Chapter 10

129 64 3
                                    

"Pagpasensya muna ang anak ko"
sabi ni Tito Mike. Umupo at tumabi sakin.

"Ok lang po tito,next time hindi na ko papasok sa kwarto niya" paliwanag ko. Nang maramdaman ko di na masakit ang peslak ko binigay ko na kay Tito ang cold compress.

"Nung bata pa yan lagi kami magkakatabi matulog,syempre nagdadalaga na kaya kailangan nakahiwalay na ang kwarto niya"

"Baka nagbibinata Tito!" sabay takip ko sa bibig ko.

"Sinanay ko sya sa gnun paguugali. Pero naniniwala ako darating din ang araw pagnakatagpo siya ng lalaking mamahalin magiging tunay na babae ang anak ko" Napatingin lang ako kay Tito.Tama siya kasi kung magiging mahinhin lang si beshy maganda talaga siya.

"Anu kaya pwede nating gawin para maging ganap na babae na si bes?"
biglang tanung ko. Sakto bumaba na si Jack at kaya nahinto ang usapan namin.

"Ako ba ang pinauusap niyo?Narinig ko kasi ang pangalan ko" tanung nito.

"Wala yun anak nagsorry lang siya sa ginawa niya sayo sige iwan ko muna kayo at itutuloy ko lang pagbabasa ng dyaryo sa labas. May natira pang pandesal magalmusal ka muna" sabay labas ni tito sa pinto.

Nakayuko pa din ako hiyang hiya pa din kasi ako sa kanya. Umupo ito sa tapat ko at nagtanung...
"Bes sinabi mo ba talaga kay papa ung nangyari kanina?"

Nagangat ako ng ulo at lumingon sa kanya. "Ang sinabi ko kay tito na humingi ako ng pasensya sa ginawa ko tapos hindi naku ulit papasok sa kwarto mo"

"Hay!!! mabuti yun lang sinabi mo" nagbuntong hininga ito.

"Bakit bes may mali ba sinabi ko? dapat sinabi ko ba na nakita ko ung b**** mo" sabay takip niya sa bibig ko ng kanang kamay niya.

"Sus! Wag ka maingay baka marinig ka nun mayayari ka. Iba si papa pag nagalit at pagnalaman niya yun wala tayo kawala" paliwanag nito sabay tanggal ng kamay niya.

"Anung ibig mong sabihin"tanung ko

"Si papa kasi naniniwala pa din siya sa sinaunang tradisyon"

"Di ko gets bes ung sinasabi mo anu naman kinalaman nun?"

"Naalala mo ba ang teacher natin sa Filipino nung 1st.year tayo nagkwento siya satin kapanahunan ng lola niya. Once na mahalikan ka lang ng guy kahit sa pisngi lang ng dalaga hindi ka na virgin nun... kaya kailangan nila magpakasal. Kahit makita magka- hawak kamay lang sila ipapakasal na"

"Hala!!! siya totoo ba yan?ibig sabihin kung sinabi ko kay tito yun kailangan kitang pakasalan?
OMG😱 Parang sobrang naman yun di ko naman totally nakita yan bakat lang!" biglang sabi ko sa kanya sabay turo ko sa damit niya.

"Huwag ka magalala hindi ako naniniwala sa ganyan mabuti bff kita kaya palalagpasin ko na yun" sabi nito

"Maraming Salamat talaga bes!" sabay hawak ko sa dalawang kamay niya. Biglang pumasok ang Kuya MJ.

"Kuya MJ! Kanina ka pa ba Jan?" tanung ni Jack.

"Hindi kararating ko lang namalengke kasi ako,kamusta pala Jill napadalaw ka" tingin niya sakin.

"Ayos lang kuya!" nahihiyang sabi ko. Kahit may pagkanerd ang kuya ni Jack eh papabols talaga to pero syempre kay Marcus pa din ako.

Over the MountainsWhere stories live. Discover now