Kabanata 47

11.7K 265 120
                                    

Bite

Kinakabahan man ay nilakasan ko parin ang loob 'kong lumapit sa front desk para magtanong. I hope they'll treat me well this time. Ayoko ng maranasan ulit na mapahiya dahil lang sa sinabi 'kong asawa ako ni Kayden. Masakit at nakakahiya.
Pakiramdam ko ay sinungaling ang tingin nilang lahat sa akin.

"Good morning, ma'am. What can I do for you?" Masaya at masiglang bungad sa akin ng babae sa front desk. Hindi sya pamilyar sa akin. Sa tingin ko ay bagong empleyado sya o baka ngayon ko lang sya natyempuhan dito.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago nagsalita. "Nasa office ba nya si Kayden?"

Bahagyang kumunot ang noo nya ng marinig ang sinabi ko.

"May I know your concern for the CEO ma'am?" Nakangiting tanong nya.

"Actually, nandito ako para dalhan sya ng lunch." Huminga ako at bahagyang ngumiti. "I'm his wife."

Kitang-kita ko kung paano lumaki ang mga mata nya at kung paano naging 'o' shape ang bibig nya. Ilang segundo pa nya ako tinitigang mabuti at ng mahismasan sya at aligaga nyang pinulot ang telepono at mabilis na nagdial.

"This is the lobby, please tell the CEO that his wife is here." Aniya sa kausap at nagmamadaling ibinaba nya ang telepono.

Ilang sandali pa ay nasa harap ko na sya.

"I'm sorry po kung hindi ko agad kayo nakilala. Let me escort you to the private elevator ma'am." Magalang nyang sabi na nagpagaan ng loob ko.

Masayang tumango naman ako. Hindi ko akalain na magiging ganito parin ang pakikitungo nya sa akin. Akala ko talaga ay tatarayan at paaalisin nila ako gaya noong unang beses akong nagpunta dito kasama si Kier.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa harap ng elevator.

"Nasa 26th floor po ang opisina ng CEO." Pinindot nya ang button na may number 26.

Dalawang button lang ang nandoon. 26 at G lang. Talagang para lang kay Kayden ang elevator na ito.

Nilingon ko muna ang babae at ngumiti sa kanya bago ako pumasok sa elevator.

Ng magsara ang lift ay kinabahan ulit ako. Sana ay hindi busy at hindi mainit ang ulo ni Kayden ngayon. Natatakot akong baka mas magalit lang sya lag nakita ako ngayon. Galit sya sa akin at malaki ang kasalanan ko sa kanya.

Mas kinabahan pa ako ng marating ko na ang kanyang opisina. My hand and feet are sweating and it feels like my knees are shaking. Damn, Xherry. Ganyan ka ba ka gulity ha?

Bumukas ang lift pero hindi muna ako lumabas. Bumungad sa akin ang tahimik na opisina ni Kayden. Wala sya sa kanyang mesa kaya maingat akong naglakad papasok.

Where is he? Wala sya dito. May kung anong bumagsak sa loob ko ng hindi ko sya nakita. Siguro ay sabik lang talaga akong makita sya kaya nag expect ako kaya ganito nalang ang nararamdaman ko ng makitang wala sya.

Pumasok ako sa loob at tahimik na umupo sa sofa. Hihintayin ko nalang sya dito. Ayokong umalis ng hindi kami nagkaka ayos. Kailangan kong ayusin ang gusot na ako ang pinagmulan.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala paring Kayden na nagpapakita sa harapan ko.
Where is he?

Humihikab na tiningala ko muli ang orasan. Kasabay ng pamimigat ng talukap ng mga mata ko ay ang unti-unti kong pagsandal sa sofa. I'm really sleepy. Damn this pregnancy hormones. Nandito ako para makita ang asawa ko pero mukhang tutulugan ko lang sya.

I closed my eyes as soon I settled ny head on the couch's headrest. Antok na antok na ako kaya matutulog na muna ako. Siguro ay mamaya pa naman darating si Kayden kaya ayos lang na umidlip ako.

When Forever Ends With YouWhere stories live. Discover now