Chapter 50

4.4K 141 18
                                    

Allyson's POV

"Halos sabay tayong lumaki, magkasama sa kung saan saan, kung may problema sabihin mo sakin, at ganon din naman ako, sa paglipas ng panahon, hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mahulog sayo." saad nito as she took a step forward.

Hindi naman ako makapaniwala sa nangyayari na ngayon ay kitang kita ng dalawang mga mata ko

"Dami nating pinagdaanan, umabot pa sa punto na akala ko h-hindi ka para sakin, sinubukan kong tanggapin yon. But here you are, right in front of me." she said while smiling at tinuro ang direksyon ko as she took another step forward.

"I'm sorry, muntik na akong sumuko. Muntik na kitang bitawan, ipinagtulakan na kita at pinakita sayo na kaya kitang kalimutan, na nakapili na ako. Hindi ko kayang itago o dayain yung nararamdaman ko para sayo. Ikaw at ikaw pa rin." she said in tears ngunit hindi natitinag ang mga tinging ipinupukol nito sa kinatatayuan ko. Mga tinging parang kahit anong oras ay matutunaw ako and she took another step forward na halos ilang hakbang na lamang ang layo nito sa akin.

Hindi ko na napigilan pa ang mapatingin sa taas upang pigilan ang nagkukumawalang luha sa aking mg mata. Hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon.

"Noon ang pangarap at tanging hangad ko lang ay mapansin mo. God knows gano ko kagustong mapasakin ka, ngunit mas nangibabaw sa akin yung takot na baka mawala ka pag nalaman mo. Yun yung hindi ko kakayanin e" at tuluyan pang bumagsak ang luha sa mga mata nito na agad rin niyang pinunasan gamit ang palad as she took another step forward.

"Hanggang sa may mga dumating na tao sa mga buhay natin. Mga taong nagturo sa atin kung paano sumugal, akala ko ay naging dahilan para magkalayo tayo ng tuluyan ngunit sila ang dahilan para mas mapalapit tayo sa isa't isa. Nagturo sa ating sumugal sa mga bagay kahit walang kasiguraduhan." she said as she took a deep breath and took another step forward at ngayon ay dalawang hakbang na lamang ang layo nito sa akin.

"Noon akala ko, wala ng mas nakakatakot pa sa pag amin ko sayo dahil pano na nga lang ba pag nalaman mo? Nakontento ako sa pagiging best friend mo yun ang pagkakamali ko, dahil mas nakakatakot pala ang makita kang nasa piling ng iba, ang malamang parehas pala tayo ng nararamdaman ngunit hindi na pwede dahil may masasaktan, mas hindi ko pala kaya yun." nahihirapang saad nito at muli ko namang naalala ang mga araw na mas pinili ko ring itago na lamang ito sa isiping baka kaibigan lamang ang tingin nito sa akin, sa araw araw ay pilit kong ipinapaalala sa aking sarili na hanggang magkaibigan lang kaming dalawa ngunit ngayon ay naririto ito sa harap ko, kitamg kita ko ang paglapit nito sa akin at pinagdikit ang aming mga noo habang nakatitig sa isa't isa.

Sa mga oras na ito ay tila naging bingi ako sa ingay sa paligid at tanging tibok lamang ng puso kong nagkukumawala sa mga oras na ito ang aking naririnig.

Lumayo ito ng bahagya nang lumapit si Tita Nikki at iniabot dito ang isang bouquet ng bulaklak na agad namang tinanggap ni Haven, bago umalis ang kanyang ina ay may ibinulong rito at marahan itong tinapik sa balikat, ginawaran ako ng ngiti na at tinugon ko rin ng ngiti bago ito bumalik sa kanyang kinaroroonan at nakita ko kung pano nito hinalikan ang pisngi ni Tita Maggie bago inakbayan, napangiti na lamang ako sa nasaksihan.

Isang tikhim naman ang nagpalingon sa akin muli rito at nakita ko itong nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Sa tuwing nakikita ko sila ikaw ang naalala ko. Noon alam mo ba na ang tanging gusto ko lang is for you to, Let me love you, Allyson." nakangiting sambit nito at iniabot sa akin ang bulaklak at agad ring napasinghap ng makita ko ang isang maliit na bagay na nakasabit sa bulaklak. Agad akong napatingin rito at ramdam ko ang mga luha sa aking mga mata.

Naramdaman ko ang masuyong paghalik nito sa aking noo bago kinuha ang singsing at lumuhod.

"Ngayon, ang tanging gusto ko lamang ay ang makasama ka sa habang buhay, sabay tayong lumaki, ngayon gusto ko sabay tayong tatanda. Marami pang pagsubok na daraan but I never want to make the same mistake twice. From my heart to yours," naluluhang saad nito at hinawakan ang kamay kong nanlalamig sa mga oras na ito.

"Princess, w-will you marry me?" nauutal nitong tanong.

"Yes!" walang kagatol gatol na sagot ko as I cupped her face matapos nyang isuot ang singsing sa daliri ko at naramdaman ko ang masuyong paghila nito sa akin para sa isang mahigpit na yakap as she continuously kisses the top of my head at nagsisigaw ng yes.

Nangibabaw ang mga hiyawan at mga impit na sigaw na nagmumula sa mga taong nakapalibot sa amin na nagpangiti sa akin.

Lumayo ito ng bahagya at pinunasan ang mga luhang bumagsak sa aking mga mata, mula sa hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na nadarama ko sa mga oras na ito.

"I love you so much, my princess." buong pusong saad nito habang nakatingin sa aking mga mata.

"I love you too, at ikaw lang ang gusto kong makasama magmula pa ng mga bata pa tayo." buong pusong saad ko rito at hindi maiwasang lumuhang muli at niyakap ito ng mahigpit.

Kung panaginip man ito ay ayoko ng magising pa.

-----------

A/N:

Hey guyssss, me again. Here's anotheeer update para sa girlfriend koooo. Sana mabasa nyaaa at sana rin magustuhan niya. Ciao!

To youuu my loveeee,

Sana mabasa mo bago ka makatulooog, been working on this awhile ago. Sana magustuhan mo mahaaal. I want to put a smile on youuur face before you sleeep, para sayo to, ikaaaw lang naiisip ko habang sinusulat to. Mahaal na mahaaal kitaaa babyyy! Happy 3 months of love mahaal kooo! Wag na saaaad ha, this is for youuu. Nothing's gonna change my love for youuuuu!

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon