Chapter Thirty-Five

544K 7.7K 664
                                    

Ilang araw na rin akong abala. Inaayos ko ang preparations sa kasal namin ulit ni Jace. Sa February 14 ang napili naming date. Ang una nga sanang gusto ni Jace eh sa birthday ko na ngayong buwan ng Enero. Ang kaso, magagahol kami masyado sa dalawang linggo lang na preparation.

Kakatapos ko lang sukutan para sa wedding gown ko. Pati 'yung mga invitations nai-check ko na rin kung okay na. And so far, maayos naman ang lahat.

Nagmamaneho ako nang tumunog ang cellphone ko.


Calling...

Tommy


Sinagot ko agad 'yun nakaka-ilang ring pa lang.

"Yes dear husband?"

"Nasaan ka?" tanong niya.

"Naglilibot lang. Galing ako kay Ara kanina," sabi ko. Si Ara ang wedding coordinator namin.

"Okay. Tumatawag kasi ako sa bahay wala ka. Anyway, saan ka naman maglilibot niyan? Punta ka naman dito saglit."

"Sige, pupunta ako ng hapon. May kailangan lang akong bilhin."

Papunta ako ngayon sa Ob-gyn para magpatingin. Ilang araw ko na rin sanang balak 'yun kaso masyadong maraming ginagawa. Habang dumaraan kasi ang mga araw ay lalong lumalaki ang hinala ko na nagdadalantao na ako.

Ayoko munang sabihin sa kanya na roon ang punta ko para naman hindi siya ma-disapoint kung sakaling negative ang resulta ng test.

"Okay! I'll wait for you. I love you!"

"Love you too," sabi ko saka ibinaba ang tawag.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa clinic. Kaibigan ko ng high school ang doktora rito kaya naman ito ang napili ko. At least komportable ako sa kanya. Nagpa-schedule ako kahapon kaya naman ine-expect na nila ako rito.

Mabilis lang ang naging proseso nun at naghintay lang ako sandali para sa resulta.

"Hiyang na hiyang ka talaga sa buhay may asawa ha?" ani Elsa. Siya ang doktorang kaibigan ko dati.

Tumawa ako. "Talaga? Eh mukha na ata akong haggard ngayon eh." Inayos ko ng kaunti ang buhok ko. "Inaayos ko kasi ang kasal namin," sabi ko.

"Kasal? Di ba matagal na kayong kasal?"

"Yeah. Pero magpapakasal kami ulit," nakangiti pang sagot ko.

"Wow! That's nice."

"Punta ka ha?"

"Oh, sure. I wouldn't miss it for the world. Anyway, here's the result of your test," aniya sa ngayon eh propesyonal na tono.

Binasa niya 'yung nasa bond paper saka tumingin sa akin.

"Your result's negative," seryosong sabi niya.

Bumagsak ang balikat ko roon. Ineexpect ko kasi na sasabihin niyang buntis ako. Dapat kasi hindi na lang ako umasa para hindi ako nalungkot.

Ilang araw na rin kasing pumapasok sa isip ko kung anong pangalan ang ibibigay ko kung babae o lalaki. Pati 'yung mga gamit na kakailanganin ng bata naiisip ko na rin. Kaya naman ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon. Mabuti na lang pala at hindi ko sinabi kay Jace ang hinala ko dahil siguradong malulungkot din siya.

"I'm kidding."

Napatingin ako bigla kay Elsa. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya kaya naman kunot ang noong tinitigan ko siya at hinintay na may sabihin pa siya. Nang hindi naman siya nagsalita ulit ay nagtanong na ako.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon