"Dude, you're trembling. Calm down."

"Ang liit liit pa nya. Baka mabitiwan ko sya."

Iginala ko ulit ang paningin ko. Nakita ko si Rafael at Kayden sa paanan ko. May hawak hawak din si Kayden na parang ingat na ingat sya doon.

Sa itsura palang ay alam ko na kung ano ang hawak nila at parang gusto kung tumayo na ngayon para hawakan sila.

"She's awake!" Bumungad sa akin ang masayang mukha ni Kayla. Kumaway sya at mabilis na bumalik kay mommy.

"Dali tita! Dalhin natin sya kay best!" Excited nyang sabi kay mommy.

"Kumalma ka nga. Baka mabitiwan ni tita si baby dahil dyan sa pagmamadali mo." Saway ni Kean sa kanya.

"Gusto mong umupo, anak?" Sabi ni daddy na dinudungaw ako. Nakatayo sya sa gilid ng kama ko.

Tumango ako kaya tinulungan nya akong umupo.

Maingat at marahan ang ginawa kung pag upo dahil medyo masakit ang ibaba ko.

Tumayo si mommy at marahang naglakad palapit sa akin.

"Here's your little angel." Sabi nya at inabot sa akin ang anak ko.

Hindi ko napigilan ang pag-iyak ng sa wakas ay hawak hawak ko na sya. Nakapikit pa sya pero kitang-kita ko kung gaano sya kaganda. She's so tiny and fragile kaya ingat na ingat ako.

Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. I salute all the mothers in the world. For feeling like this after the painful battle. It's so wonderful.

"Hey..."

Napatingala ako mula sa pagkakayuko kay baby.

Sumalubong sa akin ang malamlam na mata ni Kayden. Mula sa mga mata nya ay dumako ang mga mata ko sa hawak hawak nya.

My eyes began to water again when I see his little face. He's so perfect.

Umupo si Kayden sa tabi ko para mas makita ko si baby. Yumuko ako para mahalikan sya sa noo.

"Hi, baby... I'm you're mommy..." Umiiyak na bulong ko sa kanila. My babies...

"I love you..." Kayden kissed my forehead.

Sumandal ako sa dibdib nya. This is what I am wishing for after all this years. Ito lang talaga.

"Have you thought a name for the babies?" Tanong ni Kayla sa amin.

Kumalas ako kay Kayden para harapin sila.

Sasabihin ko sanang wala pa pero biglang nagsalita si Kayden. "I have."

Tiningala ko sya. Ano kaya ang naisip nyang pangalan?

"Kier Casimir and Xhyren Thalia." He proudly said.

Hmmm... not bad. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Both starts with K and X like our name." He winked at me.

Kontentong sumandal ulit ako sa kanya. Niyuko ko si baby girl na ngayon ay naalimpungatan na sa pagtulog at umiiyak. Sumunod na umiyak si baby Kier kaya medyo nagpanic na si Kayden.

"Gutom na siguro sila, anak. Lalabas na muna kami para mapakain mo sila."

Tumayo na si mommy at Kayla at lumabas na ng kwarto. Sumunod sa kanila si daddy pati na ang barkada.

Niyugyog ko muna si baby Xhyren para patahanin. Madali naman sya tumahan at nakatulog ulit kaya nilapag ko muna sya sa kama para kunin si baby Kier.

Inabot sya ni Kayden sa akin.

"baby paki alis yung botones." Tinuro ko sa kanya yung botton ng hospital gown ko. May botones kasi doon na tatanggalin lang pag magpapa breast feed.

When Forever Ends With YouOnde histórias criam vida. Descubra agora