ix

984 46 13
                                    

Matapos ang nakakahiyang announcement ni Rachelle sa Hungry Hive ay halos umiwas na ako kay Fire whenever I spot him.

"Oh? Bakit?" nilingon ako ni Conrad. Before he could turn his body ay pinirmi ko siya.

"Wag! Diretso ka lang."

Nagtaas siya ng kilay. I pushed him a little para ituloy ang paglalakad niya. We successfully arrived at 7eleven nang hindi napapansin ni Fire. Nasa labas kasi siya kausap ang pinsan ni Conrad at iba pa, mabuti na lang talaga at hindi kinuha ni Conrad ang atensyon ng pinsan niya just like what he always do.

Agad akong pumunta sa snacks aisle. I grabbed the chips I usually buy, a meal to be preheated and a bottled water.

"One hundred pesos po," the cashier told me bago ilagay sa microwave ang meal na binili ko.

Conrad is still choosing a sandwich. Halos hindi ako mapakali habang hinihintay matapos ang pag-iinit sa pagkain ko.

"Chill. Anong problema?" Conrad asked pagkalapit niya sa akin.

"W-Wala.."

Mukhang hindi siya naniniwala sa akin pero wala na lang siyang sinabi. Saktong pagkabayad niya sa mga binili niya ay natapos na ring initin ang pagkain ko.

"Hintay," sabi ni Conrad. Nagmadali kasi akong lumabas.

Before I can even pull the door open, Fire emerged. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanya. He's wearing his university's uniform. His eyes scanned me from head to foot. Umatras ako ng konti para makapasok but he didn't move, nanatili lang siya sa pagtingin sa akin.

I know I look like a potato. Medyo pawisan ako, my hair in ponytail is quite messy and my shirt is lukot-lukot!My gosh! Pinagulong-gulong pa naman ako kanina ni Bryan sa isang scene kanina.

"Bakit ka nagmamadali?" I didn't noticed Conrad's presence beside me. "Oh! Musta? Si Tyler?"

"Nasa labas," sagot ni Fire then he looked at me again. "Di pa tapos klase niyo?"

"Tapos na. Practice na lang ng musical. Medyo gagabihin daw kaya bumili na kami ng kakainin." sagot ni Conrad.

Iniwas ko na ang tingin ko kay Fire. Parang nagpa-flashback sa utak ko yung kahihiyang naganap noon. Nahihiya talaga ako! Pinapakita ko sa kanyang gusto ko siya pero di ko kayang aminin iyon sa kanya. I'm afraid to confess my feelings dahil baka ma-reject lang ako. At tsaka, simpleng crush lang naman ito.

"H-Halika na, Conrad. Balik na tayo.." sabi ko at dumiretso palabas ng convenient store.

We resumed our practice after the thirty minutes break. Sinubukan nang ipasok ang musical numbers sa mga eksena pati na rin ang pag gamit ng ibang props.

"Ingatan niyo yan. Mahirap gawin yan." sabi ni Natalie.

"Guys! Next week sa auditorium na tayo! May one hour lang tayo para magpractice doon. Five to six pm ang schedule natin," Bryan announced.

Some members groaned. Sa amin kasi napunta ang pinakahuling time slot. There are four other plays na nagpa-practice rin kasi at ang swerte ng makakapag-ensayo ng maaga.

Kasabay ng break time namin ay ang pagrereklamo ng ilang mga members kina Natalie at Bryan.

"Bakit kasi sa atin yung huli?"

"Baka tayo pa paglinisin nila don, ah!"

Naupo ako sa gilid ng classroom at kinuha ang pagkaing dala ko. I tried removing the tape of the container.

"Ako na," alok ni Conrad at kinuha iyon sa akin. He looked closely at it bago tuluyang natanggal sa pagkaka-tape iyon.

"Thank you"

Pink SkiesWhere stories live. Discover now