Muli syang tumakbo at nakipag-agawan ng bola. Kitang-kita ko ang bawat patak ng pawis at bawat paghinga nya. Para bang biglang luminaw ang paningin ko. Normal ba ito? Kasi kanina lang hindi ko sila masyadong makita. Pero ngayon pati pagpatak ng pawis nya sa sahig ay klaro ko na. Hindi ko rin masupil ang ngiti ko. Nababaliw na ako!

"Sino ba iyon? Ang yabang,"

Umismid ako nang maka-eskor ng tatlong puntos ang kabilang grupo. Itinaas ng kalaban na nakapuntos ang mga kamay upang mas palakasin ang hiyaw ng mga tao, kumaway pa sya! Yabang talaga. Kulay itim nga pala ang uniporme nila, hindi ko agad nasabi kasi kinalimutan ko.

"Matthew Connelly. A half Italian Mechanical Engineer. He was one of the creators of Lamborghini's super car Sesto Elemento which translates to Sixth Element in Italian."

Hindi ko masyadong naintindihan ang mga huli nyang sinabi pero sa tingin ko ay malaking bagay iyon sa pagkatao ng lalaking mayabang na 'yon. At sa tono ng pananalita ni Rhioz ay parang mangha rin sya rito.

Tumunog ang sipol at sumigaw ang referee ng kung ano, pero sigurado ako na hudyat iyon para sa sandaling pahinga ng mga manlalaro. Agad akong napatayo at nagmadaling bumaba.

"Hoy, where are you going?!" Dinig kong sigaw ni Rhioz pero hindi ko sya pinansin.

Patuloy lang ako sa pagbaba. Medyo na-stranded pa nga ako kasi yung mag babaeng magaganda ay nagsisibabaan din. Pero wala akong pake sa ganda nila, maganda rin naman daw ako sabi ni tatay.

Nang tuluyan akong makababa ay nanakbo ako tungo sa koponan nila boss. Nakatayo lamang sya doon habang nasa baywang ang isang kamay at ang ay may hawak na botelya ng tubig. May mga butil pa na dumadaloy pababa sa kaniyang leeg!

"Hustisya, nak! Bakit ang gwapo ng tumatayo mong ama?" bulong ko kay Jumong na kumurap lamang.

Nang makalapit na ako ay binagalan ko ang aking paglalakad saka kumuha ng isang twalya sa lalagyan na nadaanan ko. Tumigil ako sa harapan ni boss habang piniligilan ang laway na tumulo. Nagbaba sya ng tingin sa akin at tiningnan ako na para bang nagtataka.

"Why are you here?" Napatingin sya sa bata na walang kibo sa bisig ko at pinapapak ang tali ng baby sac. "Dapat do'n lang kayo sa taas."

Muli syang uminom ng tubig.

"Boss, k-kasi pawis na pawis ka." medyo mahiya-hiya kong sabi. Hindi ko sya matitigan!

"And?" Anong 'and'?!

Pakiramday ko'y nawala ang lahat ng hiya ko sa katawan dahil sa narinig. Isinampa ko sa braso ang hawak na twalya saka tinanggal ang mga tali sa baby sac ni Jumong. Inabot ko sa kaniya ang bata at nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha bago nya tinanggap. Nagpunta ako sa kaniyang likuran saka tumuntong ako sa upuan.

Sinimulan kong tuyuin ang pawis nya sa batok, leeg at mukha gamit ang twalya. Ramdam ki ang sandaling pagkatigil nya. Pero ilang saglit lang ay bahagya syang umatras upang mas lumapit ang katawan nya sa akin. Ang mas ikinagulat ko pa ay ang bigla nyang pag-harap! Lumundag muli ang puso ko at halos hindi ko na masupil ang aking ngiti.

Eeeh! Nahihiya ako! Ramdam ko ang mga bubuyog sa tyan ko. Nakakakiliti! Hehe, kinikilig yata ako! Lalo na nang sinimulan kong punasan ng marahan ang pawis nya sa mukha. Hindi ko mapigilang humagikhik. Si boss kasi, e! May papikit-pikit pa!

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now