64: Why can't it be?

73.9K 542 40
                                    

It is better to have loved and lost than never to have love at all.

(c) Samuel Butler

PREVIEW:

"Stop that or else I'll kill my self"

Chapter 64: Why can't it be?

Gab's POV

"Gab totoo ba? Buntis ka?" hindi ko alam pero parang napakaseryoso ng mukha nya. Diba dapat masaya sya?

 

"Ah Gab, Kyle maiwan ko muna kayo.." tumango lang si Kyle,pati si kuya parang seryosong seryoso din. Mas lalo akong naguluhan.

Lumabas na si kuya sa kwarto, si Kyle naman tahimik lang, tahimik lang syang nakatingin sakin. "Oo Kyle, buntis ako!" nakangiti ko syang sinagot.

Napayuko sya.

"C-congrats.." bakit ganon? Parang ang bigat? Nakangiti sya pero bakit parang hindi?

"Salamat Kyle" pero kahit ganon hindi ko pa rin maalis ang ngiti ko.

"M-masaya ako para sayo" kahit na nakayuko sya nakita ko pa din ang pagpatak ng luha sa mga mata nya.

"Kyle umiiyak ka ba?" nagaalala na ako, ano bang nangyayari? Bakit umiiyak ang kaibigan ko? Agad nyang pinunasan ang luha nya.

"Hindi" matigas na sagot nya. Tinalikuran nya ako.

"Pero bakit? May problema ka ba? Tell me Kyle" lumingon sya and then he sarcastically smile.

"Do you really wanna know?" nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko, napaatras ako.

Hindi pa man ako nakakasagot ay nasabi nya na, "You" hindi ako nakapagsalita. Ako? Ako ang problema nya? Pero bakit? Anong nagawa ko?

"Puro ka Mike! Mike! Mike! Mike! Naririndi na ako kaka-Mike mo!" hindi ko sya maintindihan, bakit nagagalit sya?

"Teka lang Kyle, ano bang sinasabi mo? Paanong ako ang naging problema mo? Sabihin mo sakin, ano bang nagawa ko?" hindi ko na talaga alam ang nangyayari. Ano bang sinasabi nya?

"Mahal kita!" nung sinabi nya yun pakiramdam ko nagyelo ako.

"Alam ko, mahal mo ako kasi kaibigan mo ako, kaibigan mo si kuya.. At mahal din naman kita Kyle, mahal kita kasi kaibigan kita.." hindi ako ganun ka-slow, naiintindihan ko kung ano ang ibig nyang sabihin. Mas pinili ko lang talagang wag intindihin..

"Kaibigan? Hanggang dun na lang ba talaga?" nasaktan ako sa tanong nya, hindi ako nakasagot.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon