Chapter Thirty

571K 8.3K 679
                                    

Present...


"You saw that?" bulalas ni Jace.

Tumango ako.

"Nothing happened. Pinipilit niya ako nun pero hindi ako pumayag at pinababa ko pa siya ng kotse."

Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. Tumitig ako sa puno sa itaas para pigilan ang pag-iyak.

Narito kami ngayon sa duyan na binili niya. Gawa ito sa ratan at pareho kaming nakahiga. Ito 'yung sorpresang sinasabi niya sa akin noong nasa Davao pa siya.

"Hey, baby... don't cry. Alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak eh," aniya.

Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. "I'm really sorry. 'Di ako nag-iisip. Sana hindi na lang kita iniwan noon. Ang daming panahon ang nasayang. Nakakainis, ang tanga-tanga ko."

"'Wag mo nang isipin 'yun. Ang mahalaga ngayon, maayos na tayo. And please, next time na nagkaroon tayo ng problema, kausapin mo muna ako bago ka lumayas okay?"

Niyakap ko siya ng mahigpit saka tumango. Gaganti na sana siya ng yakap sa akin nang may maalala ako at biglang bumitaw.

"Teka nga, maalala ko. Bakit si Jean ang sumagot ng cellphone mo noong nasa Davao ka?"

Kunot noong tinitigan niya ako. Mukhang iniisip niya kung ano 'yung sinasabi ko. "Kaya ba umiiyak ka noong isang beses na tumawag ako? Oo nga, naaalala ko simula nun eh hindi ka na nag-I love you sakin. Kaya pala..."

"Sana sinasagot mo 'yung tanong ko di ba?" medyo asar na sabi ko.

Ngumiti siya saka pinisil ang ilong ko. "Ang selosa mo talaga masyado. Hiniram niya 'yung phone ko nun dahil dead bat daw 'yung cellphone niya. Hindi ko na nga namalayan na hindi niya pa pala naibalik 'yun eh. Kaka-abot niya lang sakin nun nang tumawag ako sayo," aniya.

Isinubsob ko ang mukha ako sa dibdib niya. "S-sorry," sabi ko.

Tumawa si Jace kaya hinampas ko 'yung dibdib niya. Niyakap niya naman ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"'Wag na nating isipin si Jean. Siguro naman pag nakita niyang hindi niya tayo nagawang paghiwalayin eh titigil na siya. At kung hindi man siya titigil, wala rin siyang magagawa." Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko. "Magsimula na lang tayo ulit. This time, magiging open na tayo sa isa't-isa ha?"

~*~

Literal pala 'yung sinasabi ni Jace na magsisimula kaming muli. Sa ngayon eh narito kami sa mall para mamili ng mga bagong gamit. Kahit anong pilit ko sa kanya na huwag na naming palitan 'yung mga kagamitan namin sa bahay eh ayaw niyang pumayag. Kailangan daw naming magsimula ng bago. At syempre kasama raw ang mga gamit doon.

Marami na kaming napamili na ipapadeliver na lang sa bahay. Napapagod na ako kaya naman nagyaya akong maupo muna kami sa isang bench. Kakaupo ko pa lang nang hilahin agad ako ni Jace patayo.

"Huy, wait lang! Ni hindi pa nag-iinit 'yung pwet ko ah!" protesta ko.

Hindi siya sumagot at patuloy pa rin akong hinihila palapit sa kung saan.

Hinihingal ako nang tumigil siya. Tinignan ko kung saan 'yun at napailing na lang. Infant section.

"Bili na tayo!" nakangiti pang sabi niya.

Kumuha siya ng isang damit doon at sinipat. Lumapit sa amin ang isang saleslady at nakangiting bumati.

Hinila ko si Jace para umalis na kami roon. Nakakahiya naman kasi. Hindi naman kami talaga bibili at aabalahin lang namin 'yung saleslady.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon