Chaper 4

5.4K 165 21
                                    

THE next day, Holiday woke up without Castriel beside her

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THE next day, Holiday woke up without Castriel beside her. She wrapped her comforter on her naked body and ran her fingers on her hair. The sunlight was now peeking from their hotel room‟s window. Nag-ring ang kanyang cell phone kaya agad niyang inabot iyon sa side table.

Nag-alinlangan siyang sagutin nang makita ang pangalan ng kapatid na si Polly. Sa huli ay sinagot na rin niya dahil hindi rin siya nagsabi sa mga magulang na hindi siya makakauwi kagabi.

“Where are you, Holiday? Ano'ng nangyari kay Wane? Nakakuha ka ba ng pictures? Success ba?” sunod-sunod na tanong nito.

”Uh, sina mommy at daddy? Hindi ba nila tinanong kung nasaan ako?” pag-iiba niya sa usapan.

“No. Sinabi kong mag-che-check-in ka rin diyan sa hotel kaya hindi na sila nagtanong pa. Ano?
Nakakuha ka ba ng pictures ni Wane? Send it to me now.” Polly sounded excited.

Pakiramdam niya ay may bara sa kanyang lalamunan ngunit kailangan niyang sabihin dito ang totoo.

“Hello, Holiday? Are you still there? Send me the pictures. Bilis.”

Huminga siya ng malalim bago sumagot. “Hindi ko nagawa ang sinabi mo.”

“What are you saying? You‟re kidding me, right?”

“N-no. Iba... iba ang kasama kong lalaki ngayon,” aniya.

Narinig niya ang pagsinghap ng kapatid sa kabilang linya. “Huh? Ano'ng nangyari kay Wane at bakit hindi mo nagawa ang sinabi ko sa 'yo? It‟s our deal, Holiday, what the fuck?”

“I‟m sorry...” her voice croaked. It was better this way. Kung mabibigyan din siya muli ng pagkakataon ay hindi naman na niya magagawa ang usapan nila. Castriel was in her life again. She couldn‟t do that anymore.

“I don‟t need your sorry. Come home now. Kina mommy at daddy mo sabihin 'yang sorry mo. Let‟s see what they will do if they find out that Fred is your boyfriend and you‟re with him last night,” pinal na sabi ng kapatid.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Fred? She was not with Fred last night. Oh no. Hindi alam ng kapatid na hiwalay na sila kaya siguro ganoon ang naisip nito.

“No. I‟m not with Fre—” It was too late. Polly already ended the call. Mabilis na gumapang ang kaba sa kanyang dibdib.

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Castriel. Nag-iwas siya dito ng tingin at mabilis na nagtipa ng mensahe para sa kapatid.

Let’s talk about it. I’m going home now.

“What‟s wrong?” tanong ni Castriel, lumapit sa kanya. His manly scent filled her nose.

Tumitig siya dito. “I need to go home. Something came up.”

Kumunot ang noo ng binata ngunit tumango rin naman kalaunan. “Okay then, let‟s have our breakfast first. After that, we‟ll go to your parents.”

“W-what? Tayong dalawa?” naguguluhang tanong ni Holiday.

Ngumisi si Castriel at hinawakan ang kanyang pisngi para sa isang halik.

“You‟ll introduce me to them as your boyfriend,” anito.

Nagulat si Holiday. Her heart started to beat wildly again. Boyfriend? Mukhang hindi nagbibiro ang binata sa sinabi nito. She was supposed to be happy, but she felt nervous. Alam niyang pag-uwi niya sa kanila ay galit ng mga magulang ang sasalubong sa kanya.

“I know that I‟m being too fast, but hell if I care. I cannot wait any longer,” pagpapatuloy nito nang mapansin ang reaksyon niya.

Holiday's Mistake - R18 [COMPLETED]Where stories live. Discover now