27: One and only man.

113K 747 39
                                    

Perhaps, our eyes need to be washed by our tears once in a while, so that we can see life with a clearer view again.

PREVIEW:

"tears suddenly drop from my eyes, I walk closer to him, realizing that every step I made is a mere pain, seeing his bloody wound is like hitting my stomach and slapping my face, it hurts me more not knowing what's the real reason behind this" 

Chapter 27

Gab's POV:

"Mike, lagpas na tayo sa elevator, hindi dyan ang daan palabas" sabi ko pero di nya ako pinansin, nagdirediretso lang sya sa paglalakad. wala namang masyadong tao dahil working hours kaya walang nakakakita samin

"Mike mali tong dinadaanan naten" wala pa din syang sagot, lumiko sya ng daan. teka! seryoso ba sya? sa.. sa fire exit kame dadaan?

"Mike fire exit na to, nasa 11th floor tayo, mapapagod tayo pag dyan tayo dadaan" di nya ko pinakinggan, nagtuloy tuloy lang sya sa pagbaba

"Teka, Mike dahan dahan baka malaglag tayo" at sa sobrang bilis nya bumaba na nadadamay na din ako nasa 2nd floor na tuloy agad kami

"Galit ka ba?" tanong ko pero di sya sumagot, kahit tumingin man lang di nya magawa. ang higpit ng pagkakakapit nya sa kamay ko dahilan para mas lalo akong masaktan

"Mike ano bang problema mo???!!!" di ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko, huminto ako saka inalis ko ang pagkakakapit ng kamay nya sa kamay ko. huminto din sya at tinignan ako ng masama.

Ayoko ng ganitong tingin nya, pakiramdam ko malulusaw ako. natatandaan ko ang mga matang to, mga matang puno ng galit at pagkainis. pero para kanino ang galit na yun??

Para sa akin ba? (,--,)

pero wala naman akong ginagawa ah, wala akong ginawa para magalit sya ng ganito..

"Ano bang problema mo ha? di na kita maintindihan!" garalgal na sabi ko, nararamdaman ko na ang pagbabadya ng mga luha ko pero pinipigilan ko ang pagpatak ng mga iyon

napasandal ako sa pader habang tuloy pa din ako sa pagpigil ng mga luha ko, nasasaktan ako sa nakikita ko. pakiramdam ko ibang Mike ang nasa harap ko ngayon. </3

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon