Chapter 26

639 27 5
                                    

Chapter 26: Through It All

Flynn's PoV

It's been a week since I started receiving treatments.

Thankfully, hindi masyadong packed ang schedule ko ng surgeries this week kay nakakapag-therapy ako even when I'm in shift.

Sabi naman kasi ni Clad, okay lang naman daw na mag-skip ako ng ilang surgery dahil siya na raw ang sasalo ng trabaho ko. Or if kailangan ko namang mag-assist, si Rome na lang ang tatawagin niya.

Nabanggit na rin namin ni Clad ang condition ko kay Rome in order to make him understand why some of my surgeries might be handled by him.

As expected, nag-panic si uto nang malaman ito. Akala niya malignant ang tumor na meron ako kaya akala niya mamamatay na ako. Geez, I can still remember his reaction back then.

When we told him na benign ang tumor at kailangan lang ng therapies para lumiit ito at matanggal through surgery, kumalma naman ang loko at nagalit pa sa amin ni Clad dahil hindi raw namin sinabi 'yon kaagad.

Inirapan ko na lang siya noon at binatukan dahil siya naman ang bigla na lang nag-panic kaya hindi namin maisingit na sabihin ang totoong condition ko.

In the end, Rome had to agree dahil nag-aalala rin daw siya sa akin. He even suggested na mag-leave muna ako para hindi makasagabal ang schedules ko ng surgeries sa therapy ko.

I would have loved to do that para mas mapabilis ang paggaling ko, pero hindi ko naman na magagawa 'yon dahil nagamit ko na ang leave ko dati.

And although Clad agreed to it and told me that he wouldn't let the management cut my pay, ayoko namang abusuhin ang connection ko sa kaniya kaya tumanggi ako.

All in all, we had settled down with me having therapies and them taking my job for a while. I did promise to make it up to them when all of this is over.

Anyway, kakatapos ko lang ng therapy ko ngayon kaya mag-papalit na ako ng damit from my hospital gown to a casual one.

Clad is still against the idea of hiding my condition from Duke dahil daw baka mag-karoon kami ng complications sa relasyon namin 'pag nalaman niya 'to in the future.

I just ignored him when he opened that topic to me. For now, ayaw ko munang malaman ni Duke ang mga nangyayari sa akin.

Call me stupid and light-headed. There may be a small chance that Duke won't pity my condition, but I'd rather not risk it. At least not now.

Sooner or later, malalaman niya rin sa iba ang naging ganap sa buhay ko. But before that happens, mauuna na akong mag-sasabi sa kaniya. This time, I know that it's better late than never.

I packed my things up and looked at Clad. Bumisita kasi siya sa akin as soon as my therapy ended. Siya na raw kasi mag-hahatid sa akin sa parking dahil baka raw himatayin ako ulit.

"Hindi nga, okay? Alam mo Clad, ang OA mo. Hindi na nga ako masyadong nakakapag-trabaho dahil sa therapies ko, paano pa kaya ako magkaka-stress?"

I rolled my eyes to add emphasis to my remark. Tumawa lang naman si Clad dahil doon at saka ipinasok ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng coat niya.

"Naninigurado lang. Aba, mahirap na, hano? Baka sabihin ni Duke hindi ka namin inaalagaan habang nagta-trabaho ka rito."

"Hindi naman siguro. Isa pa, hindi niya naman alam ang nangyayari sa akin, tapos magagalit siya sa inyo dahil hindi niyo ako inalagaan? Siraulo ka talaga," tumawa pa ako ng bahagya dahil dito.

Napailing-iling naman si Clad at saka nag-lakad papalapit sa akin.

"Why don't you tell him? Hindi naman masamang malaman niya ah?"

Kiss the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon