Chapter 21

717 38 8
                                    

Chapter 21: Sweet Nothings

Flynn's PoV

"Can you stop being sweet to me? Hindi ko na kasi alam kung ano pa yung act sa ginagawa mo, eh!"

"Then why don't we just stop it?"

Napamulat ako kaagad nang marinig ang malalim na boses ni Duke. He was awake all this time?

Agad namang nanlaki ang mata ko at naitulak siya papalayo. Narinig ko naman kaagad ang pagdaing niya dahil sa ginawa ko kaya nataranta ako at agad na lumapit sa kaniya.

He was just holding his chest because of the pain he felt dahil doon ko siya naitulak at mariin naman ang pagkakapikit ng mata niya habang sinusubukang bawasan ang sakit sa dibdib niya.

I bit my lip habang iniisip kung paano ako mag-rerespond sa sitwasyon na ito. Kung bakit naman kasi naisipan ko pang bumulong-bulong ng ganoon. Geez.

"Sorry. Ikaw naman kasi, eh. Bigla bigla ka nalang nagsasalita, ayan tuloy."

Duke glared at me because of what I said. I just smiled at him apologetically at saka siya tinulungang makaupo sa kama.

Umiwas ako ng tingin dahil sa distansya namin ngayon, hindi malabong tumakbo na naman ng mabilis ang puso ko. And in this situation, that is seriously not necessary.

"It's not my fault that you just pushed me out of nowhere, you know?"

Napanguso na lang ako dahil sa sinabi niya at saka umupo sa may bandang paanan niya. Nanatili pa ring masama ang tingin sa akin ni Duke kaya napabuntong-hininga ako.

"Sorry na nga, eh. Nagulat lang naman ako, eh."

"Like I was saying earlie-"

"Look at the time, oh. Ang tagal mo kasing nagpapahinga, eh."

Itinuro ko pa ang orasan sa phone ko para ma-divert ko ang atensyon niya roon.

Pinutol ko ang sinasabi niya dahil nang mag-process sa isip ko ang sinabi niya sa akin kanina, nanghina ang buong sistema ko.

On my understanding, he wants to stop the act that we have now and just show others how awkward we can be without minding what they could say.

And that's enough to pierce a thousand needles through my heart.

I just don't think I can bear to hear what he has to say. Alam ko naman, eh. More than anyone, ako ang nakakaalam na kahit kalian hindi mag-kakagusto sa akin si Duke.

Pero huwag naman pala sanang forever.

A part of me wants to see the positive side of it. Na baka nagugustuhan niya na rin ako.

Pero ano bang kagusto-gusto sa akin? I can't even reach his level, but here I am, trying to climb myself up just so I can be able to reach him.

I let out a big sigh then stood up and started to clear my thoughts. Nag-ooverthink na naman ako. This is really a wrong habit of mine. Seriously.

Lumingon ako kay Duke at nakitang hanggang ngayon ay tiim lang siyang nakatingin sa akin. Ipinilig ko ang ulo ko at saka itinuro ang pinto.

"Tara kain? Tatawagin ko na lang sina Mom Louisa para sabay-sabay na tayo."

"But-"

"Sige na, nagugutom na kasi ako."

Napalabi ako at saka hinimas ang tiyan ko. On the contrary, nagugutom naman na talaga ako, kaya tama lang ang sinabi ko kay Duke. Palibhasa nakakain na siya ng lugaw kanina kaya hindi kumakalam ang sikmura niya.

Kiss the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon