Mas lalong bumigat ang dibdib ko ng lumabas na kami ng bulacan. Mas lalong bumilis ang takbo ng sasakyan pagkapasok nanin sa NLEX. Para akong tatakasan ng bait habang nakikita ang mas lalo naming paglayo. Kahit pa nakita ko si Lance duon ay hindi pa din ako mapakali, gusto kong samahan si Piero.

"Please Amary, wala ka nang magagawa" malumanay na suway ni Rajiv sa akin.

Tamad ko siyang tiningnan, kita ko ang pagaalala ni Rajiv sa akin pero mas nangibabaw ang galit ko sa kanya. "Saan mo ako dadalhin?" Galit na tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Sa mommy mo..." tipid na sagot niya sa akin. Naikuyom ko na lamang ang aking kamao, hanggang ngayon suportado pa din ni Mommy ang plano ni tito benedict. Gusto lang naman nilang maipakasal ako kay Rajiv para sa companya nila. Sarili lang nila ang iniisip nila.

Nanahimik lamang ako buont byahe. Ni hindi ko din nagawang kainin ang pagkaing ibinigay sa akin ni Rajiv. Napapabuntong hininga na lamang ito sa tuwing tinatanggihan ko siya at itinataboy. Matapos ang halos dalawang oras na byahe ay nakarating na kaming muli sa bahay nila Mommy.

"I guess you somehow missed your mom?" Hindi din siguradong sabi ni Rajiv bago kami bumaba sa van.

Muling kong iginala ang mga mata ko sa buong bahay. Sumikip ang dibdib ko habang iniisip ang mga nangyari sa akin dito nuon. Ikukulong nanaman nila ako sa loob ng kwarto ko na para bang mayroon akong nakakahawang sakit. Walang pwedeng makakita sa akin kundi silang tatlo lamang nila Rajiv.

"Amary!" Sigaw ni Mommy ng bumukas ang front door. Humahangos itong lumapit sa akin at tsaka ako niyakap. Nagawa pa niyang humalik sa aking pisngi. Muli akong naiyak dahil sa tagal din naming hindi nagkita. Mommy ko pa din siya.

"Kamusta ka na anak..." nagaalalang tanong pa niya sa akin habang marahang nakahawak sa aking magkabilang pisngi. Nanatiling nakatayo si Rajiv sa aming gilid at tahimik na nanunuod.

Tumalo ang aking masasagang luha habang nakatitig ako kay Mommy. "Tulungan niyo po ako Mommy, ayoko po dito" pumiyok na pakiusap ko pa sa kanya. Unti unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Nagaalala itong tumingin kay Rajiv na para bang mas natakot pa siyang masaktan ito kesa sa akin na sarili niyang anak. "Please Mommy, hindi ko po mahal si Rajiv" sabi ko pa ulit, kahit alam kong hindi naman niya ako kakampihan ay sumubok pa din ako. Hindi ako mapapagod na sumubok para lamang makabalik ako kay Piero.

Napaayos ito ng tayo pagkatapos niyang ibaba ang pagkakahawak niya sa aking pisngi. "Ginagawa namin ito para sayo Amary, para sayo ito" seryosong sabi pa niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Sarili niyo lang ang iniisip niyo, ayokong maging katulad niyo...hindi ako magiging katulad niyo Mommy!. Iniwan mo si Papa para sa pera!" Asik ko sa kanya kaya naman kaagad na nanlaki ang kanyang mga mata at tsaka mabilis na dumapo anh palad niya sa akinh pisngi.

Dahil sa nangyari ay dinaluhan ako ni Rajiv, hinarang niya ang sarili niya para hindi na ulit ako masaktan ni Mommy. "I'm sorry Rajiv Hijo, hindi ko napigilan ang sarili ko" paghingi ng paumanhin ni Mommy dito kaya naman mas lalo lamang lumalim ang galit ko sa kanya.

Masyado siyang kinain ng paghahangad niya ng marangyang bunay. Masyado siyang nagpakain sa pera at kapangyarihan. Hindi ko na tuloy alam kung masaya pa ba siya sa buhay niya ngayon kasama si Tito Benedict. Nagpaalam itong mauuna ng pumasok sa loob kaya naman muli kaming naiwan ni Rajiv sa labas.

Nanatili ang aking mga tingin sa sahig, naramdaman ko ang pagharap sa akin ni Rajiv. Marahan niyang hinaplos ang pisngi kong sinampal ni Mommy. "Shhh..." pagaalo niya sa akin bago niya ako hinalikan duon sa pisngi. Hindi ko siya pinansin, masyado na akong nanghihina para makipagaway pa sa kanya.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon