xii

1K 48 7
                                    

Ilang saglit ko pang pinagmasdan si Fire, just making sure kung totoo ba itong nakikita ko o nagha-hallucinate lamang ako. I pinched my arm and it hurts! He's really here!

Halos manginig-nginig ang mga kamay ko habang nagta-type ng irereply sa kanya.

Me :
I'm done. Where exactly are you?

Dahan-dahan akong humakbang paatras at nagtago sa likod ng poste at sinilip siya. Nakatingin siya ngayon sa phone niya. He must be reading my reply! I feel giddy ang gusto kong magpapadyak. Pinigilan ko lang ang sarili ko na gawin iyon dahil tumingin sa akin ang ibang trainees na palabas ng building.

Fire :
Parking lot

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umalis na agad sa pinagtataguan. Saka ko lang na-realize na hindi pala ako nag-ayos bago bumaba kanina! I'm sure I look pale right now. Ginapangan tuloy ako ng kaunting hiya habang naglalakad papunta sa kanya. Yan! Masyadong kasing excited!

His eyes scanned me from head to foot. Nagtagal ang tingin niya sa mga hita ko.

"H-Hi," kumirot ng konti ang mga hita ko. I must've strained myself na talaga.

His brows furrowed at hinarap ako."Anong nangyare sayo? Are you hurt?"

"Ah, medyo masakit lang yung hita ko because of practice.."

Inayos ko ang suot kong crop top. It reveals my flesh above my bellybutton. Fire saw how I fiddle the hem of my shirt, sumama ang tingin niya.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko kahit na parang obvious na rin naman ang sagot. Gusto ko lang marinig na sabihin niya iyon. I don't want to assume.

"Sinusundo ka." medyo sarkastiko niyang sagot. "Do you always wear crop tops?"

"Uh, oo.."

Why? Panget ba? Do I look fat? Napatingin ako sa tiyan ko. Hala! Ang dami ko pa namang kinain kaninang lunch at inom ako nang inom ng tubig, siguro medyo lumaki ang tiyan ko.

"Wala kang dalang jacket?" tanong niya. Bahagya akong natawa.

"Jacket? Ang init-init kaya. Tsaka this is comfortable. Manipis.." I said while looking at my red crop top. Medyo halata ang itim na sports bra ko.

"What?" singhal niya. He looks irritated at umabante. Nakatutok ang tingin niya sa damit ko. I suddenly wanted to cover myself. Nakaka-conscious ang tingin niya, kanina naman kahit tinitignan ako ng iba ay wala lang iyon sa akin.

Sinubukan kong umatras pero humakbang lang uli siya.

"M-Manipis naman talaga ang tela ng g-ganito di ba?" I said in a small voice.

"At pinayagan ka ni Zian na magsuot ng ganyan?"

Well, Zian doesn't like me wearing this kind of shirts lalo na kapag lalabas but he understands that I'm comfortable with it kapag sumasayaw.

"H-Hindi naman. T-Tsaka.. hindi lang naman ako ang nakasuot ng ganito.." I looked around and saw some girls na nakasuot rin ng crop top. Tinuro ko sila."S-See! They're wearing crop top, too! Comfortable kasi kapag sumasayaw," I want to elaborate my explanation pero hindi na ako makapagsalita dahil sa madilim na ekspresyon ng mukha niya.

He nod na parang hirap pero inintindi na lang ang sinabi ko. Lumayo siya at nawala agad ang init na naramdaman ko kanina when our bodies were close. Nilamig na tuloy ako. Manipis pala talaga ang crop top ko, I should've brought a jacket.

He combed his hair using his hand. Nag-iba tuloy ang istilo ng buhok niya. I bet he looks good in different hairstyles. Lumapit siya sa kanyang sasakyan at binuksan ang pinto. Hindi na ako naghintay na sabihan pa, pumasok na ako sa shotgun seat. Hindi ko pa nalalapag ang duffle bag na dala ko ay kinuha na iyon ni Fire para ilagay sa likod. I suppressed a smile. Saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapag-ayos at nandoon sa bag ang pouch ko!

Pink SkiesWhere stories live. Discover now