CHAPTER 32 - Tree

67 7 0
                                    

" Miss Serene, Are you sure you want to come? It's too dangerous!"

Naiirita na ako sa kakasaway sa akin ni Drew na huwag nang sumama sa kanya. Nasabi niya kasing aalis siya mamayang hating gabi kaya nashock ako at nangulit akong tanungin siya hanggang sa nasabi niya sa aking bababa siya uli sa guild.

Kahit na naweweirduhan pa rin ako na may guild pailalim ng village na ito, nacucurious pa rin ako kahit papaano.

Matapos ang mga bagay na nalaman ko kahapon, hindi ko talaga alam... pero nacucurious ako sa lahat ng bagay na gagawin ni Drew.

"I told you, I'm going to help you in exchange for the things I did! Isa pang suway mo sa akin at mapapatay na talaga kita!" Naiinis kong sabi sa kanya. Hindi niya ako inimikan. Basta't sinunod niya na lang ang sabi ko.

Ayaw niya yatang mamatay.

Sumakay na ako sa motor niya at pauwi na kami ngayon. Wala naman akong work ngayon sa Poochie Cafe dahil sabi ni Jade, bilang pasalamat na raw iyon sa pagsuporta ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng iyon at bakit ang laking bagay na sa kanya na sinuportahan ko siya.

Pero natutuwa ako dahil concern din siya sa akin. At isa pa, may pupuntahan kami ngayon aat hindi ko pwedeng hatiin ang katawan ko sa dalawa.

Pero hindi ba dapat, mas big deal ang pagkapanalo niya kaysa sa pagsuporta ko? Hayy..kakaiba na ang mga tao ngayon..

"Uhm.. b-before we go home... "

Napatigil ako sa pagsuot ng helmet ko. Nakatingin lang si Drew sa baba at nakatayo lang siya sa tabi ng motor niya. What now? May nagawa nanaman ba akong mali?

"What is it?"

"Can we go somewhere first?"

Nag-isip muna ako ng matagal pero sa huli, pumayag naman ako. Hindi ko alam kung saan man niya gustong pumunta pero wala akong intensyong umayaw. Sasamahan ko na lang siya.

"Thank you, Miss Serene."

Sumakay na siya sa motor niya at pinaandar na niya yung motor niya.

Nagmasid na lang ako sa paligid habang bumabyahe kami sa kung saan man niya talaga ako gustong dalhin.

Hindi pa kami nakakalayo sa school, ang dami ko pa ring nakikitang mga estudyanteng naglalakad ng hindi malayo layo sa school. Yung iba, mag-isa lang na naglalakad.

Yung iba naman, kinukuha ang chance para makasama ang mga boyfriend/girlfriend nila. Pero syempre, hanggang sa paguwi lang nila  'yun. Ang sweet naman nila.

Napayuko na lang ako.

Inaantok na ako.

Bigla na lang huminto yung motor. Sa gulat ko, bigla na lang akong nauntog sa likod ni Drew. Ahh! Ang sakit sa ilong!

"Sh*t! I'm so sorry Miss Serene! Are you okay? I didn't notice the stop light! Please don't kill me.."

Hinihimas ko pa 'yung ilong ko. Ang sakit nung pagkakatama ko sa likod ni Drew.

Pero bigla na lang akong nadown sa huli niyang sinabi.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon