Chapter 4

218 98 7
                                    

Malapit na si Jill sa gate ng may tumawag sa kanya.

"Miss, saglit lang!"sabi ng lalaki.
Hinatak siya nito at mahigpit na hawak ang kanya braso.

"Sinasabi ko na nga ba, kahit magsuot ka pa ng Wig makikilala talaga kita, bakla ka!" galit na sabi nito.

"Eh! ikaw pala yan Marco, bitawan mo ko at aalis naku dito" sabi ni Jill.

"Hanggang dito pa naman sinusundan mo ko!" inis na sabi nito.

"Wala ka na takas mas marami kami sa'yo at magisa ka lang. Wala ka din mahihingian ng tulong"

"Sorry sa mga nagawa ko sayo"
paumanhin nito.

"Dahil jan ako naman magbibigay sayo ng isang regalo na hinding hindi mo makakalimutan,hahaha!"
Bigla niya ito sinuntok sa sikmura.
Napangiwi si Jill sa sakit natanggal din ang kanyang wig.

Lumabas ng cr si Jack. Natagalan sya sa paglabas ng masamang kalikasan, naparami siya ng kain nung lunch break.

"O' ba't wala na tao nasan na si Jill?" tanung nito sa sarili. Pagliko may narinig sya nagtatawanan.
Nakita niya pinagsusuntok ang kaibigan niya.

"Sige pa gawin mong punching bag yan' bossing" sabi nung una lalaki.

"Pare,malapit ka na matalo sa pustahan natin sa pangatlong suntok ni boss bagsak na yan"
sabi ng pangalawang lalaki.

"Hoy! bakla galingan mo naman sayang ang pusta ko sa'yo" sabi ng pangatlong lalaki

Sinuntok ulit siya sa dibdib naman.
Hatak na nito ang kwelyo at handang susuntukin na sa mukha. Nakita ni Jack yun kaya naging mabilis ang takbo niya at sinipa si Marcus sa dibdib nito at bumagsak sa sahig. Napatingin sila sa sumipa sa kanilang bossing, namukhaan nila ito.
Eto din ung sumuntok sa kanila last week. Lalapitan na ni Jack si Marco ng humarang ang tatlong lalaki.

Jack : "Kayo na naman?
Wala talaga kayo kadala-dala!"

Boy 1 : "Akala ko lalaki ang nagpatumba samin yun pala babae.
Hindi namin matanggap na isang babae lang kami mapapatumba"
galit na sabi nito.

Jack : "Lumayas kayo sa harapan ko!" sigaw nito.

Boy 2 : "Dadaan ka muna samin bago kay bossing, di pa kami nakakahirit sayo"

Jack : "Ah! ganun ba o sige tara laban di ko kayo aatrasan!" galit na sabi nya.

Nakipaglaban si Jack sa tatlong kumag
same scenario tumba ulit sila.
Bumangon si Marco at aaminin niyang napakalakas ng sipa sa kanya.
Nung una di nya mamukhaan ung sumipa sa kanya pero napatitig siya dito damit panlalaki ang suot nito pero napakaganda ng mukha. Tinapakan nito ang kanyang ego isang babae lang pala magpapabagsak sa kanya. Pagkatapos ng tatlo lalaki lumapit na siya kay Marco.

Sa sobrang tulala ni Marco di nya namalayan nakalapit na si Jack at pinakawalan ng napalakas ng suntok sa mukha. Natumba ulit ito.

"Ngayon nakaganti naku sa'yo para sabihin ko sa'yo hindi nakita ni Jill yang alaga mo kaya pag inulit mo pa to' hindi lang yan aabutin mo sakin, nagkakaintindihan ba tayo?"

"May araw ka din sakin babae ka!"
galit sa isip ni Marcus.

Umalis na ito at nilapitan ni Jill.

"Bes, may mga gasgas ka sabi ko sayo wag muna sila awayin"
sabi ni Jill.

"Okey lang yan malayo sa buto,ang mahalaga nakaganti naku sa lalaking kinalolokohan mo" sabi nito.

Jill : "Sira ka talaga, halika ka na dalhin muna kita sa clinic after nun ililibre kita ng favorite ice cream mo"

Jack : "Da best ka talaga, di mo nakakalimutan ang gusto ko"
napayakap ito kay Jill at sabay nagtawanan.

Jack : "Mukhang mahal dito bes at ang ganda ng design at decorations ng cafe na 'to"

Jill : "Bagong bukas sila ngayon kaya may promo buy 1 take 1 ang mga
ice creams nila any flavor basta grande size oorderin natin.
Ako na bahala umorder hanap ka na lang mauupuan natin".

"Sige" sabi ni Jack.

Humanap na siya ng mauupuan ang pwesto nila malapit sa gilid ng pinto.
Gawa sa salamin ang buong paligid ng cafe kaya kita mo din ang labas.
Nakapalumbaba lang siya habang nakatingin sa labas. Mga naglalakad na estudyante na nagtatawanan.
Mga batang lalaki nagtatakbuhan.
Mag-asawang may dalang grocery naglalakad papuntang kotse.
At dalawang magsyota holding hands ito at naghahalikan hbang naglalakad.

"Masyadong PDA naman ung dalawang yun" sa isip ni Jack.

"Uy, bes tulala ka jan heto na order natin" sabi ni Jill.

"Kagulat ka naman!" sabi ni Jack.

Inabot nito ang ice cream ni Jack.
Rock road ang gusto nito at sa kanya cookies and cream.

Rock road ang gusto nito at sa kanya cookies and cream

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wow! ang sarap naman nito.
Thank you sa treat"ngiting sabi nito.

Jill : "Dahan dahan ka lang bes baka mabulunan ka, hehe"
Hindi sya pinansin nito at kumain na.

"Boss pinatawag nyo kami"
sabi nung unang lalaki kasama ang dalawang kabaro nito. Nasa hideout sila ng kanilang group fraternity ang Exodus.

"Alamin nyo ang buong pagkatao ng babae na yon!" utos nito.

"Bakit boss, siya ba next target natin? Napakalakas ng babae na yun ayoko na siya kalabanin baka di na ko magkaroon ng maraming lahi" sabi ng pangalawang lalaki.

"Gusto mo ba ako ang una sisira ng kaligayahan mo?" galit na sabi ni Marcus sabay hatak sa kwelyo nito.

" Huwag boss!" sabi nito.

"Anu po ba ang gagawin namin boss? tanung ng pangatlong lalaki.

"Alamin ninyo ang lahat ng galaw ng babae na yun sa loob ng campus para malaman ko anu ang kahinaan nya" sabi nito.

"Masusunod bossing!" sagot ng tatlong lalaki at umalis na.

"Hindi ako papayag na isang babae lang ang magpapatumba sa isang
Marcus Polinar ang leader ng Exodus" sabi nito at nakakuyom ang isang kamao.







Dear Readers:

Habang lockdown update again ang lola ninyo.
Marami pa to ganap guys thank you sa support baka pwede pa VOTE na din guyz every chapter maraming salamat🤗🤗🤗
















Over the MountainsWhere stories live. Discover now