Chapter 19

693 39 0
                                    

Chapter 19: Heartbeats

Flynn's PoV

We're currently at the mall doing some shopping.

Maaga kaming ginising ni Mom Louisa ngayong araw dahil gusto niya raw maaga rin kaming makakapag-simula sa bonding namin.

According to her, alam niyang limited lang ang time na makakasama niya kami kaya raw susulit-sulitin na niya.

We, of course, agreed immediately, kaya pagka-bukas na pagka-bukas pa lang ng mall ng company nila Duke ay pumunta na kami rito.

Mom Louisa started pulling us from one store to another. She buys whatever her heart wants, at siyempre, kami ni Duke ay sumusunod lang sa kaniya.

I mean, if someone like her is asking for a little bit of attention, once in a while, mag-hehesitate pa ba kaming ibigay 'yon?

Knowing na ngayon lang niya magagawa ito kasama ang anak niya dahil mukhang desidido pa rin si Duke na ipakita sa mom niyang hindi fit sa kaniya ang kasal?

That though immediately pained my heart. It's been months ever since we got married and a week after my so-called "confession", pero hanggang ngayon ay alam kong walang progress sa amin ni Duke.

Deep inside, gusto kong mag-work 'tong relationship na 'to. But I know more than anyone that it won't. Lalo na't si Duke ang other half ng relasyon na 'to.

Pained with my thoughts, napahawak ako sa dibdib ko. Damn, overthinking really leads me to serious pains.

"Are you okay?"

Napalingon ako kay Duke nang hawakan niya ang balikat ko. Binasa ko ang labi ko bago mag-bigay sa kaniya ng isang ngiti.

"Yep. I'm fine. Don't worry."

Tumango naman si Duke at ibinalik ang tingin sa mom niya na ngayo'y tuwang-tuwa sa mga pinipiling mga damit. I did the same at saka inignora ang sakit na nararamdaman ko kanina.

Tama, it's better to just pretend that I'm forgetting these new found feelings before it gets worse.

Lumingon sa amin si Mom Louisa at saka lumapit. Hinawakan niya ang kamay namin at bahagyang kumunot ang noo at sumama ang tingin sa aming dalawa ni Duke.

I was a bit baffled with her reaction at naramdaman ang pag-bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Why, did we do something wrong?

"Bakit ayaw niyo ring mag-shopping? You know you're not babysitting me, right? We're here to shop and enjoy!"

Parang nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi niya sa amin. Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari, nag-tatampo lang pala siya.

Nagka-tinginan naman kami ni Duke bago ko ibinalik ang tingin ko kay Mom Louisa at saka ngumiti. I held her arm then went to her side.

"Let's continue shopping na lang po, okay? We'll join you na po talaga, this time." tumingin naman ako kay Duke at sinenyasan na mag-agree siya sa sinasabi ko para hindi na kami mahirapang kumbinsihin ang Mom niya.

Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya tumango na lang siya.

"Yeah, we won't be just standing now."

Napanguso naman si Mom Louisa dahil dito at saka kapakuwan ay tumango na lang din. I gave her a warm smile then pulled her to the cashier para mabayaran na namin ang mga nakuha niya, and move on to the next store.

"Okay, then."

While on our way to the next store, nakahawak lang ako sa braso ni Mom Louisa habang nag-lalakad naman sa likod namin si Duke na ngayo'y may hawak ng mga paperbags ni Mom.

Kiss the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon