Chapter 14

68 22 0
                                    

Jack's POV

After namin magcelebrate sa pagka panalo namin sa role play inabutan ako ni Kim ng invitation card pati na rin si Jill. Ininvite niya kami sa birthday party ng kanyang mommy sa darating na linggo. Nagtaka ako bakit kami lang ininvite niya. Sabi niya kami lang tumanggap na maging kaibigan siya dahil sa itsura niya tsaka lagi niya kami kinukwento sa mommy niya.

Dumating ang araw ng linggo tinext niya full address sakin kaya nagayos naku para makapaghanda na. Ang suot ko blue shirt na may ulo ni Stitch at pinatungan ko ng checkered polo, denim pants,converse na shoes at blue cap.

Pagbaba ko sakto may nagdoorbell bell pagbukas ko si beshy pala. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Natawa talaga ako sa ayos niya. Nakapink dress tapos naka high heels. Matching make up at wig. Okey siya na ang maganda.😏😏😏

"Maganda hapon bes! Look my outfit maganda ba ko? Si mommy nagayos sakin" nagpapacute at umiikot sa harapan ko.

"Oo maganda ka na baka talbugan mo pa mga bisita ng mommy ni Kim"

"Taralets na! Di ba 6pm ang calltime natin baka malate tayo malapit lang ba bahay nila?" tanung nito ng palabas na kami sa bahay.

"Medyo malayo kaya naman lakarin!"
Inunahan ko sa paglakad. Bagal kasi.

"Naku! sana di malayo sasakit legs ko niyan kakalakad. Bagong bili ko pa naman tong high heels baka masira agad"

"Kasalanan mo yan susuot ka ng ganyan tiisin mo na lang kasi malayo ang bahay nila, hahaha!" pangiinis ko at nakasimangot naman ang bakla.

"Kung alam ko lang malayo bahay nila ginamit ko na lang ang kotse ni Mommy hindi ko Keri to!"

Nagrereklamo pa din siya habang naglalakad kami kaya di niya namalayan nandito na kami sa tapat ng gate nila Kim. Sakto lumabas si Kim nakadress din ito at sinalubong kami.

"Maganda gabi sa inyo mabuti hindi kayo naligaw?"

"Syempre nagtanung din kami sa mga tao jan sa tabi tabi" sabi ni Jill habang nakasimagot.

"Halina pasok na kayo! Welcome sa bahay namin!" Sumunod kami sa loob ng bahay nila Kim. Malaki ang salas nila at maraming bisita naririnig ko ang iba naguusap about sa business, mga new trending fashion design ng mga dress at kung anu ano pa. Medyo nahiya ako sa suot ko very common samantalang sila napakaclass ng dating kaya pala si bakla bongga ang attire.

"Okey ka lang ba bes?" tapik niya sa balikat ko.

"Oo nman nagugutom na kasi ako eh!"
dahilan ko sa kanya para mawala ang pagkailang ko. Nagtungo kami sa kusina at nakita namin ang isang sopistikada babae at super sexy at mukhang bata pa parang nasa mid twenties.

"Hi! Mommy sila mga friends ko sina Jack at Jill." pakilala ni Kim samin. Nagulat ako napakabata pa ang itsura  parang magkapatid lang sila titignan.

"Hello sa inyo! mabuti't nakarating kayo sa amin. Masaya ako't nagkaroon ng kaibigan ang unica hija ko!"
masayang bati nito samin.

"Happy birthday po!" sabay sabi namin ni Jill at abot namin ng regalo.

"Naku nagabala pa kayo pero Maraming Salamat! Kim, ikaw na muna bahala sa kanila pupuntahan ko muna mga katrabaho ng Daddy Arthur mo sige enjoy lang kayo!" paalam nito at pinuntahan ang mga bisita.

"Tara dun tayo sa buffet kuha tayo ng foods natin. Kainin nyo kahit anu gustuhin nyo!" yaya samin at kumuha ng plate ang dami nilang handa parang katulad sa Cabalen ang menu nila. Pagkatapos namin kumuha ng pagkain niyaya nya kami sa likod may mesa at upuan din. Tama nga siya masarap ang kain namin ang presko sa labas. Kung anu ano pinaguusapan namin at tawanan nahinto lang kami sa paguusap ng mapalingon kami sa bagong bisita ni Tita Helen. Nakibesobeso ito at sexy sa suot na black halter dress. Pero mas nagulat ako ng makita ko sino kasunod nito si Marcus ang gwapo niya sa suot na black polo shirt at slacks. Bigla kami nahinto sa pagkain at natulala sa kanya.

Over the MountainsWhere stories live. Discover now