Chapter 48

3.2K 102 5
                                    

Allyson's POV:

Kinabukasan ay agad akong naligo at nagbihis sakto tapos na ang finals. Kaya naman dali dali akong kumilos dahil nasisiguro kong maya maya lamang ay nandyan na si Drake.

Kinakabahan man ay pinilit kong ikalma ang sarili, gusto kong simulan ang araw na ito na masaya ng kalmado dahil sabi nila kung ano ang naiisip mo kadalasan ay nangyayari sayo. Ayoko mag isip pa ng kahit na ano, ayoko mahaluan ng negativity ang araw na ito. Gusto kong magtiwala kay Drake at sa sinabi nitong plano niya.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay narinig ko nang bumusina ang sasakyan nito, senyales na nasa labas na ito.

Hindi mawala angbngiting kusang gumuhit sa labi ko habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Drake sa tuwing naiisip ko kung ano kaya ang maging reaksyon ni Haven sa plano ni Drake.

Napabuntong hininga na lamang ako at sumakay sa sasakyan nito at humahagalpak na Drake ang bumungad sa akin.

"Anong ngiti yan?" tatawa tawang tanong nito sa akin.

"Pakialam mo ba?" pagsusungit ko at tumingin lamang sa labas ng bintana.

Sana magwork ang plano nito, kung hindi, grrrr!

"Wag ka mag alala di pa ko pumapalpak sa babae." sambit nito.

"Saan ba tayo pupunta? e kalapit bahay ko lang si Haven." takang usisa ko rito.

"Alangang pumunta ka ng ganyan?" balik tanong naman nito na nagpatahimik sa akin at hinayaan na alamng itong magmaneho.

Sabagay, tama nga ito.

Naging abala na ala.ang ako sa pagtingin tingin sa labas ng bintana. Pinanonood ang mga sasakyang dumaraan, alas nwebe na rin kasi ng umaga marahil nagmamadali ang ilan pumasok sa trabaho.

"And now, we're here!" bulalas nito bago bumaba ng sasakyan kaya naman maging ako ay bumaba na rin at napalinga linga sa paligid.

And now we are in a ... flower shop.

"Bibili lang tayo ng bulaklak? at iaabot ko sa kanya?" maang na tanong ko rito na ikinatango naman nito.

"Yun na plano mo?" dagdag ko pa at napaface palm na lamang ng ngumiti ito at tumango.

"Malay ko ba sa ganyan di naman ako nanliligaw, ako ang nililigawan." pagmamalaki nito.

"Ang kapal ng mukha mo, basta ikaw nanligaw sakin." irap ko rito na ikinatawa na lamang nito.

Napabuntong hininga na lamang ako at pumasok sa loob upang magtingin tingin ng bulaklak at sa di kalayuan ay may pumukaw agad sa aking mga mata.

Napangiti na lamang ako at napatingin sa bulaklak na ito.

"I like this one." bulong ko sa sarili.

"Are you sure Ma'am? Para kanino po ibibigay?" tanong mg florist na katabi ko na pala at nakangiti sa akin na di ko mawarian kung natatawa ba kaya naman napakunot na lamang ako ng noo.

"Sorry Ma'am, sabi po kasi nung kasama niyo need nyo mg assistance." saad naman nito.

"Yes for the girl I love, sana, pero liligawan ko palang e" sagot ko naman dito as I gave her a smile kahit mukhang nagulat ito ngunit hindi naman nagbigay ng kahit anong komento.

"I like this one." saad ko at nakatingin sa babaeng katabi ko habang tinuturo ang bulaklak na kanina pang pumukaw ng atensyon ko.

"Sigurado po kayo Ma'am?" muling tanong nito at para pang natatawa.

"Yes." buo ang kumpiyansang sagot ko rito.

"Ma'am baka hindi po kayo sagutin ng liligawan niyo, that flower is for someone who died po." saad ng kausap ko na nagpalunok naman sa akin at base sa hitsura palang nito ay mukhang nagpipigil ng matawa ngunit isang tawa naman ang nangibabaw na nagmumula sa lalaking nasa likuran ko na naririto pala at sumunod.

"Pick something else na lang po, ma'am." anyaya naman sa aking ng florist na kanina ay kausap ko.

"Wag na miss, suggest ka na lang ng mga flowers na pwede ko ibigay sa kanya saka ako pipili." sagot ko rito at naririnig ko pa ang mga impit na tawa ng lalaking nasa likod ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

----------

Hawak hawak ang bulaklak ay abot abot ang kaba na aking nararamdaman na pinipilit kong iinda na kahit anong hinga ko ng malalim ay palakas lamang ito ng palakas lalo na at nandito na ako sa tapat ng gate ng bahay ng mga ito.

Nakailang buntong hininga na ako ay hindi pa rin nawawala ang kaba ko, isama mo pa na ang ganda ng plano ng kasama ko.

"Wag mo ng subukan, wala namang tao dyan." nilingon ko ang pinanggagalingan ng tinig at nakita ko si Ram na nakatayo ilang hakbang ang layo sa kinatatayuan ko habang nakasandal ito sa  bumper kotse niya at nakacross arms.

"Kanina pa kami dito, balak sana namin sunduin kayo, kaso walang mga tao ngayon sa bahay niyo."

"Better luck next time." tatawa tawang saad ng lalaking katabi ko. Inis na hinampas ko na lamang ng bulaklak ang balikat nito na ikinatawa ni Ram at ni Drake.

"Sama na lang kayo samin, pampawala ng inis." yaya ni Ram na sinang ayunan ko na lamang at bagsak ang mga balikat na sumakay sa kotse nito matapos ihagis ang bulaklak sa kung saan.

"Bakit mo tinapon?" tanong ni Jace nang makasakay na ako. Nakita pala niya.

"Wala naman yung pagbibigyan ko." mahinang sagot ko na ikinatawa naman ng mga kasama ko. Si Ram, Kyle at Jace lamang ang naririto.

Napili na lamang ni Drake iwan sa garahe namin ang sasakyan nito dahil ayaw ni Ram ng sumunod na lamang kami sa kanila.

Napatingin na lamang ako sa labas ng bintana.

Nasaan ka? Bakit hindi tayo pagtagpuin?

--------------

A/N:

Hey guyssss, here's another update habaaang tulooog pa ang mahaaal kooong binibini. Sana nagustuhan niyo. Thank youuu for reading, voting and for leaving a comment guys. Ciao!

Tooo my loveeee,

Here's another updateee sleepyheaaaad. wait kita magisinggg mahaaal kooo. Sana magustuhan mo, I loveee youuuu!

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon