58: She's back!

82K 577 27
                                    

Look at the right side, yang babaeng yan ang kakalbuhin naten. Hahaha! Summer is cute right? =)

 

Falling in love is not a choice, it's a chance.

PREVIEW:

 

"A girl with a nice angelic face"

Chapter 58: She's back!

Mike's POV

"So, how's life?" tanong ni Summer, yung pinsan kong chicboy. "She's fine" sagot ko.

"Naknangputcha! whoow! nawala lang ako ng ilang taon gumaganyan ka na?! dapat ko yatang pasalamatan yang asawa mo ah!" gago talaga! ano bang meron sa sinabi ko? (=__=)

"Ulol!" sagot ko, natawa naman sya. Nagulat ako ng bigla na lang nya akong batuhin ng unan galing sa couch ko.

"Tangina mo pare ang lupit mo!"

"Bwiset ka Summer!" nandito kasi sya sa loob ng office ko nanggugulo. Matagal din syang tumira sa America, magkasama kami noon, magkaklase sa lahat ng subject sa law school doon.

"Kelan mo ba ipapakilala sakin yung apple of the eye mo?" pilyong sabi nya. Wala akong tiwala sa gunggong na to e! lalo na sa mukha nya. "Hanggang picture na lang ba ako?" kinuha nya ang picture ni Gab sa table ko.

"Ibalik mo yan" natakot yata kaya binalik nya din agad. "You're possesive bro! picture lang yan!" sabi nya saka humagakhak ng tawa. Tangina picture lang para sakanya!

"Ayokong hawakan ng maduming kamay mo si Gabril" seryosong sabi ko. Natawa sya. "Bakit hindi mo itry magpagawa ng museum? o kaya magplano ka ng exhibit" seryoso sya habang nagsasalita.

"Ang dami mo kasing picture ni Gab, yung totoo gaano ka ka-obsess?" nahagip ng mata ko ang rubix cube sa ibabaw ng table at agad kong ibinato iyon sakanya, natamaan sya sa bunbunan.

"Subukan mo kasing magseryoso, baka malaman mo kung gaano" sabi ko. Natawa sya na para bang may iba syang pinapakahulugan. "Nga pala ilang taon na kayong kasal?" tanong nya, natahimik ako. Kasal? kame? kasal nga ba kame?

"Mag-iisang taon na" sagot ko. "Ang weak mo naman insan!" sabi nya kasabay ng thumbs down, "Wala to! weak! weak ka Mike!" ano bang pinagsasasabi nito?

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon