"Anong sabi mo?"

"I said I'm just kidding." Tumawa pa siya ng kaunti. "Kitang-kita kasi na excited ka masyado kaya naisip kong biruin ka."

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko ma-absorb 'yung mga sinasabi niya.

Tumayo siya kapagkuwan at kinuha ang kanang kamay ko.

"Hey, Lana, sorry na. Nagbibiro lang ako."

"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ko.

Ngumiti siya saka nai-shake hands ako.

"Congratulations Lana... you're four weeks pregnant."

~*~

Hindi ako magkamayaw sa pagngiti habang papunta sa opisina ni Jace. Paulit-ulit na nage-echo sa utak ko ang sinabi ni Elsa kanina. Pasaway na 'yun, nagawa pa akong pag-tripan.


Congratulations Lana... you're four weeks pregnant.

Congratulations Lana... you're four weeks pregnant.

Congratulations Lana... you're four weeks pregnant.


Napapailing na lang ako sa sarili ko habang patuloy na inuulit-ulit ang mga salitang 'yun sa utak ko.

Siguradong matutuwa nito si Jace. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kanya. Gusto kong makita 'yung magiging reaksyon niya oras na sabihin ko sa kanya ang magandang balita.

Ilang linggo na rin niya akong kinukulit tungkol sa bagay na ito at ngayon, natupad na ang matagal na naming gustong mangyari.

Afternoon break na nang makarating ako sa opisina. Karamihan ng mga empleyado eh nasa labas.

"Good afternoon Ma'am Lana!" bati sa akin ng ilan sa kanila.

Ngiti lang at simpleng 'good afternoon din' ang sinasagot ko sa kanila.

Mabilis na umakyat ako sa fifth floor para puntahan si Jace. Hindi pa man ako nagsasalita eh sinabi na agad ni Mae na pumasok ako. Malamang nasabihan na siya ni Jace na papasukin agad ako pagkarating.

"Nasaan ba si Rivera? Siya dapat ang umaaayos niyan di ba?" narinig kong sabi ni Jace pagkabukas ko pa lang ng pinto.

May kausap siya sa telepono at mukhang hindi maganda ang takbo ng usapan sa nakikita kong hitsura ngayon ni Jace. Minsan lang siya magalit at sa ngayon eh iyon ang nakikita ko sa mukha niya.

"Sige, kayo na muna ang bahala d'yan hangga't hindi ako dumarating."

Naihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha kapagkuwan. Huminga pa siya ng malalim saka napatingin sa akin. Noon niya lang napansin na naroon na pala ako.

Pinilit niyang ngumiti. Lumapit siya sa akin saka niyakap ako ng mahigpit.

"I'm glad you're here. Parang nawala lahat ng stress ko," aniya.

"Parang nga lang. Kita pa rin sa mukha mo oh," sabi ko.

Ngumit siya. Sa pagkakataong ito eh hindi na 'yun pilit.

"Sinasabi mo bang ang pangit ko na?"

"Wala akong sinabing ganyan ha!" Hinawakan ko ang kamay niya. "May sasabihin ako," sabi ko.

"Hmmmn, pwede bang mamaya na lang? Kailangan ko nang magpunta sa Makati eh. Mag dinner na lang tayo sa labas mamaya tapos dun mo na lang sabihin."

"Okay, walang problema."

Mukhang mas okay nga 'yung mamaya na lang sa dinner. At least kahit papaano eh romantic ang ambiance kapag sinabi kong magiging tatay na siya di ba? Saka baka hindi na niya asikasuhin 'yung problema pag sinabi ko na agad. Sigurado kasing mae-excite ang isang 'to.

"Dito ka na lang muna. Sandali lang ako roon tapos susunduin na kita rito," aniya.

Hindi niya na hinintay na sumagot ako at mabilis na hinalikan niya ako sa mga labi saka naglakad palabas ng pinto. Pero hindi pa man siya nakakalabas ng tuluyan eh bumalik siya at lumapit sa akin.

"Jill, can I borrow your car? Nagka-problema 'yung kotse ko kanina eh, pinadala ko sa mechanic."

"Sure," sabi ko sabay abot sa kanya ng susi.

"Thanks!"

~*~

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako rito sa sofa ng opisina ni Jace. Kinuha ko agad ang telepono ko sa center table roon at sinagot.

"Hello?"

"Is this Mrs. Jilliana Garcia?" sabi ng nasa kabilang linya na parang binabasa pa 'yung pangalan ko mula sa kung saan.

"Yes, this is Jilliana Garcia. Sino po ito?"

"Ay, Ma'am, naaksidente po ang asawa niyo at kritikal ang lagay niya. Isinugod po namin siya sa ospital..."

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Nagsasalita pa ang nasa kabilang linya pero hindi ko na 'yun maintindihan. Ang alam ko lang, nasa panganib si Jace.

The New Boss is My Husband?!Where stories live. Discover now