan hindi ko to nagawa kay Mandy.

"Halika na magbihis na tayo maya maya na magsisimula alas cinco na ng hapon" hinigit niya ako hanggang sa makarating kami sa Locker at binigyan ako ng black suites tinitigan ko ito.

"Mag bihis ka na wag kang papalpak ha" galit na sabi ni Antonio.

"Baka sirain mo pa ang proposal ni Dylan malilintikan tayo" napapikit ako lumabas ng locker room at dumiretso sa comfort room. Napaupo ako sa bowl habang hawak hawak ang damit na susuotin ko. Kinalma ko ang sarili ko at pinilit ang sarili na magpakatatag, tinanggan ko ang wedding ring ko at marahang hinaplos ito.

"I think the day has come" wala sa sariling sabi ko kaya pumikit ako at kumalma dahil nanginginig ang kamay ko.

To be continued...
TheMirrorPrincess

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ