Simula

48.3K 639 99
                                    

Simula:

"Ma'am, when I say push you'll push harder, okay? 1-2-3 push!"

I push as hard as I can. Pakiramdam ko ay wala ng mas isasakit pa ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Push, baby. You can do it. You're a brave mommy." Kayden soflty whispered in my ear.

Kahit nahihirapan ay pinilit kung tumango bago ko inipon ang lakas ko para umire ng malakas. Parang mapuputol ang hininga ko sa sakit.

"I can see the head already. Push harder, misis." The doctor ordered.

Umire ulit ako ng mas malakas. Halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko dahil sa sakit. Kahit ang kamay kung nakahawak kay Kayden ay hindi ko na maramdaman.

Ilang sandali pa ng malalakas kung pag ire ay narinig ko ng muntik iyak sa paanan ko.

Ibang pakiramdam ang naramdaman ko ng makita kung tinataas nila ang baby ko.

"It's a boy!" They all exclaimed.

Mas napaiyak ako sa sobrang saya. He's so beautiful.

"Good job, baby." Kayden kissed my sweaty forehead.

Pero napa ngiwi ulit ako ng maramdaman ko ang muling pagdantay ng sakit.

"Ahhh!" I scream when the pain is getting worse.

"Baby? Are you okay? What's happening?" Tumayo si Kayden at tumingin sa mga doctor.

"Doc! May isa pa!" The nurse exclaimed when she examined my lower part.

Nanlaki ang mga mata namin ni Kayden. Mabilis syang umupo ulit sa tabi ko at paulit-ulit na hinalikan ang noo ko.

"Push harder again, misis." Utos ng doctor na muli kung sinunod. Malalakas ulit ang ire ko tulad kanina.

"I love you so much, baby. You can do it." Malambing na bulong ni Kayden sa akin.

Ilang beses pa akong umire ng umire hanggang sa makarinig ulit ako ng munting iyak.

"It's a baby girl!" Tuwang sabi ng doctor habang tinataas ang anak ko.

"It's a twin, baby. We have a twin." Masayang sabi ni Kayden habang pinagmamasdan ako ng buong pagmamahal. Napangiti ako ng mapansin kung umiiyak din sya.

"You're crying..." Halos bulong nalang ang pagkakasabi ko dahil parang naubusan ako ng boses.

"Because you make me so happy. This is the most happiest moment of my life. Thank you so much babay. Mahal na mahal kita..." Buong pusong sabi nya.

"I love you, too." I mouthed.

Gusto kung haplusin ang mukha nya pero sobrang nanghihina ako.

"Sir, papatulugin na po namin si misis. Kailangan po nyang magpahinga." Lumapit ang isang nurse sa akin at kinabitan ako ng IV.

Ngumiti lang ako kay Kayden ng higpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako sa isang maliwanag at di pamilyar na lugar. Tumitig ako sa kisame at pinapakinggan ang mga tinig sa paligid.

"Look, tita! Kamukha nya si best! She's so pretty!"

"Oo nga. Kamukha sya ng mommy nya. Pareho silang bilugan ang mukha."

Mga tawa at hagikgikan ang naririnig ko. Pamilyar sa akin ang mga boses.

Tinagilid ko ang ulo ko para matingnan sila.

Nakita kung nakaupo si mommy at Kayla sa isang sofa. May hawak si mommy na pinagkakaguluhan nila.

When Forever Ends With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon