CHAPTER 34 - Seeing the Memories

Start from the beginning
                                    

Malapit lapit lang din siya sa orphanage kaya hindi na kami nag-alala pa nung magyaya ang lolo ni Drew na lakarin yun mula sa orphan.

Nang makarating kami, hindi ko inaasahang titigil kami sa tapat ng isang puno.

Pinagmasdan ko saglit yung puno at nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na yung punong nasa harap namin ngayon ay--

"Ito yung punong tinutukoy ng lola mo na nakasulat dito sa Journal na ito." Sabi nung lolo ni Drew.

Hindi siguro makacope up si Drew dahil para siyang confused.

Napansin naman iyon ng lolo niya kaya umupo siya sa ilalim ng puno at pinaupo din kami sa tabi niya.

Umupo naman kami.

"You see, nung highschool ako.. nag-aaral ako sa Angel's Academy at dito lang sa tapat ang bahay na tinitirahan ko." Tinuro niya yung bahay sa tapat namin." Iba na ang nakatira diyan dahil sa palipat lipat kami noon ng bahay. Pero madalas akong napapadaan dito sa punong ito at lagi kong napapansin ang isang babaeng pagkadungis dungis at halatang mahirap na laging nakaupo lang dito sa ilaim ng puno."

Napatingala ako at napansin kong dumidilim na gawa ng pagabi na kasi. Pero nasisilungan naman kami ng puno na ito.

"Kapag dumaadaan ako dito, palagi ko siyang binibigyan ng pera. Naaawa kasi ako sa kanya. Ang payat payat na niya at ang dumid dumi pa. Sa totoo lang, gusto ko siyang kupkupin dahil sa sobrang awa. Isang araw, wala kaming pasok n'on, naisipan ko siyang itreat."

Ngumiti naman siya mag-isa at napatingin sa Journal na hawak niya. Nakinig lang ako at sinusundan ng utak ko yung mga sinasabi niya dahil walang pinagkaiba ang kwento niya sa nakasulat sa Journal.

" Niyaya ko siya sa loob ng bahay at nilinis siya hanggang sa hindi na siya mukhang mahirap. Binilhan ko rin siya ng mga damit at pinagshopping. Dinala ko siya n'un sa SM at hindi mo maipagkaila ang sobrang tuwa niya nung araw na iyon. Magkasing edad lang kami noon at nalaman ko sa kanyang hindi na siya nag-aaral dahil kahit pagkain lamang ay wala siya.

Doon ko rin napansin.. na isa siyang magandang babae. Maamo at mabait. Na kahit mahirap man siya, mas pinipili niyang makatulong sa ibang tao kesa unahin ang sarili niya. Araw araw iyon. Binibigyan ko lagi siya ng pera hanggang sa makagraduate ako ng college. At laking pasalamat ko, nang makaahon siya sa kahirapan. Nakakapag-aral na rin siya noon dahil sa akin at successful na nakapagtapos ng kolehiyo.

Palagi ko siyang kasama. Masaya ako tuwing nakakapagkwentuhan kami. Ang saya niya kasama nun. Ang bait bait niya talaga. Hindi ko rin namalayang nahulog na pala ako sa kanya. Pero hindi nagtagal.. nalipat ako sa ibang bansa dahil sa mga magulang ko. Ang sakit palang mahiwalay sa taong mahal mo... hindi ko na rin siya ulit nakita pa.

Hindi ko rin siya kayang palitan sa puso ko kaya nag-ampon ako ng anak. Yun ang tatay mo, Drew. Si Andrew Sandon. Ang tagal ko rin hinanap si Sarah. Ang tagal kong ninais na makasama siya ulit habang buhay. Makasama ang mga ngiti niya. Ang kabaitan niya... gusto ko siyang makita muli. Pero nabalitaan ko na lang na wala na pala siya. Huli na ako.

Yumaman man siya't lahat lahat, nagkaanak pero ampon lang din, nahuli na ako dahil wala na siya."

Umiiyak akong nakikinig lang sa kanya. Lahat ng mga sinasabi niya, tumatatak lahat sa puso ko.

Hindi ko matanggap lahat. Parang hindi rin kaya ng puso kong tanggapin.

Parang lahat ng imposible ay nangyayari na ngayon.

Kinuha ko yung backpack kong nakasabit sa likod ko at may inilabas akong litrato doon. The picture in the living room form the orphanage with the tree, binitbit ko. Hindi ko nga alam kung ano ang iniisip ko nun pero binitbit ko talaga siya.

Ipinakita ko yung picture sa kanilang dalawa at ngumiti ako ng malungkot.

Nagulat naman yung lolo ni Drew at dahan dahan niyang kinuha sa akin yung picture. Tiningnan niya iyon at kita ko na lang ang mga luha niyang nagsisipatakan. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko't naiyak na rin ako ng tuluyan.

Bigla ko na lang niyakap ang lolo ni D rew ng mahigpit. He lost someone he loved. Ang sakit pala ng naramdaman niya noon pa man. Una, nahiwalay siya sa kanya. At nung time na makikita na niya ulit siya, mababalitaan na lang niyang wala na pala siya.

Namimiss ko rin si lola. Kahit hindi ko siya nakita sa personal, natutuwa ako dahil sa kabaitan niya noon pa lang.

Parang ang hirap tanggapin. Kung ako sa kanya, magpapakamatay na lang ako. Pero siya, hindi. Nagpakatatag siya't namuhay hanggang ngayon para kay Drew.

"S-sorry po.. Sorry po talaga.." Mangiyak ngiyak kong sabi habang nakayakap pa rin sa kanya. Niyakap niya rin ako pabalik at nagiyakan na lang kami after non.

***

"Sige po. Salamat po sa lahat. Maraming salamat po talaga."

"Hindi rin. Ako ang dapat magpasalamat sa iyo dahil dito," itinaas niya naman ang hawak niya.

Nasa kanya na ngayon yung Journal at habang buhay na iyong mamumuhay sa kanya. Yes. Ibinigay ko sa kanya iyon bilang alaala ng lola ko sa kanya. " At kundi dahil sayo, hindi na kami magkakausap at magkakaayos pa ni Drew."

Napangiti ako sa sinabi niya.

I suddenly felt appreciated. Nakakatuwa.

"Sige po 'Lo. We'll be heading home for now. It's already getting late. I don't want Miss Serene to catch a cold. And I will come back here from time to time too--"

"Sasama rin po ako sa kanya! Bibisita po kami dito palagi. I'll play with the kids too." Singit ko sa sinasabi ni Drew. Tumingin naman ako sa kanya at napangiti naman siya sa akin. I smiled at him too.

"Ah, that reminds me. Drew, may sasabihin muna ako sayo saglit. Uhm, Serene.. can we?" Tumango naman ako sa lolo ni Drew.

Lumayo muna ako saglit para makapag-usap sila. Mukhang private kasi ang pag-uusapan nila eh ayokong makisingit sa usapan nila.

Pumunta muna ako saglit sa may playground at umupo muna sa may swing doon.

Tumingin naman ako sa taas and I noticed a lot of stars. I smiled at bumulong sa sarili ko.

"Grandma, you were so lucky to be loved by someone like him. You were very poor back then. But because of him, you studied so hard and became rich. Hindi man kita naabutang buhay, alam kong masaya ka noon dahil sa kanya. Thank you din sa pag-aalaga kay mommy. I miss you."

"Ate?"

"HUWAAH!"

Halos tumambling ako nang may marinig akong nagsalita. Pagkalingon ko, akala ko chakadal, yun pala, isang bata lang.

Teka.. siya yung lalaking umiiyak kanina at tinakbuhan lang ako.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa swing at lumapit ako sa kanya. Lumuhod naman ako para makalevel ulit siya at nginitian siya. Ngumiti naman din siya sa akin.

"A-ate.. l-laro tayo.."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Para akong natuwa at the same time nalungkot.

Natutuwa ako kasi gusto niya makipaglaro pero nalungkot ako kasi pauwi na kami. At nalungkot din ako dahil parang.. ang lonely niya..

Para siyang hindi masaya dito sa orphanage. Ang lonely niyang tingnan at parang lagi siyang malungkot..

"Ano name mo?" Tanong ko sa kanya.

"G-gabriel."

Ngumiti naman ako sa kanya. " Sorry Gabriel ah.. pero pauwi na kami eh." Bigla naman nalungkot ang itsura niya. "Pero promise. Babalik kami dito at bibisita kami. Then maglalaro tayong dalawa."

Sa isang pagkakataon, ngumiti naman ulit siya kaya mas lalo akong natuwa.

"P-promise po?"

"Promise."

"Yaay!"

"Miss Serene! We're going home."

"I'll be there!" Sagot ko kay Drew.

Tumingin muna ulit ako kay Gabriel at ngumiti. " Promise natin 'yan ah."

51st BODYGUARDWhere stories live. Discover now