10: WOW!!

123K 819 10
                                    

Gab's POV:


Nasa langit na ba ako?? O nasa impyerno?? Pakiramdam ko kasi namatay ako nung simulang tapakan ni Mike yung clutch at accelerator ng kotse ni Kinah e.

Nakapikit lang ako buong biyahe dahil nahihilo ako sa speed ng kotse, napagod na din kasi akong sumigaw dahil sa tuwing pinapadahan dahan ko sya ay mas lalo nyang binibilisan.

Naramdaman kong huminto na ang sasakyan kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko, sa totoo lang nakakaramdam pa din ako ng hilo hanggang ngayon.

Tuluyan ko ng naidilat ang mata ko, nakita ko naman si Mike na nakatingin sakin, parang nagpipigil sya ng tawa dahil maduwal duwal ako sa sobrang hilo. Nakakapikon lang. Grr.

Habang pinapakalma ko ang sarili ko ay nakita ko syang lumabas at umikot sa kotse, at sobrang ikinatuwa ko ang ginawa nyang yun..

Bakit? Kasi pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse!! Waaaaahh! Kilig much! Oo maliit na bagay lang ‘yun kung tutuusin pero para sakin napakalaki nun!! First time nya ginawa ‘yun, at pakiramdam ko, sa lahat ng babae dito sa mundo ako na ang pinaka mahaba ang buhok. Hihi :'>

"Bababa ka ba?" Kunot noo nyang tanong. "Ay sorry!" Sabi ko. Nakalimutan ko kasi ng hinihintay nya pala akong bumaba.

"Teka, kaninong bahay ba ‘to?" Tanong ko sakanya pero di nya sinagot.

Nagulat na lang ako ng bigla akong salubungin ni tita Esme at ng mommy ko. Niyakap ko naman agad si mommy at hinalikan sya sa pisngi, ganun din ang ginawa ko sa mommy ni Mike na ngayon ay mommy ko na din. Hohoho.

"How are you baby?" Tanong naman ni mom, bakas sa mukha nya ang pagaalala.

"I'm okay ma" Nakangiting sagot ko. Okay na okay na oaky po ako :P

"Iha inalagaan ka ba nitong anak ko?" Tanong nya sakin sabay akbay kay Mike, si Mike naman ayun nakabusangot nanaman.

"Ah.. Eh.. Opo tita" Sagot ko. Kahit ang totoo nyan halos mamatay ako nung akala ko iniwan na nya ako.

"Mommy na lang Gab, mommy mo na ko simula kahapon. Remember??" Sabi ni tita este mommy Esme pala.

"Sige po mommy" Ilang na sagot ko, arte ko lang! Kunyare naiilang pero deep inside tuwang tuwa ako.

Niyaya na kame nila mommy Esme na pumasok sa loob ng bahay nila Mike, bumungad naman sakin sila dad at tito Key na nagkukwentuhan, yumakap naman ako agad kay dad at nagbigay galang kay tito, ganun din ang ginawa ni Mike.

Grabe ang ganda ng bahay nila Mike! I mean, mansion pala, mas malaki lang ng konti sa bahay namin, ang ganda ng interior, tapos ang aliwalas pa. Kahit siguro walang aircon hindi mag-iinit ditto e, ang lawak tapos puro white. Basta maganda!

"Gab!" Narinig kong tawag ni mommy Esme. Lumingon naman ako agad.

"Ah ti-- este mommy Esme bakit po?" Tanong ko.

"Tara kain na tayo?" Yaya nya, dun ko lang napansin na mag-isa na lang pala akong nakaupo sa sala, si Mike nasaan? Iniwan ako? Ay ang bait!

"Si Mike po?"

"Nasa kwarto nya, aakyat lang daw sya saglit" Sagot nya.

"Ah gano’n po ba? Sige po tara na" Sabi ko, magkasama kami ni mommy Esme na nagpunta sa dining area, naupo ako at binati silang mga nasa hapag, masayang masaya silang nagkukwentuhan, napansin kong wala pa din si Mike, inikot ko ang paningin ko ngunit wala sya, hanggang sa dumating ang isa sa mga maid nila.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon