Chapter 45

3K 102 8
                                    

Laica's POV:

Mataman akong nakatitig sa babaeng ngayon ay lumuluha sa tabi ko. It breaks me into a million pieces seeing her like this.

"Hey, babe." pukaw ko sa atensyon nito nag mapansin kong bahagya itong yumuko.

"I'm sorry dahil ako ang dahilan kung bakit nasasaktan at nahihirapan ka ngayon." nahihirapang saad ko at hindi makatingin ng derecho rito.

Ngunit panahon na rin siguro upang malaman nito.

"What are you talking about? Wala ka namang kasalanan." protesta nito ngunit pilit na ngiti lamang ang iginawad ko rito bago inilahad ang bagay na tinago ko.

* Flashback *

Nakita ko ang taong kanina ko pa hinahanap na nasa di kalayuan at nakatanaw lamang sa dagat na humahampas sa malaking batong kinauupuan nito at mukhang malalim ang iniisip. Naghahagis ng bato na animo'y doon ibinubuhos ang nararamdaman nito.

"I guess you were jealous with what you've seen earlier para umasta ka ng ganon?" saad ko na naging dahilan para lingonin naman ako nito.

"I don't know what you were talking abouut." tanggi pa nito.

"Kaya pala ganon na lang reaksyon mo nang akala mo hahalikan ko di Haven?" nakangising tanong ko rito at napangisi ng hindi ito nakaimik.

"You like her, don't you?" muling tanong ko rito nang mapagtantong wala itong balak sumagot.

"Look at yourself, mukhang hanggang ngayon hindi mo pa rin tanggap na may gusto ka sa kapwa mo babae, at sa bestfriend mo pa." disgustong saad ko rito.

Nakakainis!

"You know what? Magfocus ka na lang kay Drake sa boyfriend mong hilaw. Bagay kayo parehas naglolokohan." prangkang dagdag ko pa dahil hindi ko maintindihan bakit siya pa ang gusto ng taong gusto ko!

"He is not my boyfriend." sagot nito at binigyan ako ng matatalim na tingin.

"Bakit hindi mo sagutin? Tutal straight ka diba?" pambabara ko rito ngunit hindi man lamang ito sumagot na lalo kong ikinainis.

"She doesn't deserve someone like you." I said full of disgust or should I say jealousy? I never felt this in my emtire life. Ang hirap pala magkagusto sa taong may ibang gusto, at gago pa ang napili.

Ang sarap iuntog sa pader!

"At sino sa tingin mo ang deserve niya? Ikaw?" She said at ramdam ko ang pagkadisgusto sa tono ng pananalita nito.

"At bakit hindi? I can show her off, kaya ko siyang ipagmalaki, kaya ko ipakita sa lahat gaano ko sya kamahal, bakit, ikaw ba kaya mo? Kaya kung ako sayo, back off. Hindi mo siya mapapasaya. Baka masaktan mo lang siya." sagot ko bago tumayo.

"At isa pa, ramdam ko din naman ng nahuhulog na siya sa akin. Nakita mo naman diba?" I said and walked away, leaving her dumbfounded.

"I'm sorry, babe" sigaw ng puso ko.

* End of Flashback *

"Matagal ko naman ng alam o napapansin na may gusto kayo sa isa't isa. Hindi ko ginustong magsinungaling. Muntik na kong sumuko noon, nung ako mismo nakqkita kung gano mo kamahal si Allyson, dahil yun yung unang beses na umiyak ka sakin." paliwanag ko rito dahil nakikita ko sa mga mata nito ang pagkagulat.

"H-Hanggang sa nabuhayan ako ng pag asang baka mahalin mo rin ako pag napakita ko sayo kung gano kita kamahal nung araw na nasa clinic ako. Once pala natikman mo na umasa, nakakaadik p-pala." buong pusong pag amin ko rito at nananatili lamang itong nakatingin sa akin.

"'I've been so selfish, I'm sorry. Magsalita ka naman, please. Mahal ka niya at alam ko ...mahal mo rin siya." I said in tears pero hindi ko na kaya pang nakikita siyang lumuluha.

"Wala kang kasalanan, ikaw pa yung dapat naming pasalamatan dahil ikaw nagparealize samin ng mga bagay na hindi namin narealize. Kung tutuusin, kami ang dapat magsorry. Lalo na ako, kasi dahil sakin, n-nasasaktan ka ngayon." she burst out na nagpangiti na lamang sa akin as I held her chin, ther eason for her to look at me at masuyo kong pinunasan ang mga luha sa mga mata nito.

"Ayoko sa lahat umiiyak ka, Don't cry babe because it's over. Smile because it happened." nakangiting sambit ko rito habang patuloy na pinupunasan ang luha sa mga mata nito.

"Wag mo akong isipin, alam ko yung pinasok ko. Kung ako lang ng ako ang iisipin mo, pano ka? Piliin mo maging masaya, minsan lang ang buhay, babe. At sa mga sandali na dumating ka sa buhay ko, naramdaman ko maging masaya. Hindi ko ipagpapalit sa kahit ano pa man yun. Ang gusto ko lang maging masaya ka, kahit hindi ako." saad ko rito as I kiss the back of her hand.

Akmang sasagot pa ito nang bumukas ang pinto at iniluwa ang dalawang tao na sa monitor ko lamang nakikita. Ang dalawang taong kay tagal nangako sa kanilang pag uwi, ngayon ay nandito na.

"It's time." sigaw ng isip ko.

-------

A/N:

Hey guysss, nalate ng konti hehe, Sory about that pero sana nagustuhan niyo. Thank you for reading, voting and for leaving a comment.

Sa aking inspirasyooon,

Hiii babyyy hope youuu like it. Medyo lateeee hehehe. But here's your request last night. I loveeeee youuuuu!

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon