iv

1.1K 43 1
                                    

I gripped my skirt tightly. Kinakabahan ako. This is the first time Fire approached me at ihahatid pa ako sa bahay namin!

Hindi ko na kailangan sabihin sa kanya kung saan kami nakatira, our houses are just few blocks away from each other.

Pasimple ko siyang sinusulyapan sa bawat hinto ng sasakyan, acting curious about the streets or whatever basta mukhang hindi ko intensyong tignan siya. Inside my head, I am contemplating on talking to him about the musical or not. Baka kasi pag tinanong ko siya tungkol doon ay bigla niya akong palabasin sa kotse at iwan in the middle of the road! Hindi ko carry iyon. Malilintikan ako kay Zian.

"Kumain ka na ba?" tanong niya. Hindi ako nakasagot agad dahil parang nabigla ako. He started a conversation with me!

"A-Ano.. Hindi pa.. sa bahay na lang sana.."

Tumango siya ng isang beses. We're almost near our subdivision pero niliko niya ang sasakyan.

"May curfew ka ba?" he cautiously asked at nilingon ako. Nang tumingin ako sa kanya ay binalik niya ang atensyon niya sa kalsada. I licked my lips before answering.

"Meron. Hanggang eight lang ng gabi.." napatingin tuloy ako sa relo ko. It's almost seven.

The car stopped in front of a restaurant. The Hungry Hive is a popular eating joint here in our place. Bukas ito twenty-four seven. Sa labas ay naka-display ang pangalan nito in a neon-lit design. Its exterior and interior is vintage looking at may 50's or 60's vibes. It serves the usual fast foods pero may Filipino dishes din sila. We ate here before nina Rachelle kaso di na naulit sahil medyo malayo sa kanila.

Fire removed his seatbelt kaya tinanggal ko na rin ang akin.

"Kakain lang muna tayo. Ihahatid kita pagkatapos," dire-diretso niyang sinabi bago lumabas.

Kakain muna kami. Kaming dalawa!! So, this is like a date? Pinaypayan ko ang sarili ko. I'm starting to feel giddy inside again. Napatalon lang ako nang isarado ni Fire ang pinto. Nagmadali tuloy akong lumabas at halos habulin siyang papasok sa loob.

Mabuti na lang at nag-ayos ako bago umalis kanina sa school. Hindi ako na-inform ni destiny na magkakasama pala kami ni Fire ngayon! Edi, sana ginandahan ko pa. Pagkapasok namin sa loob ay nakuha namin ang atensyon ng iilang customers. They eyed the both of us and as usual, ang mga babae ay nagtatagal ang tingin kay Fire. He's handsome, I know.

We sat on a high chair at the counter. Mas gusto ko sana doon sa may sandalan but then kung doon ay baka magkaharap kami, mas okay na rin pala na dito at least magkatabi kami. A waitress gave us a menu.

"Anong gusto mo?"

I'm really trying hard to contain my kilig! He talked to me for like six times already! He raised a brow at hinarap sa akin ang menu. I leaned forward para tignan iyon. Ang bango niya. I wonder what perfume he is wearing.

"Hmm.. itong double teriyaki burger and thick cut fries tsaka water for drinks.." medyo natagalan akong pumili dahil halos lahat ng pagkain ay mukhang masarap. Unfortunately, iyong inorder ko lang ang kasya sa budget ko. Titipirin ko pa itong baon ko hanggang Friday and I already spent a lot kanina sa snacks! Ang gutumin ko kasi.

Sinabi ni Fire ang order namin sa waitress and she told us to wait for around four minutes dahil gagawin pa palang. I brought out my phone para i-text ang kakambal ko.

Me:
Zian, magdidinner na ako dito sa HH. I'm with Fire!! Hihi, omg!! Ihahatid niya na lang daw ako pauwi.

Come and Get Your Love by Redbone started playing at naramdaman ko ang pagta-tap ng mga daliri ni Fire sa counter. He also knows this song! Ilang saglit pa ay nagreply na si Zian.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now