Kabanata 19

15.9K 376 50
                                    

Damn

"Still there no signs from him?"

Mula sa pagpupunas sa braso ni Kayden ay nag-angat ako ng tingin kay Josh na nakatayo sa kabilang gilid ng kama. Pagod akong ngumiti at umiling.

"Magta-tatlong araw na syang tulog bukas. The doctors said pag hindi sya nagising..." He trailed off his words. Parang may masasabi syang hindi maganda kaya madiin nyang tinikom ang bibig nya.

"I believe in him, Josh. He will make it." I confidently said while giving my husband a towel bath. Gusto kung malinis sya at komportable.

"He should really wake up dahil bubugbugin ko pa sya." Pabirong sagot ni Josh.

Ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagpunas sa leeg ni Kayden. I promised last night na hindi na ako iiyak sa harap nya. Gusto kung maging matatag.

Isa pa, kung saka-sakaling naririnig ni Kayden ang lahat ng sinasabi ko, ayokong marinig nya ang mga iyak ko. Gusto ko ang mga halakhak ko ang maririnig nya. Ayokong isipin nyang nahihirapan ako. Ayokong mas pabigatin ang loob nya. Gusto ko, paggising nya, masaya sya at walang iniisip.

"Pero may napapansin ako." Seryosong sabi ni Josh pagkuwan at niyuko ako. Tiningala ko naman sya.

"Ano?" Kumunot ang noo ko ng titigan nya akong mabuti.

"Losyang ka na." Deretso at malamig nitong sabi atsaka umupo sa upuan.

Nalaglag ng bahagya ang panga ko sa sinabi nya.

"A-ano?! Hindi yan totoo!" Nangingiwing sabi ko. Agad akong napahawak sa mukha ko. My hair is also tied in a messy bun.

"Baka pag naggising si Kayden, matulog yan ulit pag nakita ka." Natatawang sabi pa nya na nagpainis na sa akin.

Inirapan ko sya. " Pwede ba, Josh. Wag mo akong iniinis." Ngumuso ako at kinuha ang salamin sa bag ko.

Halos matigagal ako ng makita ang itsura ko. Big eyebags, oily face and messy hair. Parang ibang tao ang nakikita ko. Ako ba talaga ito?

"I bet Kayden will surely get mad. Dahil sa eyebags mo palang, siguradong hindi ka natulog." Josh smirked at me.

"Tsk tsk mrs. Delafranco is a mess. I wonder what will be Kayden's reaction!" Humalakhak na sya ng tuluyan. I stick my tongue out at him.

"Baby, look. Josh is messing with me! Ang sama sama ng kaibigan mo." Pagsusumbong ko kay Kayden na hanggang ngayon ay nakapikit parin.

Muling napalis ang ngiti ko ng makitang hindi parin talaga sya gumagalaw. My fears are creeping through my viens. Paano kung hindi na sya magising? Paano kung biglang isang araw tumigil nalang sa pagtibok ang puso nya? Kakayanin ko ba?

Hindi. Hindi ko kakayanin. Kasi hindi ko nakikita ang bukas ko na wala sya sa piling ko.

"Hey, I'm joking." Nag peace sign sa akin si Josh. "Baka patayin ako ni Kayden pag nalaman nyang pinaiyak kita."

Wala sa sariling kinapa ko ang mukha ko. Pinahid ko ang basang pisngi ko.

"Josh... Gigising sya diba? He will wake up at babalik sya sa atin. Babalik sya sa akin..." Hindi ko napigilan ang sarili ko. And for the nnth time, I cried again.

Binalot ako ng bisig ni Josh. He hugged me as I cried harder. Naramdaman ko ang paminsan minsang pagtapik nya sa balikat ko.

"Miss na miss ko na sya, Josh. Ang hirap ng ganito. Ang hirap na wala akong magawa para matulungan ko sya. He's suffering and I can't be there for him. Ang sakit sakit!" Umiiyak na saad ko. Gustong gusto kung sisihin ang sarili ko. Sana hindi nalang ako natulog para hindi sya umalis sa tabi ko!

When Forever Ends With YouWhere stories live. Discover now