Chapter 39 ♡ Back

644 16 0
                                    

Steven POV

May tumatawag kay samantha na unknow number. Inunahan ko siya sa pagkuha ng phone niya kaso,siya padin nauna.

Alam na niya gagawin ko. Kung sino man ang tumatawag sa kanya ako ang sasagot at babarahan ko siya. Hehehe. Wala lang. Lalo na sa mga lalake. Kahit si Dominique na tumatawag sa kanya binara ko din. Kahit si maica na bespren niya binara ko din. So ngayon,were not in good terms.

"I-loudspeaker mo!"utos ko sa kanya. Inirapan niya ko pero sinunod niya din.

"Hello?"

"I miss you."

Automatic na nanlaki ang mata ko at nag-init ang ulo ko. SINONG LALAKING MAY KARAPATAN NA MAG-IMISSYOU SA ASAWA KO?! SABIHIN NIYO! SINO?!

Akmang aagawin ko na yung phone niya sa kanya,pero nag-stop sign siya. Parang sinasabi na 'Sandali lang'

"Sino 'to?" Tanong niya at inalis ang pagka-loudspeaker kaya hindi ko na narinig kung anong sinasabi nung lalaking makapal ang mukha. -.-

Napatayo ako ng bigla siyang tumayo at agad tumakbo palabas ng bahay. May kaba akong naramdaman sa dibdib ko. Then What if's started coming in to my mind. What if that's tristan and she realize that she still love's him? What if they get back together? What if samantha will leave me? What if she stop this arranged marriage? What if? Ugh! 

Inalis ko muna yun sa utak ko at agad na sinundan sa labas si samantha. Palinga-linga ako,paikot-ikot yung mata ko kasabay nito ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Then napadpad ako sa park. Malawak ang park namin sa village,kaya matatagalan ako sa paghahanap kay samantha. I better start running now. 

"SAMANTHA!" 

"SAMANTHA ASAN KA NA BA?" 

"BABY! WHERE ARE YOU?"

"SAM--antha.." And there I found her.. Hugging a man tight. 

IT FVCKING HURTS! 

***

Samantha POV

"Sino 'to?"

"Awww! Ilang years lang ako nawala,nakalimutan mo na ko. Ang sakit! Huhuhuhu. Ang sakit nun payat. Anyway im here at the park in you vi-"di ko na tinapos yung sasabihin niya ay pinatay ko na at agad tumayo at tumakbo palabas ng bahay. 

Finally. His Back. after 5 years of waiting. Finally his back. 

FLASHBACK

*8 Years Ago*

"Bata! Ang payat mo naman!" pang-aasar sakin ng isang batang lalaki. Inirapan ko siya. 

"Pakielam mo sa katawan mo? Alis ka nga diyan!"pagtataboy ko sa kanya. 

"Bat naman kita susundin?"pang-asar niya pa sakin at umupo sa tabi ko. 

"Uhh. Kase sinabi ko?"sabi ko at inirapan siya. 

"Bakit? Nanay ba kita para sundin kita?"sabi niya pa at tumawa ng malakas. Baliw ba to o abnormal? Parehas siguro. Tumatawa ng walang dahilan e. 

"Tsk. Edi ako nalang ang aalis! CHE!" sabi ko at nag-flip ng buhok at nag-crossarms habang papalayo sa kanya. Kanis yun! Epal masyado! >.<

*7 years ago*

"Ma! Ayoko sabi niyan e!"sigaw ko kay mama. Kasi ba naman binibilli ako ng dress! Ayoko nun! Masyadong girly. Nandito kami ngayon sa isang stall ng damit sa mall. At oo,sinigawan ko si mama dito. Ang kulit kasi ni mama e! 

"Try mo lang naman anak. Malay mo bagay sayo diba?" sabi niya at pinatong yung damit sa katawan ko yung tipong tinitignan niya kung bagay ko o hindi. 

"Ma! Masyadong pambabae!"sabi ko at umupo nalang sa tabi habang naka-kunot ang noo.

"Hayyy. Juskong bata ka! Edi kung ayaw mo,edi wag!"panenermon niya sakin at sinabit ang damit sabay punta sa ibang mga damit. Napabuntong hininga nalanbg ako. 

"Bat di mo subukan yung damit? Bagay sayo yun. Maniwala ka saken."nagulat naman ako sa tumabi sakin at kinausap ako. Tumingin ako sa kanya at dun ko lang nalaman na si Bryan pala ong katabi ko. Remember him? Yung nang-insulto sakin sa park a year ago? Were friend's now. Unbelievable right?

"Tsk. Ayoko. Masyadong pambabae."sabi ko at ngumiwi pa. 

"Babae ka naman talaga. Para maiba naman hyang mga suot mo! Lagi ka nalang naka pedal at t-shirt!'

"Ewan ko sayo Bryan. Ano bang ginagawa mo dito?"tanong ko at inirapan ko siya.

"Si mama at ate nagsho-shopping."at nginuso niya pa yung mama at ate niya sa may counter at nagbabayad na. Napatingin ako sa ate niya,ang ganda niya. Naka-dress siyang blue at naka-doll shoes.

"Gotta go. Sukatin mo ah? Gusto ko yun ang i-suot mo sa date natin."at kinindatan pako bago umalis. May kung anong naramdaman ako sa tiyan ko. Ano ba yun? 

Napatingin ako dun sa dress. Di naman masamang manukat ng damit diba?

*6 Years Ago*

"Boo! Aylabyoo!"biglang sigaw ni Bryan at bi-nack hug ako. Hayy. Ano nanaman kayang sumapi sa abnormal na to. 

"Anong kailangan mo?"sabi ko habang naglalakad kami palabas ng school. Pinagtitinginan kaming nga mga kapwa students namin pero di nalang namin pinapansin. 

"Wala. Na-miss kita e."sabi niya at mas lalong hinigpitan yung yakap sakin. Di kase kami magka-klase. 1st section ako habang siya naman ay 2nd. 

"Wow. Grabe,2 weeks lang naman tayong di nagkita na-miss mo agad ako."bored kong sabi. 

2 weeks kasi siyang hindi nagpakita sakin. 2weeks din siyang di pumasok. Tine-text ko siya pero hindi siya nagre-reply. Tinatawagan ko pa nga e,Hindi lang sinasagot. -.-

"Eeehhhhh~ Na-miss kita. Na-miss kita. Na-miss kita."sabi niya pa habang hinahalikan pisngi ko. Sinong di mahuhulog sa lalaking to? -,-

"Oo na,oo na. Na-miss din kita."sabi ko at niyakap ko na siya. "San ka ba kasi pumunta ha?"di ko na napigilan,napaiyak nako.

"Shh,im sorry."sabi niya at hinagod yung likod ko.

"Kasi naman e!"

Believe me. Bestfriends lang kami.

END OF FLASHBACKS

5 years niya din akong iniwan at pinaghintay. Sabi niya babalik siya after 2 years. Umasa ako,umasa ako na babalik siya. Na babalikan niya ko. Pero hindi. Kaya sinukuan ko na siya 2 years ago. At ngayon,heto na siya. He came back.

His just 10 steps away from me. Tinitigan ko siya. Mas lalo siyang gum-wapo,tumangkad din siya lalo at may kulay na ang buhok niya. Di ko mapigilang hindi umiyak. I really can't believe it! Nandito na siya! Nandito na ang Boo ko!

Agad akong tumakbo sa kanya at yinakap siya ng mahigpit. God knows how I miss him so much.

"Nakakainis ka! I hate you!"iyak ko sa kanya habang yina-yakap siya ng mahigpit.

"Wow naman Boo! I hate you too!"sabi niya at bigla akong binuhat.

"Bryan naman e!"binaba niya agad ako.

"Ang bigat mo na Boo! Di kana payat!"

"Che!"irap ko sa kanya. Ilang minuto din kaming nagtitigan bago niya ko yakapin ulit.

"Boo. I miss you so much. Im back. Your Bryan Lim is finally back."

---

A/N: Team Steven o Team Bryan? :))

I Love You Forever (BaekYeon) [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon