xxviii

1.1K 42 8
                                    

"Thank you, Madison Square Garden!" bati ni Eugene. Lahat kami ay kinawayan ang mga fans na dumalo sa concert namin.

I never thought we're this popular! Sa susunod na araw ay tutulak naman kami papuntang Porto Alegre. Noong una ay hindi ako makapaniwalang umabot ang pagkasikat namin hanggang doon.

"Your mini album is a huge success! May mga umorder mula ibang bansa tapos yung store ay pinuno ng merchandise niyo at binebenta na rin online," kwento ni Cellyn. "Kaya Ziana, keep on making music!"

"Oo nga! Mas mabenta ang mga gawa mo," biro ng isang producer.

Binigyan kami ng Aspire ng isang engrandeng party. Our families, friends, team and even the trainees are invited. Of course, may piling media rin na nagcover ng event. Sinasamantala na nila ang publicity na natatamo namin.

"Ziana!"

"Mikoy!"

Halos lahat ng kaibigan ko ay nakadalo pero hindi ko akalaing pati si Mikoy ay pupunta.

"Tinawagan ako ni Cellyn, sabi niya may party daw. Noong una nahihiya pa nga ako, eh. Akala ko kasi formal," sabi niya habang kinakamot ang ulo at halatang nahihiya nga.

"Wag kang mahiya! Halika, pakilala kita sa friends ko," sabi ko at hinatak siya papunta sa mga kaibigan ko. My high school friends seem to know some people here kaya hindi sila nahihirapang makihalubilo.

"Zia!" Ollie waved at me. Pinaningkit niya ang kanyang mga mata. "Mikoy?"

"Ollie!"

Naglapit ang dalawa at saglit na nagyakapan. Apparently, they were classmates in college hanggang sa pumunta ng ibang bansa si Ollie to pursue a vlogging career with another friend. Mukhang hindi naman pala ako mahihirapan na ipakilala si Mikoy.

"Si Conrad ba hindi dadalo?" tanong ni Rachelle sa akin.

"May tour yon ngayon," sagot ko naman. Conrad and I made a few projects together na naisingit namin kahit abala sa kanya-kanyang album. Aspire wants us to be paired again for a movie pero sa ngayon ay hindi pa sila nakakapili ng magandang pelikula o kwento.

"Mas lalo kayong ini-issue ng mga tao pagkatapos nung movie," sabi naman ni Mica. "Wala ba talaga Ziana?"

My four friends looked at me while waiting for my answers. Minsan naiisip ko na ang swerte ko dahil hanggang ngayon ay makakaibigan pa rin kahit ilang taon na ang lumipas at maraming nagbago sa amin. It's hard now to see each other dahil pare-pareho na kaming busy sa kanya-kanyang mga buhay but it's nice to know that nothing has changed despite that.

"Wala talaga," I chuckled.

Conrad and I talked about our relationship. Sinabi kong hindi pa ako handa para makipagrelasyon dahil magiging abala ako sa trabaho.

"At ikaw naman," kinurot ko ang pisngi niya nang sinubukan niyang ilapit ang mukha sa akin habang nagpapahinga kami,".. sobrang sikat mo ngayon. Baka hindi makatulong kung malalaman nilang may girlfriend ka. Your fans would go berserk!"

Tumawa siya at umiling-iling habang hawak ang kamay ko. Iyon ang huli naming pagkikita bago siya umalis patungo sa Australia for a collaboration some international singers. He's really making a big name.

Pagkatapos ng concert namin ay hindi pa kami agad nakadiretso sa hotel dahil naisip naming makipag-interact sa fans sa lobby. There's still a space for us to walk at kami na lang ang lalapit sa kanila. Nasa likod ko si Ate Barbie habang nakikipag-usap ako.

"Ako na diyan Ziana. Check ko muna itong mga to," sabi ni Ate Barbie pagkaabot ko sa kanya ng mga regalo mula sa fans.

Our assistants usually checks the gifts we received. Last time kasi noong nagsisimula pa lang kami nakatanggap si Ayumi ng stuffed toy na may maliit na camera pala sa loob! So after that, hindi na kami muling tumanggap ng ganon.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now