"Lynea!" sigaw ni Alejandro.

"traydor!" ani ni Emman.

"pawang estudyante lamang kayo rumespeto naman kayo sa guro niyong nagturo sa inyo kung bakit naging malakas kayo sa paggamit ng mahika," hindi pa rin nawawala ang ngisi ni Mildred sa kaniyang labi ng may biglang lumabas na pakpak sa kaniyang likod.

"ba..bakit?" nahimigan ko ang boses ni Alejandro, marahil ito'y gulat din.

"bobo!" sigaw ni Mildred at patawa tawa na lang habang sumasayaw. Sa pagtagal ng tingin ko kay Mildred nagsalita ang katabi ko.

"naalala ko ang sabi ni Mildred sa atin noong may ensayo. Ang sino man magtatraydor at tutulungan ang magic stealer, o magbabalak magnakaw sa kwintas ay magiging pain ng mga magic stealer ito. Gagamitin nila ang taong 'yon para mapagtagumpayan ang pagkuha ng kwintas," ani ate Felicia. Huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita.

"marahil ginamit siya ng magic stealer dahil sa pagnanasa niya sa kwintas kaya't naging ganyan siya," kibit balikat na sabi ni ate.

Nang matapos siyang magsalita binalik ko ang tingin kila Emman. Laking gulat ko na naglalaban na pala ang iilang magic stealer at ang mga estudyante.

Pinapaikot ni Alejandro ang kaniyang kamay sa paligid upang magkaroon lalo ng pwersa sa hangin na kaniyang iginagawad. Si Emman ay may isang napatumba na magic stealer dahil sa biglaang pagsugod neto habang may apoy sa buong katawan ni Emman.

"Alejandro," nagulat ako sa pangalang tumawag sa aking asawa. Sabay sabay kaming napatingin dito. Laking gulat ko ng ito'y si Mildred, paiba iba ang mukha niya habang tumatagilid ang ulo. Ngunit ang huling mukha ang lalo kong kinagulat, ang nanay ni Alejandro.

"anak," lumapit ang nanay ni Alejandro sa kaniya at hinawakan ang magkabilaang pisngi neto. Agad sumilay ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

Napansin ko agad ang kamay ng nanay niya na may kukuhanin sa likod neto at nanlaki ang mata ko sa nakita, espada.. Isang espadang mahaba ang nilabas at agad itinusok sa tiyan ni Alejandro. Hindi pa rin agad pumasok sa isip ko ang nangyayari.

"Alejandro!" sigaw ko at akmang tatakbo na palapit sa asawa ko ng pigilan ako ni ate at nakita kong umiiyak na lang siya tila walang magawa dahil sa parehas na lagay namin.

"Alejandro!" ani Emman. Tinigil niya ang kaniyang mahikang apoy na pumapalibot sa kaniyang katawan at akmang lalapitan niya ang kaniyang kaibigan ng biglang sinugod siya ng mga magic stealer na nakapalibot sa kaniya.

Agad siyang inatake ng mga 'to gamit ang itim na usok na lumalabas sa katawan neto at ang mga matutulis na kuko ay pinagkakalmot kay Emman. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol, tiningnan ko si ate na ngayon ay tahimik na nakatingin sa asawa niya habang nakatakip ang bibig gamit ang palad.

Sa puntong 'yon alam ko na nahihirapan si ate, sa bawat paghinga niya ng malalim dahil sa nakita niya ang asawang onti unting nawawalan ng buhay. Parehas kaming walang magawa dahil sa oras na gamitin namin ang mahika namin.. Hindi lang kami, kundi pati ang nabuong buhay dahil sa pagmamahalan namin ni Alejandro at nila ate at Emman ay mawawala dahil sa kapabayaan namin.

"baby.." hagulgol ko habang hawak hawak ang aking tiyan at pinagmamasdan ang walang malay na si Alejandro.

Si Emman ay onti unting nawalan ng lakas at napaluhod hanggang dumapa na at naliligo na sa kaniyang sariling dugo.

"Tess.. Mamamatay ata ako dahil sa nangyari," ani ate Felicia. Sa puntong 'yon hindi ko na rin alam ang gagawin.

Napansin ko ang pagliwanag ng paligid.. Onti unting nawala ang mga usok na nakapaligid at may liwanag na lumabas mula kila Alejandro at Emman. Ang magic charm.

Ang magic charm ay nagtabi habang ito ay nababalutan ng liwanag at nagulat ako sa huling nakita. Ang sumunod na nangyari ay lumitaw ang pangalan ni Alejandro at Emman, sa huli naman ay ang pangalan ng anak ko at ang pangalan ng anak nina ate Felicia na si Rose.

Ang magic charm ay malaking bahagi ng pagkatao naming mga enchanter, ito ang nagsisilbing proteksyon ng bawat isa upang hindi pasukin ng kalaban ang academy. Nagmula ito sa ninuno namin hanggang, matagal nilihim ang ganitong bagay dahil sa oras mawala ito, 'yon na din ang kapahamakan na nagaabang sa amin at ang pagkawala ng aming mga mahika.

Sa hindi inaasahang pangyayari, dahil sa pagtatraydor ng isang enchanter at dahil sa pagiging sakim sa kapangyarihan, ang lahat ng 'to ay nangyari dahil sa isang pagtalikod sa tungkulin at pansariling interes lamang.

"Alejandro..." bulong ko sa aking sarili dahil wala man lang akong nagawa para mabuhay siya.

••••

The Bond of Magic #Wattys2021Where stories live. Discover now