04

21 2 0
                                    

[A/N: EXPECT THE WRONG GRAMMAR AND TYPO.]

Cousin.

Nag mag uwian ay hinintay ko muna si shiela, inutusan sa office. Bibili kasi kami ngayon ng gamit ko para sa pag cacalligraphy. May ipon naman ako, naubos na kasi yung iba nagka onti onti na.

Tinawagan ko muna si daddy, 2 rings sinagot nya naman agad. [Hello, anak?]

"Ah, daddy. Pupunta kami ngayon ni shiela sa mall. May bibilhin lang po,"

[Oh, hahatid ko na kayo doon.]

"Dad, no need. Lalakarin lang naman ang mall malapit lang din ito sa school 'yun. Tsaka diba may work ka ngayon? Wag na dad. Asikasuhin mo nalang po yung sa company." ani ko, chairman si dad sa company na pinag tratrabahuhan nya. Nag tratrabaho pa sya ng mabuti para ma promote na sya as ceo.

[Oh, sya sige. Mag iingat kayo. Iloveyou reign.]

"Iloveyoutoo, dad. Bye." atsaka ko na pinatay ang tawag.

Dumating na din si shiela, kasama si kevin? Bakit sila mag kasama?

Nang makalapit sila ay nagtaka na ako agad. Bakit parang close na close sila? Tapos dikit na dikit pa sa isa't isa?

"Shiela!" ani ko, nagulat si shiela sa pag tawag ko atsaka dumistansya kay kevin.

Nakita ko ang malagkit na titig ni kevin kay shiela, may something ba sila?

"A-ah, n-nakasabay ko l-lang sya, r-reign." aniya bakit nauutal?


"Ah, okay... Ano? Tara na? Nag paalam na din ako kay daddy eh." sabi ko, tumango naman sya agad.


"A-ah, r-reign. Kasi nakwento ko kay kev na aalis tayo. Pwede ba daw sya sumama?" tanong nya..


Parang may kakaiba talaga eh, i don't know what is. I feel uncomfortable.


"O-oo naman! Tara na!" anyaya ko, tahimik lang kami sa daan. Ang awkward.


Nang maka pasok kami sa mall ay pumunta na agad kami sa national book store.

Medyo natagalan pa ako, nakakahiya naman sa kanila."Ah, reign. C.r lang ako." aniya

"Sige!" natuwa ako sa idea nya kasi magkakasama kami ni kev.


Ilang minuto lang ay umimik si kev,"Ah, reign? Restroom lang ako." aniya. May kakaiba talaga na bumabalot sa paligid ko.


"O..kay.." ani ko at umalis na sya, tapos na din ako sa pamimili kaya dumiretso na ako sa cashier. Binayaran ko naman agad ito at lumabas na. Ang tagal naman nila? Mapuntahan nga.

Malapit na ako sa c.r ng may marinig akong nag uusap, pamilyar na boses.


"P-paano natin sasabihin ito, kev. Ayokong masaktan bestfriend ko, at ayaw kong mawala ang pagakakibigan namin dahil dito." ani shiela. Bakit? Anong meron? Nasa gilid ako na may hagdan, pwede umakyat sa taas.

"Sshh, sasabihin naman natin babe." b-babe?

"Kev, 3 years na tayong nagtatago. Aren't you admit to the campus that i'm your long time girlfriend until now?" kaya pala minsan, tumatanggi si shiela sa mga lakad namin. Ending mag isa ako pumupunta.


"We will, konting panahon nalang babe." ani kev, why it's so hurt?


"Kev, gustong gusto ka ng kaibigan ko. Pero hindi ko masabi, nauna sya sayo. 5 years ka na nyang gusto. Pero ako ang pinili mo." I-i'm literally hurt.


It's all my fault. Tinext ko agad si shiela.

To: Shiela

Umuwi na ako, i'm sorry. Kailangan daw ako sa bahay eh.

Tumunog naman ang phone ni shiela na rinig na rinig ko kahit maraming tao."S-si reign, umuwi na daw sya."


"That's good, we'll bonding together. We'll say to her tommorow, don't be sad my love." love.


Umakyat ako sa taas ng hagdan dahil naramdaman kong lalabas na sila, umupo ako sa pasyo ng hagdan at doon umiyak ng umiyak.

Ang sakit, akala ko okay na lahat. ang sakit... Sobrang sakit... Bestfriend ko pa, pwede naman kahit iba pero bakit bestfriend ko pa? Tangina.


"Iyakin mo naman," pamilyar na nag salita. Tumingala ako at nakita ko si tukmol.

"May pangalan ako, leo. Hindi tukmol." aniya, medyo natawa ako kaya napa ngiti ako.

"Ganiyan, ngumiti ka. Panget mo kasi umiyak. Oh panyo, kalat na sipon mo." di ko nalang pinansin mga insulto nya at kinuha ang panyo.


"Salamat," sincere na ani ko


"Mas gwapo naman ako doon kay kevin, bakit iniiyakan nyo 'yun? Ako nalang iyakan nyo worth it pa luha nyo dahil sasaluhin ko kayo." so, it means alam nya?

"How did you know?"


"Kasi may mata ako? Kasi nakita ko? Atsaka maraming nagkakagusto kay kevin. Witness ako doon, pati ang mga umiiyak sa kanya."


"Masakit lang kasi... Atsaka bakit kilala mo si kevin?"


"He's my cousin." m-mag pinsan sila?


"Mag pinsan pala kayo, di ko alam."


"Syempre, di ko sinabi." pilosopo din eh 'no?

"Tara, mag arcade muna tayo. Don't worry umuwi na sila."

"Sabi ni kev mag bobonding daw sila eh?"

"Naka salubong ko, tinawagan si kev ng mommy nya."


Tumango nalang ako sa sumunod sa kanya.

"Akina yung bag mo." aniya


"Huh? bakit?" takang tanong ko, abg dami kasing importante rito.


"Bubuhatin ko kaya akina." binigay ko naman din para walang away.

Pumunta muna kami sa arcade na baril barilan, bet ko yun eh. Basta baril barilan punyeta.


May mga zombie parang left 4 dead, ganun.

Pinagbabaril ko yung mga zombie ng maubusan ng bala ay napatili ako dahil sinugod na ako ng mga zombie at napayakap kay leo. Shit. Bakit ang bango nya? (nag downy sya sis HAHAHA)

"A-ah, nagulat lang hehe." ani ko at bumalik sa pag lalaro.


Sinunod namin yung racing, naka motor kami. Ang saya lang kasi tinuturuan nya ako paano mag drive..



Matapos kami doon ay doon kami sa manika, may sailormoon! Gusto kong makuha 'yon! Dali dali ako nag hulog ng token at dahan dahan pinaandar ang machine.



Dumulas ito kaya di ko nakuha, "Ano ba 'yan!" nag sad face ako.



"Ako na nga." aniya at nag hulog ng token, chibi doll lang naman iyon pero gusto ko pa rin makuha! Hinanda ko phone ko dahil gusto ko itong picturan.


Nang marinig kong may nalaglag sa ibaba ay nagulat ako at sumulyap doon, omg! Nakuha nya si usagi!!



Kinuha ko yung chibi doll, "Thank you!!" maligayang ani ko at niyakap sya.


"Tara mag picture tayo!" sabi ko, kahit irita ay nakipag picture pa din sya sa akin, we made 10 shots pics.


Ang saya grabe, kahit saglit lang nawala ang lungkot ko.

©ReinVera

The Hindrance (Rain Series #2)Where stories live. Discover now