Chapter 8 part1(His sweet side)

1K 41 4
                                    

[A/N:] Picture po ni Lex sa side. ^_^

*------Leillani's POV------*

Ang aga-aga asungot na agad ang nakita ko, hulaan niyo kung sino..

.. Si Lex. =_= desidido ba talaga niya akong ligawan? Dinaig pa kasi niya ang driver kung makaaga ng gising sa umaga para ihatid ako sa school. Oo, tama ang nabasa niyo. Nandito siya sa harap ng bahay namin dala ang kotse niya para sabay kaming pumunta ng school. =_= Umoo nalang ako. Ano pa bang magagawa ko.

"Good morning FGL!"masiglang bati niya.

"Anong good sa morning?" poker-faced na tanong ko.

"Siyempre, kasi gwapo ang ang bumabati sa'yo at maganda ang binatian mo." nakangiting sabi niya. -__-

"Anong nakain mo ngayon bakit ka ganyan?" natanong ko nalang. Bumabanat bigla e! Nakakagulat lang.

"Bacon and egg." nakangiti pa rin siya. =_=

"Pwede liitan ang pag-ngiti mo, baka mapunit ang mukha mo." sabi ko.

"Ehhh! Concern siya sa akin, pero sige." sabi niya at niliitan ang ngiti niya, at takte! Mukha siyang bading! HAHAHA. Laptrip! Humalagpak na ako ng tawa.

"Pfffft pfffffft. HAHAHAHAH!" E, sa mukha talaga siya bading. Nakakatawa talaga. Kinuha ko ang phone ko at pinicture-an siya. Kumunot naman noo niya.

"Anong nakakatawa? Sinunod ko man utos mo a." nasasaktan 'kunong' tanong niya.

"W-wala. Halika na." natatawang sambit ko sa kanya at sumakay na sa kotse at pumunta na sa school.

Pagdating namin sa school. Parang "When I walk in the club all eyes on me" ang peg nilang lahat. =_= ang mga may ginagawa, napahinto at naki-tingin rin at take note matatalas na tingin. Dukutin ko mga mata nila e! May naramdaman akong mainit sa kamay ko at nagulat ako ng hinawakan ni Lex ang kamay ko.

"H-hoy! A-ang k-kamay mo!" >///.///< nauutal na sabi ko at pilit na hinihila ang kamay ko sa kanya pero hinigpitan niya lang ang pagkahawak sa akin. Takte! Namumula ako. Pustahan pa!

"'Wag kang magulo." kalmadong sabi niya.

"Ano bang sinasabi mo diyan. Ang daming estudyanteng nakatingin o!" sabi ko sabay tingin sa paligid. Andaming nakatingin TT_TT

"Hayaan mo na lang sila.Okay?" sabi niya. Wow, hindi siya tinatablan ng mga tingin ng mga fangirls niya? Tumango nalang ako. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag pero takte! May utak ba ang bibig ko?! Kainis. Hinayaan ko nalang siyang hawakan niya ang kamay ko hanggang classroom. Pagdating namin, nakita ko si Alexia na nakanga-nga habang nakatingin sa amin. Sabi ko na nga ba e, magugulat siya at for sure titirahin na naman niya ako ng mga tanong niya. =_=

"A-anong ibig sabihin nito Lei?" gulat na gulat na sabi ni Alexia. See? Nagtatanong na.

"Gusto mo rin tayong ganyan Bee?" tanong ni Carl kay Alexia. Sabi ko na nga ba, may gusto si Carl kay Alexia. May ipapang-blockmail na ako kay Alexia! Bwahahahah!

"Tumahimik ka diyan kung ayaw mong basagin ko 'yang mukha mo. So ano?" banta ni Alexia kaya napatahimik si Carl. Under yata ni Alexia 'to e. HAHAH!

"Nililigawan ko na siya." biglang sabi ni Lex. Nakatingin na lahat ng classmates namin sa amin, ang lakas ng boses e! Nakakahiya at nagsimulang magbulungan ang iba.

"Ha? Paano nangyari 'yon?" naguguluhang tanong ni Alexia.

"Mamaya ko nalang sasabihin sa'yo." sabi ko kay Alexia para tumahimik. Ang ingay kasi!

"At Lex pwede mo na bang bitawan ang kamay ko?" sabi ko at lumuwag naman ang hawak sa kamay ko at tuluyan na niyang binitawan. Umupo na kami kasi dumating na ang teacher namin. Nagsimula ng mag-discuss ang teacher pero kapag naaalala ko ang mga ginawa ni Lex napapa-blush ako ng wala sa oras. =_=

"Hoy may lagnat ka ba?" nag-aalalang tanong ni Alexia.

"Wa--" sasabihin ko sana na wala akong lagnat kaso sumigaw na si Alexia..

"Miss! Masama po ang pakiramdam ni Leillani!" sigaw ni Alexia kaya napatingin silang lahat sa akin. Namumula na naman ang mukha hindi dahil kinikilig ako kundi sa hiya! Gaga talaga 'tong si Alexia. Pahamak!

"Okay, you go with her to the clinic." sabi ng teacher kay Alexia. Buti nalang hindi umepal si L---

"I'll go with her." sabi ni Lex sabay tayo sa upuan niya at nagsimula na naman ang bulungan. =_= Hindi talaga nawawala ang mga bubuyog at mga echuserang palaka! Bwisit! Sinimulan na naman ni Lex ang paghatak sa akin. Uso ba hatak ngayon? Ba't hindi ko alam? =_= Pagpasok namin, pumunta kami sa desk ng nurse. Aba't lumalandi pa! Buksan ba naman ang isang botones ng uniform niya at kita ang cleavage niya =_= isa lang masasabi ko, MALANDI!

"Anong maipaglilingkod ko?" malanding sabi niya kay Lex. Sabunutan ko siya e! Ayy teka, bakit ba ako naaapektuhan masyado? E, ano naman kung may kalandian siya. Bahala sila diyan!

"Hoy malanding nurse! Hindi ka nagta-trabaho dito para mang-akit. Gets mo? Kaya ikuha mo nalang ako ng gamot para sa sakit ng ulo." nagulat siya sa sinabi ko at mukhang naiinis na.

"Bakit? Sino ka ba sa inaakala mo?" naiinis niyang tanong sa akin.

"Girlfriend niya. 'Di ba Hubby?" sabi ko sabay tingin ko kay Lex na nagulat rin pero ngumiti lang siya at...

HINALIKAN AKO SA LIPS?! O__O First kiss ko! Nawala na! Whaaaaa! Patay siya sa akin mamaya! Hindi ko talaga 'to carry pero bago 'yon tatapusin ko muna 'tong munting away ko sa malanding nurse na 'to.

"See? Kita mo na?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Padabog siyang tumalikod at kumuha ng gamot at tubig para mainom ko.

"Wala ba 'tong lason?" tanong ko sa kanya.

"Kung pwede ko nga lang 'yang lagyan e." sabi niya inirapan niya ako.

"Edi lagyan mo." inilahad ko sa kanya ang tubig. Tiningnan niya ang baso tapos tumingin kay Lex na nasa tabi ko, tumingin ako kay Lex at nakita ko siyang sinasamaan niya ng tingin ang nurse kay napalunok ito.

"'Wag na baka magkasala ako sa Diyos kung gagawin ko 'yon." sabi niya at bumalik na sa desk. Ininom ko naman ang gamot at umalis na. Paglabas namin ng clinic..

"Hoy lalaki! Bakit mo ako hinalikan ha?!" sigaw ko sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit ko 'yon ginawa? Hubby pala ha?" sabi niya habang nakangiti.

"H-hindi." sagot ko nalang. Bakit niya ba pinapaalala sa akin 'yong 'hubby' part. Naiilang tuloy ako.

"Kasi, gamot ang halik ko." sabi niya.

"Bakit naman? E, lalo ngang sumakit ulo ko non e!" sigaw ko.

"Binigyan nga kita ng KISSPIRIN e!" banat niya at nakangiti pa ng malaki >///.///< Shet! Bakit ako kinikilig? Ayyy hindi, hindi ako kinikilig! Whaaaa! Lord tulong! Bigla naman niyang pinisil ang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga!" sabi niya at nanggigigil sa pisngi ko. E, kung sapakin ko siya? Mamaya na kiniki-- este sumasakit kasi 'yong pisngi ko. =_=

"Bitiwan mo na nga pisngi ko. Ang sakit!" pinalo ko 'yong kamay niya.

"Hehehe. Sorry, ang cute mo lang kasi kapag naiinis." ^__^ banat na naman niya. Lumapit siya sa akin kaya napalakad ako ng patalikod hanggang nasa dingding na pala TT_TT bakit ba nagkadingding dito? Ughh. Pero akala ko kung anong gagawin niya, hinihipan niya ang pisngi ko kaso ang lapit niya naaamoy ko na siya, ang bango niya. Lumayo ka na please bago pa ako may magawa sa'yo. HUHUHU! TT_TT natigilan naman ako ng lumapit pa siya at bumulong..

"I really like you.." tapos HINALIKAN na naman niya ako pero sa cheeks lang. 'Wag kayong masyadong OA mga readers. -___- HAHAH. At hinatak na niya ako pabalik sa classroom.

x------Author's Note ;)

May continuation pa 'yan mga readers. Chill lang kayo. Gagawin ko ang part 2 ASAP. Sensya na kung maikli lang 'yong part 1. Hahabaan ko nalang 'yong part 2. Try ko. HAHAH! So guyss, please vote and comment lang. ;) Picture nga pala ni Lex nasa right side. ----->

-MissAmazona

Mr. Kasungitan meets Ms. Pambara QueenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora