Chapter 56

365 16 0
                                    

STEVEN's POV

'If you want her back, let's fight. Tomorrow at the grand fight floor. We'll be waiting for you.'

Yan ang natanggap kong sulat dito sa isang box na ipinadala saaken na may laman ng buhok. And I think it's Samantha's hair.

Tinawagan ko kaagad yung iba at naghanda na kami para sa laban mamaya.

11:30 pm. Nandito kame sa sala. Kaming labing isa lang nandito. Since nasa kanila na si Kevin.

"You ready?"Tanong ko sakanila.

"Always."I smirked.

Sumakay na kame sa kanya kanya naming motor at pinaharurot na ito papunta sa meeting place.

Maraming tao. Lahat ng nandito ay mga gangster galing sa iba't ibang lugar at iba't ibang rank. Pumunta na kame sa kwarto namen.

Simple lang ang suot namen. Parang school uniform lang. Pero sa loob ng bawat bulsa nito ay may laman na armas na gamit namin.

We use it when we can't fight them by punch and kicks.

Lumabas na din kame pagkatapos. Nag warm up lang kame at hinanda ang mga armas namin.

"Baby I'll get you back."

-

3RD PERSON's POV

Napatigil sila sa pagwa-warm up nang bumuka na ang pinto sa kabilang dulo.

Black Beast. Nagsigawan ang lahat ng tao, marahil ay excited na sa patayan na magaganap.

Lahat ng miyembro ay nakasuot ng itim at ng mask.

"Let's start this."

Sumugod na si Steven na agad namang napatumba ang unang sumalo ng suntok niya. Sumunod ang isa, tinuhod niya ito at sinipa. Hindi pa ito nakuntento pinagsusuntok niya pa ito.

Busy silang lahat sa pakikipagsuntukan kaya hindi nila napansin ang dalawang tao na papalabas ng ring.

Isang babae at lalake.

Samantha is now Taeyeon also known as Taengo while Kevin is now Sehun.

Magkaholding hands lumabas ang dalawa. Sweet tignan pero hindi. Makikita mo sa mata nila na hindi sila ang mga ito. Black ang mata nila at punong puno ng sulat ang kanilang balat. Tumabi sila kay Blake na mataman na nanunood sa laban.

"Kiss."He ordered. And they did. They're kissing.

"What the fuck,Kevin?"Nasabi ni Steven ng mapansin ang dalawa.

"Damn."Galit na galit siya at hindi na siya nakatiis at sinugod na ang may gawa ng lahat ng ito.

"PAPATAYIN KITA!"

Bago pa man niya mahawakan si Blake ay may tumama ng baril sa kanang kamay niya na naiwasan niya din.

"Kill him."Utos ni Blake kay Samantha.

Lumapit siya sa lalake habang nakatutok padin ang baril rito.

"Samantha,no."Saglit na napatigil siya sa paglapit pero agad ring napigilan at nagpatuloy sa paglapit.

"Die."She was about to shoot him when Suho pushed her.

"STEVEN LUMABAN KA! Hindi si Samantha yan!"Sigaw niya kay Steven at mabilis na nakipaglaban sa iba.

Nagising sa katotohanan si Steven.

'Right. Hindi ikaw ang baby ko. You're not my Samantha.'

"Sumuko kana. Wala kang laban."Sabi sakanya ni Samantha,with a smirk on her face.

"Let's see."Sumugod si Steven at mabilis na sinuntok si Samantha,mabilis si samantha kaya agad siyang nakabawi. Di hamak na mas malakas siya kaysa kay Steven dahil sa microchip nito.

Mabilis na sumugod si Samantha papunta kay Steven at agad itong sinikmuraan. Hindi dinaing ni Steven iyon at sinipa si Samantha. Mahirap man sakanya ngunit kailangan. Hindi siya pwedeng mamatay dahil paniguradong magagalit sakanya si Samantha dahil iniwan niya ito.

Napatumba si Samantha pero mabilis din siyang nakatayo. Naglabas siya ng baril at tinutok ito kay Steven.

Napatingin siya kay Tristan na ngayon ay nakaluhod na habang hawak ang tagiliran niya. Sinaksak siya ni Kevin.

"Damn!"Gigil na sambit ni Steven at mabilis na inagaw kay Samantha ang baril. Mabilis niyang naagaw ito. Pinagpuputok niya ito kay Blake habang iniiwasan ang bawat suntok at sipa ni Samantha.

"Shit! Baby masakit yun!"Nasipa kasi siya ni Samantha sa bandang tiyan. Saglit na napatigil si Samantha, umiling siya at pinagpatuloy ang pagsuntok kay Steven.

Sa bawat putok ng baril niya ay naiiwasan lang ito ni Blake kaya lalo itong nanggagalaiti sa inis.

"Pucha naman oo!"Wala siyang choice. Binaril niya si Samantha sa binti. Napaluhod ito.

Nang mapaluhod siya ay ginamit itong pagkakataon ni Steven para sumugod kay Blake.

"Fucking asshole. You're dead."Tinulak niya si Blake at napahiga ito sa sahig. Pinagsusuntok niya ito sa mukha.

"TANGINA ANO BANG KASALANAN KO SAYO HA? BAKIT MO BA TO GINAGAWA?"Sabi niya rito habang pinagsusuntok parin siya.

"HINDI MO BA TALAGA ALAM? NG DAHIL SA TATAY MO NAGPAKAMATAY ANG MOMMY KO!"Natigilan si Steven.

Anong kinalaman ng tatay niya sa nanay neto?

"Anong ibig mong sabihin?"Takang tanong niya rito.

"MY MOM WAS YOUR DAD'S DAMN MISTRESS! THAT WAS 10 YEARS AGO! PERO INIWAN DIN SIYA NG TATAY MO. Na-depress si mama kaya nagpakamatay siya. I was 8 years old back then when she left me. Sinubukan kong humingi ng tulong sa tatay mo pero hindi niya ko pinakinggan. Pinatapon niya ko sa labas ng bahay niyo ng parang basura. NGAYON ALAM MO NA! MAMATAY KANA NGAYON!"

At nakaramdam siya ng matulis na bagay sa likod niya na paulit ulit isinasaksak sakanya.

"B-baby."

I Love You Forever (BaekYeon) [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon