CHAPTER 27 - A book?

96 8 0
                                    

Since hindi rin naman ako pinayagan ni Jade na pumunta sa cafe, minabuti ko nang puntahan na lang yung garden namin para icheck. For sure din naman at walang bibisita doon ni isa sa mga kagroup ko.

I really don't have a choice.

Pumunta na ako sa may green house at dahan dahan pa akong pumasok dahil akala ko may ibang tao na baka sakaling chinecheck din ang plants nila. Buti na lang at ni isang tao ay wala.

Pinuntahan ko na yung area namin. Pero napahinto ako at saka ako lumuhod sa may isang side na nanguha ng attention ko.

"Why is this part not growing?" Bulong ko sa sarili ko.

The other parts already have weeds but this section only has visible soil. I mean puro lupa lang talaga ang kita sa part na ito. At mas lalo pa siyang nakakakuha ng attention dahil rectangle ang shape niya.

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil medyo naguguluhan ako. I know I planted a seed here pero bakit ni isang damo ay walang tumubo? At bakit naman rectangle pa ang shape niya?

Tumingin muna ako sa paligid para iconfirm uli kung wala bang tao sa paligid. Sinimulan ko nang hukayin yung lupa para tingnan kung ano ba ang problema nito. Baka hindi lang maayos yung pagkakalagay ko ng seed at magtatanim uli ako.

Pero nagulat na lang ako nang makakita ako ng isang libro.

Sa gulat ko, hindi kaagad ako nakapagreact. What the..

Ano 'to?

Bakit may ganito dito?

Kanino ito?

Aaminin ko, medyo kinilabutan ako sa nakikita ko ngayon. Ganito yung sa mga movies diba? May mabubungkal silang libro na may mytery pala.

Kinuha ko yung libro at saka ko siya ininspect. Its a pink book with hard bound cover at size lang siya ng notebook. Manipis lang din siya.

Tumingin uli ako sa paligid ko at saka ako tumayo. Ang tagal kong tinitigan yung libro pero hindi ko siya binubuksan.

But something inside is telling me to read it.

Parang nakakacurious siyang basahin. Pero.. at the same time, baka pag may nakakita sa akin, akalaing magnanakaw ako dahil hindi sa akin ito. At judging by the looks, halatang matagal na itong nakatanim sa ilalim ng lupa.

Medyo marumi na kasi yung libro at kulubot na siya. Parang panghorror lang pero maayos pa naman yung libro.

Dali dali ong inilagay muna sa bag yung libro saka ako umuwi ng hindi nagdadalawang isip.

***

Umakyat na ako sa kwarto ko at nilampasan ko yung mga madadaldal naming maids. Geez.. ang iingay nila sa baba. Pagkapasok na pagkapasok mo, sila kaagad ang bubungad sa iyo tapos ang iingay pa.

But I didn't mind them. Nagmamadali akong umakyat dahil may pagaaralan pa akong libro na nakita ko kanina.

Sinarado ko kaagad yung pintuan at saka ko ihinagis yung bag ko sa may carpet. Huminga muna ako ng malalim dahil hinihingal talaga ako. Drew asked permission dahil may pupuntahan pa daw siya. Hindi ko naman siya pinigilan dahil nagmamadali akong umuwi mag-isa.

I must admit, kahit ako napapansin kong iba kilos ko mula nung makita itong libro. Kaya naglakad na lang ako mag-isa pauwi kaya ako hinihingal ngayon. May sakit pamandin ako.

Inopen ko na muna yung wall lamps ng kwarto ko. I don't want to open the light dahil nasisilaw talaga ako sa kanya. Ang lakas ng sinag eh akala niya araw siya.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon