Otomatiko akong napadilat. Sumalubong sa aking paningin ang kunot na noo ni boss. Hindi gano'n kalapit ang mukha nya sa akin pero malapit pa rin! Ang kulay abo nyang mga mata, ang matangos nyang ilong, ang seksi at mamula-mula nyang labi ay klarong-klaro ko na!

Ang sarap nyang titigan maghapon. Imposibleng pagsawaan ang perperkto nyang itsura. Jusko, bakit? Bakit kailangan ganito ang amo ko? Hindi ko kinakaya! Nagbaba ako ng tingin sa kamay nyang nasa katawan ko.

Ay! Nasa tagiliran ko lang pala.

"Fasten your seatbelt. Safety first."

Napakurap ako. Jusko, seatbelt lang pala! Kung anu-ano na'ng iniisip ko! Kailan pa ako naging ganito kaharot?

"S-salamat po, boss."

Nahihiya ako. Dapat kong umayos dahil kaming dalawa lang ang nandito. Narinig ko ang pagbungis-ngis ni Jumong kaya sinamaan ko kunware ng tingin ang anak ko. Nang-aasar! Marunong na kunware! Sarap tadtarin ng halik! Pati ang tatay. Hehe!

Muling umandar ang kotse kaya agad na naman akong napahawak sa kung saan pwede. Tinakip ko na din sa mata ko ang mask. Sobrang bilis talaga kasi ng takbo pero parang wala lang kay boss at kay Jumong! Tatawa-tawa pa nga sila!

"We're here,"

Ibinaba ko ang mask sa aking bibig nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking gusali. Pagkalabas namin ng sasakyan ay may lumapit sa amin na lalaking naka-mask din at huminto ito ilang metro ang layo.

"Good morning, Mr. Aleksev. This way, please."

Sumunod kami sa lalaki papasok sa gusali. At nang makapasok kami, literal na nahulog ang panga ko. Jusmeyo, mall nga! Walang ibang tao dito kundi kami lang!

"I'll be guiding you across the mall. I hope you get the best experience in here. But before anything else, we have to make sure you are well."

May thermal scanner syang inilabas at botelya na sanitizer daw pagkatapos.

"First, the baby section. Right, Sir?" Sabi ng lalaki.

Ang totoo ay hindi ko talaga alam kung bakit kami nandito sa mall. Ewan ko kung anong pakay dito ni boss at nirentahan pa talaga.

"Go, find a cradle."

Napatingin ako kay boss. "Po?"

"I said, humanap ka ng duyan." At ibigin mo'ng tunay? Ay, pangit pala yun.

"Make sure it's durable. Don't mind the tag, just grab anything with the best quality."

Sandali akong napakurap. Malamang nakita nya sa kwarto yung duyan na ginawa ko gamit ang kumot! Ibig sabihin ba nagpunta kami dito para bumili ng duyan?

Napangiti na lamang ako at nagmadali tungo sa parte kung saan may duyan. Tinulungan din ako nung lalaki sa pagpili. Minsa'y sinisipat ko ng tingin si boss na tumitingin sa mga damit pambata habang yapos si Jumong. Isipin mo, isang makisig at kahali-halinang lalaki na namimili ng damit pambata.

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now