CHAPTER 14 - A dinner for one

165 12 0
                                    

Naputol kanina yung chapter. asdfghjkl sinulat ko pa uli.. huhuhu.. nawala yung progress ko. nakakainis lang? Hahaha, anyway, heto na po yung update. At sorry po ulit, umabot na naman siya ng 2000 words huhuhu ang haba na naman :(

••••••••

Naalipungatan ako't napadilat ng mga mata nang may maramdaman akong kumakalabit sa may paanan ko.

"AY SH*T"

Napamura ako sabay upo habang nakatalukbong pa ang kumot ko sa katawan ko. I reached for my side lamp and as I opened it, halos magtatadyak na ako nang makita ko kung sino ang nakalabit sa may paanan ko.

"DREW?! WHAT THE F*CK ARE YOU DOING HERE?!"

Anong oras na ba't nandito itong kumag na ito?!

Napahilamos na lang ako ng mukha and saw that it was 10:26 in the evening.

"For heaven's sake, Drew, 10:26 na ng gabi! Alam mo nang pagod ako at gigisingin mo pa ba ako ng ganitong oras?!"

Sinundan ko lang siya ng tingin pero medyo mahirap ng onti dahil ang nagsisilbing ilaw lamang ay ang lamp ko sa may side table at hindi pa iyon sapat para mailawan ang buong kwarto ko.

Nang mawala siya sa paningin ko, hinawakan ko ng mabuti yung kumot ko dahil kinikilabutan ako. At first I thought that it was that ninja again although I know that this house is fully secured na pero the trauma is still present kaya hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako.

Pero malaman ko lang na si Drew pala ito, ugh!

Bigla namang nagbukas ang ilaw kaya napatakip ako ng mukha dahil sa nasilaw ako.

I stayed under the sheets for a second. After some time of preparing para makakita ako ng maayos sa liwanag at makapagadjust adjust, tinanggal ko na yung kumot mula sa pagkakatakip sa mukha ko.

I looked at Drew seriously habang siya ay nakatayo lang doon habang nakahawak pa rin sa light switch at may gulat ang mukha niya.

Ibinaba ko na yung kumot at tiningnan na siya ng diretso. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papunta siya sa may tabi ng kama ko. At dun ko lang narealize na may nakahandang pagkain pala sa may low table ko sa gilid ng kama.

"I know you haven't eaten yet, Miss Serene. It's not good to sleep with an empty stomach." Sabi niya habang naglalagay siya ng juice sa may baso. I just stared at the food na hinain niya at nagdadalawang isip ako.

True, gutom na ako pero gisingin ba naman ako?

"Sorry to wake you up, Miss Serene. I was just worried." Inirapan ko lang siya sa sinabi niya.

Inayos na rin niya yung spoon and fork sa may tabi ng table at inilagay ng tama ang main dish at ang side dish. Yeah, it has a dessert kaya para akong natatakam sa hinain niya.

At oo na. Kakain ako.

" Get out." mahina kong sabi dahil wala pa akong gana sumigaw gawa ng kakagising ko lang.

"But Miss Serene--" Hindi ko na siya pinatapos bagkus ay tinuro ko pa yung pintuan at sumigaw ng pagkalakas lakas. "I SAID GET OUT--" Hindi ko na rin natapos ang sigaw ko't napatigil ako nang may marinig akong kulog. Hindi sa labas.. pero sa loob. I mean sa stomach ko.

Napahawaka ko sa tiyan kong nagrereklamo na kaya para tuloy akong napahiya.

"Please eat, miss Serene."

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon