Chapter Thirty-Four

616K 8.4K 403
                                    

"Happy birthday!" salubong ko kay Genna habang papasok kami ni Jace ng resort. Pag-aari ng Tito ni Genna ang resort na ito kaya naman hinaaan kaming magamit ngayong araw hanggang bukas para sa birthday celebration ni Genna.

"Thanks!" ani Genna sabay beso sa akin.

"Happy birthday," sabi naman ni Jace na nasa tabi ko. Iniabot niya pa ang regalo namin para sa celebrant.

"Wow! Nag-abala pa kayo!" ani Genna habang inaabot ang regalo. Iniabot niya 'yun sa lalaki sa likod niya.

Napatingin kami ni Jace sa lalaki na hindi namin napansin agad.

"Oo nga pala, si Luke. Boyfriend ko."

"Oww..." Inilahad ko ang kamay ko kay Luke. "Nice meeting you." Tinitigan ko pa siya ng maigi. Parang nakita ko na kasi sya kung saan. "You look familiar..." sabi ko habang si Jace naman ang nakikipag-kamay sa lalaki.

Ngumiti lang si Luke sa sinabi ko.

"Artista siya gaga!" sabi ni Aya mula sa mesa sa di kalayuan. "Nood nood din kasi g TV pag may time!" aniya pa.

Ahh, okay. Kaya pala familiar siya. Bumaling ako kay Genna.

"Genna, akala ko luto na 'yung lechon? Ba't nand'yan pa?" sabi ko sabay turo kay Aya na ngayon eh ngumunguya ng kung ano.

Natawa lang si Genna. Nakisabay din ng tawa si Jace at Luke.

"Grabe! Maka-baboy wagas!" react ni Aya.

"Oy, wala akong sinabing baboy. Sayo nanggaling 'yun!"

"Parang ganun na rin 'yun eh!" nakanguso pang sabi ni Aya.

Magsasalita pa sana siya pero napatigil din siya at mukhang may nakita sa may gate. Sabay-sabay naman naming sinundan ang tingin niya. May kotseng dumating. Alam ko kung kanino ang kotse na 'yun pero hindi na lang ako nagsalita.

Mayamaya ay lumabas mula sa passenger's seat si Jacky.

"Hi girls!" ani Jacky habang papalapit sa amin. "Happy birthday Genna!"

"Salamat," ani Genna hanbang nakatingin pa rin sa kotse. Kahit kaming iba pang narito eh hindi humihiwalay ang tingin sa kotse.

Tila itinulos ako sa kinatatayuan ko nang bumama na ang sakay ng kotse. Sa lahat ng pagkakataon, hindi ko inaasahang dito pa namin siya makakatagpo ulit. Nakita kong nagdilim agad ang mukha ni Jace at medyo lumapit pa sa akin. Humawak naman agad ako sa kamay niya para ikalma siya.

"Oh, oo nga pala..." si Jacky. "Okay lang ba isinama ko siya? Ayaw niya kasi akong payagang mag-byahe mag-isa. Masyado raw malayo rito."

"Ayos lang," ani Genna. "Kaibigan naman natin siya di ba? Pero wait... ayaw ka niyang payagan? Kayo ba?" tanong niya pa.

Nag-isip sandali si Jacky at mukhang nag-alangan. "I d-don't know..." aniya na parang ngayon niya lang na-realize ang bagay na 'yun.

"Hi everyone!" ani Maico nang makalapit sa amin. "Happy birthday, Genna."

~*~

Naging mas maayos ang aura ni Jace kesa sa inaasahan ko. Ang akala ko kasi magiging badtrip na lang siya maghapon dahil sa biglang pagsulpot ni Maico. Pero mukhang okay naman siya. Siya pa nga ang bumabangka sa kwentuhan namin.

Bandang alas-tres na nang dumating si Joy. Ang gusto kasi sana namin, kumpleto na kami bago kami mag-swimming. Kaya naman nang dumating siya eh lumublob na agad kami ni Jace at Aya sa pool. 'Yung iba eh nagbihis pa muna ng pang-swimming.

Hindi ako marunong mag-swimming kaya naman nakakapit lang ako kay Jace. Ilang beses na rin akong sumubok na mag-araw lumangoy pero hindi naman ako matuto. Naiinis lang ako kapag matagal na akong nasa tubig pero walang nangyayari.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon