Pumalakpak si Natalie at may kaunti pang mga pinaalala bago kami pinakawalan. I bid my colleagues good bye bago magmadaling bumaba sa stage. Ang assistant ko ay nasa baba at naghihintay na sa akin.

"See you, Zia!"

"Bye!"

Sumakto namang nasa tapat lang si Jena ng lalakeng kanina pa kakaiba titig sa akin. I badly want to just call her para siya na ang lumapit sa akin pero tinawag ako ng isa pang direktor. It will be impolite to just brush him off or hindi lumapit sa kanya.

"Nagmamadali, ah? Para ba sa presscon yan ng pelikula mo?" tanong niya.

"Opo," sagot ko.

Ngumiti naman siya. I did my best not to glance on the man who's now shamelessly looking at me from head to foot.

"Aalis na po ako, Direk!" nakangiti kong sinabi kahit sa loob ko ay naiirita na ako. My assistant went to me and told me that my team is already at the hotel. Doon na lang daw ako mag-aayos.

"Okay, hija!"

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas doon.

"Ayos lang po kayo, Miss Zia?" tanong ni Jen mula sa front seat.

"Oo, Jen."

Mabilis lang ang byahe namin papunta sa hotel kung saan gaganapin ang press conference. Hindi ko na nga namalayan ang distansya ng binyahe namin dahil sa iniisip ko.

Naranasan ko nang matitigan ng ganon even when I was a child. At first, I brushed it off especially if it's coming from strangers pero kapag ang mga kakilala ko ang gumagawa noon ay noong una parang isang kumplimento iyon para sa akin. It just means that I look good and they appreciate it.

But when I got older, just some time before I reach puberty, nagsimula na ako maging di kumportable. Parang hindi na kumplimento ang paninitig sa akin. There are some stares that feels like they're ripping my clothes. It feels like they have x-ray visions which makes them see what's beneath my clothes.

Nandidiri ako. I felt unsafe. I wore shirts and pants but it's still the same. I tried to cover my face but still!

"Ito na lang. This is from Tushán. Simple at classy." my stylist raised a black spaghetti strap dress. May isang pulgadang slit sa bandang kanan. Medyo mababa ang neckline at hanggang taas ng tuhod ko ang haba.

"Itatali natin ang hair mo, Zia."

"Sige po."

I scrolled through my news feed at nakitang marami nang reporters at fans ang nasa function room. May mga banner doon at ang pinaka malaki ay yung may pangalan at letrato ko.

"It's a bit casual lang with the host and a few questions from some reporters." sabi ng event organizer na kasama namin ng team ko papunta sa function room.

My bodyguards, which Fire provided, opened the double doors for us. The fans started screaming and the cameras are flashing when I entered the room.

Ngumiti ako at kinawayan sila. Sinalubong ako ng direktor at writer ng pelikula. Nakipagbeso naman ako sa co-actress ko. Binigyan naman ako ng maikling yakap ng leading man ko sa pelikula. I sat between them.

Nang dumating ang host ay tumahimik saglit para pormal nang masimulan ang dapat gawin.

He started talking first with the director then the writer tungkol sa inspirasyon at kwento ng pelikula.

"We changed it a bit." pag-amin ng writer. "Of course, Mr. Folnares, the author of the novel, knows about this."

"We consulted him syempre," dagdag ng direktor.

Pink SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon