CHAPTER 6 - Unexpected Incident

258 14 0
                                    

Nagpara na ako sa taxi driver nang makarating kami sa tapat ng gate ng village kung saan kami nakatira at binayaran na siya saka ako bumaba. It's almost 6 and it's really getting dark. At ipinahinto ko na siya kaagad bago pa man makapasok sa village.

Masyado pang malayo dito ang bahay namin pero I think it's best kesa naman magtatalon na ang puso ko doon sa kaba na baka kung ano mangyari lalo na't uso pamandin ngayon ang mga magnanakaw na taxi driver.

All the way, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. I'm not really used to riding taxi at sa jeep lang ako madalas. Pero dahil nga sa nangyari kanina, I changed my mind. Pero nandoon pa rin ang kaba kapag nasa taxi ako.

Naglakad na lang ako pero halos magkanda balibali na ang mga kamay ko dahil sa bitbit kong mga paper bags at idagdag pa ang backpack ko. Grabe naman kasi yung store, kailangan, nakabox isa isang damit? OA talaga. Kaya pala OA ang name ng store eh.

Naglakad nalang ako, pero para talaga akong naghihiking sa bundok dahil parang ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi naman sa parang may sakit ako or something but I can sense something dangerous will happen. And it's really creeping me out dahil una, ang dilim na't gabi na kasi. At panglawa, dahil sa mga bitbit ko.

*foosh*

My heart almost stopped.

I heard a dash..

*foosh*

I heard it again!

SHET! ANO BA IYON!?

*FOOSH*

WAAAH! DON'T TELL ME-

"KYAAAAH!"

Nagsisisigaw ako ng makita ko ang isang figure na parang tao sa harap ko.. hindi ko maaninag nang mabuti dahil madilim pero I can see it's shadow and it's figure of a human.. i followed the shadow's origin and confirmed that it wasn't just my imagination.

Isang babae.

Isang babaeng nakatayo sa harap ko.

She's wearing a fit black clothes.

I can't see her face.

May hawak siyang kutsilyo at feeling ko sasaksakin na niya ako anytime now dahil sa bilis niyang kumilos.

Nagulat ako nang bigla siyang magdash papunta sa akin kaya napatakip ako ng mukha. Nabitawan ko na ang lahat ng mga bagay na hawak ko at hindi ko alam kung saan ko sila naihagis.

Napaupo na lang ako sa sahig sa gitna ng kalsada at nagtakip ng mukha.

My heart is beating as loud as those big drums and I can feel it going to burst.

"Drew...." bulong ko sa sarili ko habang naiiyak na akong ready nang mamatay.

*CLING*

May narinig akong parang nagcling na dalawang metal at parang may humawak sa balikat ko.

"Please.... stay away... from.. m-me" Nagcrack yung boses ko kasi nangingiyak na talaga ako sa nangyayari. Parang nanlalambot ang katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ilang segundo rin akong hindi nahinga dahil sa nakakapit sa akin.

 Bigla nalang niya ako binitawan. Medyo nakahinga ako ng maluwag kaya naisipan kong sumilip kung anong milagro ang nangyayari at bakit hanggang ngayon eh hindi ko pa rin nakikita si God.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakikita ko.

May dalawang figure na naglalaban doon. Alam kong isa doon ay yung parang ninjang nakita ko.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon