15: I'm his wife.

118K 817 27
                                    

Chapter 15: I'm his wife.

Gab's POV:

 

"Ingat ka Mike. Uwi ka agad ha? Mamimiss kita ng sobra sobra! Mwa mwa mwa!" Sabi ko sakanya habang kinakawayan sya, tumango lang sya saka pinaandar ang sasakyan nya.

Pumasok naman ako agad sa loob ng bahay para iligpit ang pinagkainan namin ni mylabs, matapos kong maglinis ay umakyat na din ako at naligo. Paalis na sana ako ng may mapansin akong envelope sa upuan kaya naman kinuha ko iyon.

~x~

MIKEKEYTAN'S LAWFIRM

Financial Report

For the year 2012

~x~

Ito yung nakalagay sa loob ng envelope. Importante ‘to ah! Hindi ito dapat makita ng kahit na sino maliban lang sa may ari at sa Chief Financial Officer.

"Dadalhin ko ‘to kay Mike!" Sabi ko sabay hablot ng bag ko, sumakay na ako sa kotse at pinaandar ko na iyon.

Ilang saglit pa’y nasa tapat na ako ng law firm nila pero hindi ko pa din magawang pumapasok, kinakabahan kasi ako e. Baka sermunan nanaman nya ko.

"Bahala na nga!" Sabi ko sabay hakbang papasok sa entrance. Dumiretso ako sa reception desk, nakita ko naman ang manager in charged kaya nilapitan ko sya, hindi pa man ako nagsasalita ay mukang nahulaan na nya kung sino ang pakay ko.

"Mrs. Gabril Tan?" Tanong nya. Ha? Paano neya nalaman ang pangalan ko? "Yes." Sagot ko.

"Attorney Tan's office is in the 20th floor ma'am" Sabi nyang nakangiti.

"Ah, okay. Thank you." Sabi ko saka ko sya ginantihan ng ngiti.

"Sure ma'am, thank you" Approachable naman pala ang mga employee's dito e. Nang nasa elevator na ako ay bigla namang nag ring ang phone ko.

*RING RING

"Yes hello? Kinah? Malelate ako ng konti ah." Bungad ko sakanya.

"At bakit aber?" Sagot naman nya.

"I'll explain it to you later. Bye!" Putol ko sa usapan namin, ‘di ko na sya hinintay magsalita, alam ko nanaman kasi ang sasabihin nun e. Sermon nanaman.

Nakarating na ko sa 20th floor at grabe ang dinatnan ko, parang gulat na gulat sila lahat sakin. Ang laki kasi ng mata nila tapos straight pa yung titig sakin.

Bakit ano bang meron sakin? May dumi ba ako sa katawan? O masyado lang talaga akong maganda?

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon