Chapter Sixteen

611K 9.6K 798
                                    


Kinalunesan e wala kaming imikan ni Jace habang papasok ng opisina. Galing pa kaming NAIA para ihatid si Mama Jessy na ngayon e pauwi na ng States. Naayos niya naman daw kasi 'yung kwarto sa tabi ng kay Jace(na kwarto na namin ngayon) at mukhang maayos naman daw kami kaya napagpasyahan niyang bumalik na roon.

Sampung minuto na lang bago mag alas-nueve nang makarating kami sa opisina. Nagmamadali pa kaming sumakay ng elevator para hindi ma-late.

Pagkarating nun sa ground floor e bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Karen.

"G-good morning, Sir," aniya kay Jace saka tumango sa akin.

Habang paakyat ang elevator e nakatitig sa akin si Karen at mukhang sinasabing 'may kailangan kang ipaliwanag sa akin'. Hindi ko na lang siya pinansin at umiwas ng tingin. Nang tumunog na ang elevator, indikasyon na nasa third floor na kami, e nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Jace palapit sa kanya bago pa man bumukas 'yun.

Kinabig niya ako at hinalikan sa noo saka nagsalita. "See you later, Hon."

Hindi ako makapagsalita sa ginawa niya. Kinailangan pa akong hilahin ni Karen dahil nakabukas na ang pinto ng elevator.

Pagkalabas namin e mapang-asar na ngiti ang ibinigay sa akin ni Karen. Hindi ko naman maiwasang mapangiti na rin dahil naiisip ko pa rin ang ginawa ni Jace kani-kanina lang.

"Bakit?" tanong ko kay Karen habang nagpipigil pa ng ngiti.

"Kailan pa?" balik tanong niya.

"Kailan pang ano?"

Nag roll-eyes siya. "Kailan mo pa naging boyfriend si Sir Jace?"

"Hindi ko siya boyfriend," simpleng sagot ko.

"Weh? Hindi mo boyfriend pero saskjfgksfg—'' Hindi ko na naintindihan 'yung mga huling sinabi niya dahil tinakpan ko agad ang bibig niya, may dumaan kasing ibang empleyado.

"'Wag ka ngang maingay," pabulong na sabi ko sa kanya. "Ipapaliwanag ko mamayang lunch."

~*~

Buong umaga e kinukulit ako ni Karen na magpaliwanag ako sa kanya ng lunch break kahit na ako na nga mismo ang nagsabi noon sa kanya. Hayy, may saltik talaga ang isang 'to.

Pagka-lunch break e dumeretso agad kami ng 7Eleven. Doon na lang kami kakain at para makapag-usap na lang rin kami. Sa pinakasulok kami pumwesto para iwas sa mga tsismosang pwedeng makarinig sa amin.

"So ano," bungad ni Karen habang papaupo pa lang siya. "Kailan mo nagng boyfriend si Sir Jace?" tanong niya.

"Hindi ko nga siya boyfriend," sagot ko habang binubuksan ang lechon paksiw Hotta Rice na binili ko.

Umirap siya sa akin saka dumeretso ng upo. "Oo nga pala, Hon. Mag-file ka ng leave Thursday and Friday next week ha?" panggagaya niya sa tono ng boses ni Jace. Natawa naman ako dahil pati facial expression niya e kuhang kuha ang damuho.

Itinaas niya pa ang hintuturo niya, pinapatigil ako sa pagtawa. Tumikhim muna siya saka nagsalita. "Anniversary natin, nakalimutan mo na ba?" aniya pa ulit na muli kong ikinatawa.

"Ang tawag 'Hon' tapos may anniversary pero hindi jowa? Anong ka-dramahan 'yan?" aniya saka dinutdot ang Hotta Rice na binili niya. Nagmake-face pa muna siya saka sumubo ng pagkain.

"Hindi ko nga siya boyfriend," sabi ko saka tumingin sa kanya. "Asawa ko siya."

Muntik nang maibuga ni Karen ang kinakain niya kaya naman inabutan ko agad siya ng tubig. Umubo-ubo siya, nabulunan na ata. Hinagod ko pa 'yung likod niya habang umiinom siya.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon