KABANATA XL: Aligaga

Start from the beginning
                                    

Ako na lang ay natulala at iniba ang reaksyon sabay muling pagtawa. "A-Ahh, ano ba naman kayo? Binibiro niyo na naman ako eh."

"B-Bro---"

"Oo boy, si Aya ang nagluto niyan," agarang tugon ni Tatay Gabo.

Kitang-kita naman ang pag-iba ng reaksyon ni Tatay Gabo ngunit ako na lamang ay ngumisi muli ng bahagya.

"Sabi ko na nga ba eh. Hindi ako magkakamali sa luto niya," tugon ko.

Tinapos ko na ang pagkain ko at iniligpit ang mesa sabay hinugasan ang mga plato't kubyertos. Habang sila naman ay nasa labas na pawang masinsinan ang pag-uusap na tanaw rito mula sa loob ng bahay.

Tila bang ako na ay hindi lumabas at pinakinggan na lamang sila mula rito sa may pintuan.

"...Tay, hindi ka na dapat nagsinungaling eh," rinig kong bigkas ni Jim.

"Alam ko pero ayaw kong nakikitang nahihirapan si Lance," wika pa ni Tatay Gabo.

"Tay, lahat naman tayo ayaw mahirapan si Lance ah? Tay, hindi naman 'yun makakatulong sa kanya, mas lalo lang siyang umaasa sa wala." Mga salitang binigkas ni Jim habang ako ay napakunot na lamang ng noo.

"Gusto natin gumaling si Lance and we should help him," sagot pa ni Jim.

Ako na lamang ay hindi inaasahang napakumot ng kamao. Tila bang inis ang nasa isip kung kaya ay wala namang nakikitang dahilan sa mga sinasabi nila. Ako ay napabuntong-hininga at agad na lumabas. Ganoon na lang din ang pagkagulat nila.

"Hindi ko kailangang gumaling dahil wala naman akong sakit," pagbungad ko at dali-daling tumungo sa gate upang buksan ito.

"B-Boy, anong ginagawa mo rito sa labas? Magpahinga ka na muna roon. Halika," aligagang wika ni Tatay Gabo.

Piniglas ang pagkahawak nito sa aking braso at nilapitan si Jim.

"Jim, umalis ka na. Hindi kita kailangan," wika ko habang siya ay itinutulak.

"Bro, ano ba? Bitawan mo nga ako. Ano bang nangyayari sa'yo?" sunod-sunod na mga pagtaas ng boses ni Jim habang kinakalas ang pagkahawak ko sa kanya.

"Hindi ko kayo kailangan, umalis na kayo!" sigaw ko nang siya na ay hinawakan ako sa braso.

"Ayan ka na naman Lance eh!" pagtaas muli ng tono ni Jim.

Paulit-ulit na pag-iling ang nagagawa kasabay ang mga pagtabon ng bibig. Kitang-kita naman ang hindi makagalaw na si Tatay Gabo sa kanyang kinatatayuan kung kaya ay natatanaw ang pamumuo ng kanyang mga luha.

"Tulungan mo naman 'yung sarili mo, bro? You're being..."

Ako na lamang ay muling napabuntong-hininga habang rinig pa rin ang mga pagtaas ng boses ni Jim. Tila bang naaaligaga na lamang ako't hindi na maramdaman ang sarili sabay pagsabunot ng buhok.

"Tama na!" sigaw ko, "Wala akong sakit, h-hindi ako baliw! H-Hindi ko kayo kailangan, h-hindi ko kailangan ng tulong niyo---"

Mga kamay ay pawang nanginginig, nagagawa sa ulo ay pinipisil-pisil. Paulit-ulit na pikit-mulat ang inirehistro, hindi matanto kung anong nang nangyayari sa aking sarili.

"H-Hindi ako baliw... hindi ako baliw. Hindi ako baliw!" nanginginig kong pagtaas ng tono na para bang pareho silang natigilan sa mga nasabi ko.

"B-Bro, hindi ka ganoon---"

Hindi na natapos ni Jim ang mga pangungusap niya na para bang naiinis akong marinig siya.

"Jim, umalis ka na!" sigaw kong muli.

"L-Lance, ano ba!"

Tila bang hindi ko na napigilan ang sarili ko kasabay ang mahihigpit na pagkahawak ko sa braso ni Jim upang siya ay palabasin ng gate.

"Boy, tama na 'to please," nanginginig na pagbigkas ni Tatay Gabo ngunit hindi na ito pinakinggan pa.

"I don't need your help... I don't need your help. I-I don't need your help!" sigaw ko pang muli.

"Bro, you need us. Just please, don't push us away." Mga salitang binitawan ni Jim sabay pag-ayos nito ng sarili mula sa pagkahila ko sa kanya.

"Hindi... Hindi 'yan totoo."

Hindi na napigilan ang sarili kung kaya ay nakwelyuhan ng mahigpit si Jim dahilan na rin ng galit na nangingibabaw sa aking isip.

"Bro, nasasakal ako," nauubong wika ni Jim.

"Boy, tama na!" pagkalas ni Tatay Gabo sa pagkwelyo ko kay Jim, "Ano bang nangyayari sa'yo?!

Napabitiw na lamang ako sabay pagkaatras ko't paulit-ulit na naiiling, nasasabunot ang mga buhok.

"S-Sorry... sorry. Sorry... sorry, hindi ko sinasadya." Mas lalo akong naaaligaga sa sarili kung kaya ay baka malaman ni Aya ang nangyayari.

"Hindi dapat 'to malaman ni Aya. Please, huwag niyo 'tong sasabihin kay Aya. Kailangan ko ng pumasok, h-hintayin ko pa siya---"

Ako na ay agad na pumasok sa loob ng bahay ngunit tila bang nakaramdam ako ng yakap mula sa aking likuran.

"T-Tay, ano ba? Huwag niyo 'kong pigilan, hihintayin ko pa si Aya sa loob." Mga salitang binitawan ko kasabay ang aktong pagkalas ko ng mahigpit na yakap nito sa akin.

"Tay, bitiwan niyo muna ako..." dagdag ko pa.

Agad namang nagsalita si Tatay Gabo na tanging naririnig ay ang paghingos nito.

"B-Boy, halika na muna rito. Kausapin mo muna ako ha?" nanginginig na wika ni Tatay Gabo sabay pagharap ko sa kanya.

"T-Tay---"

Tila bang hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nakikita kong umaagos na ang luha nito.

"B-Boy, gusto kong malaman mo na... andito lang ako para sa iyo. Kahit anong mangyari, mananatili ako sa tabi mo. Isa lang naman ang parati kong hinihiling eh, na sana maging masaya ka, na sana matupad mo lahat ng gusto mo," pangungusap ni Tatay Gabo na tanging ang tingin lang ay sa kanya.

"Gusto ko rin na maging matagumpay ka, na maging maganda ang takbo ng unang pelikula mo at sa susunod pa. Huwag kang mag-alala ako ang unang bibili ng ticket mo. Nandito naman kami Boy eh, nandito kami para suportahan ang kaligayahan mo, nandito kami para tulungan ka. Para sa'n pa't naging tatay mo 'ko diba?"

"S-Si Aya? Sabi niya..."

"Boy, alam nating pareho na wala na si Aya... at sana matutunan mong unti-unting tanggapin ito." Mga salitang ibinigkas ni Tatay Gabo.

Ako na lamang ay muling napailing. Hindi maintindihan kung ano ang kanyang pinapahiwatig.

"H-Hindi... kausap ko pa siya kanina,"

"Boy, tayo-tayo na lang ang nandito. Tayo-tayo na lang din ang magtutulungan. Maraming nagmamahal sa'yo, marami kaming nagmamahal sa'yo. Kaya hindi mo kailangang maranasan ang lahat ng 'to. K-Kahit si Aya, ayaw ka niyang makitang nagkakaganito."

Napapahid na lamang ng luha si Tatay Gabo habang ito ay napahingos ng ilong. Ibinaling ng kaunti ang tingin kay Jim sabay bungad nito ng kanyang pagngiti.

Ako na lamang ay napayuko, hindi pa rin maintindihan ang mga pinapahiwatig. Tila bang nangingibabaw pa rin ang mga tanong sa isip na pawang naghahanap ng kasagutan para rito.

Umiling na lamang ako at napabuntong-hininga. Binitawan ang pagkahawak nito sa aking mga kamay at ako na ay tumungo sa loob ng bahay upang hintayin na lamang si Aya.

"B-Boy!" tawag ni Tatay Gabo.

Dumiretso sa kwarto at umupo na lang muna sa kama, nag-iisip kung anong mas mainam na gawin upang mawala ang pagkaaligaga. Inayos na lamang ang sarili pati na ang mga nagulong buhok ganoon na lang din ang pagsandal ko't pagtingala sa kisame.

Napapikit at napagtantong sana'y maging maayos na ang lahat upang muling magkasabay sa pagtanaw ng paglubog ng araw.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Where stories live. Discover now