CHAPTER 50: GENTLEMAN

Magsimula sa umpisa
                                    

" hindi na sya kailangan i confine! pwede na kayo umalis agad para makauwi na kayo at maglambingan jusko.. "

sabi ni doc saming dalawa..
aba malakas mang asar tong pinsan nyang to ha.

" but what about her bruises? "

dagdag na tanong pa nya kay doc..
nginitian lang sya nito bago magsalita..

" ano ka ba naman , kayang kaya mo nang pagalingin yung pasa nya.. jusko micco.. lagyan mo lang nang yelo yung may pasa tapos i diretso mo yung paa nya para maka relax.. mawawala lang nang kusa yan.. "

pag eexplain pa ni doc sakanya..
napatango tango naman sya at napatingin sakin..
agad agad nanaman akong umiwas nang tingin sakanya..

" oh by the way.. i'm catherine cruz.. "

pagpapakilala nya sakin..
iniabot naman nya yung kamay nya sakin at masaya ko iyong tinanggap..

" h-hello po.. c-celestine po.. celestine yvonne xiu.. "

pagpapakilala ko naman sakanya..
nagulat ako nang bigla nya akong bineso at saka nya marahang tinapik tapik yung likod ko...

" such a beautiful name.. bagay sayo to be exact.. "

masaya pa nyang sabi sakin..
ewan ko parang ang gaan gaan nang loob ko sakanya...
ngumiti nalang ako at saka yumuko para magbigay galang..

" ay hehe ang ganda nyo din po.. "

sabi ko naman sakanya..
nagpaalam na sya saamin at kala ko ay aalis na sya nang tuluyan..
kaso bumalik pa..

" micco alagaan mo yan ha. pepektusan kita pag pinakawalan mo pa yan.. "

pagbabanta nya kay micco at inambahan pa nya nang palo tapos bigla syang tumingin sakin at ngumiti sabay kaway pa para magpaalam..

nang makaalis si doc ay namayani nanaman ang katahimikan..
* birds singing *

" u-uhm let's go home.. "

nahihiya nyang sabi sakin at saka lang ako napatango sakanya..
tatayo na sana ako pero pinigilan nya ako at saka nag paalam sya saglit..

pagbalik nya ay may dala na syang wheel chair..
tinignan ko naman sya nang masama pero waepek lang sakanya yon tapos inalalayan nya kong makalipat sa wheel chair..

" next time.. be extra careful if i'm not around okay? "

sabi nya sakin at sinimulang itulak yung wheel chair na inuupuan ko..
lakas maka pasyente nito siz..
feeling ko sobrang weak ko..

which is true naman.
* sighs *

nang papalabas kami ay nakikita ko yung ibang babae na nagbubulungan at mukhang kinikilig pa habang tinitignan sya..
pati mga nurse nga parang bulateng inasinan e..

narinig ko pa ngang sabi nung dalawang babaeng nag uusap habang padaan kami..

" girlfriend ba nya yan? "

" hindi. mukhang little sister nya e.. "

sabi nung mga mukhang hito.
napa ismid nalang ako at mas piniling hindi mag maldita..

napapansin ko lang na mula nung makilala ko sya , nag iba yung ugali ko..
ewan ko pero nahahalata ko sa sarili kong nagiging mas mahaba yung pasensya ko sa mga bagay bagay..

hindi na nga ako nang aaway e..
except sakanya..
nakakainis kasi yung pagmumukha nang lalaking to..
nakakapikon e..
grabe yung ka gwapuhan.

ay ewan , balakajan.

nang nasa tapat na kami nang kotse ay aakma akong tatayo nang pigilan nya ko..

" celestine.. ako na.. ako na munang bahala sayo ngayon.. please , let me take care of you kahit ngayon lang. "

nag aalala nyang sabi sakin at saka dali daling binuksan yung pinto nang kotse tapos kinarga nya ko papasok..

habang nasa loob ako ay itinakbo nya yung wheel chair sa guard at yumuko para magpasalamat...

napaka swerte nang mamahalin nitong lalaking to..
napaka swerte ni mika.

napa buntong hiniga nalang ako habang sya ay tumatakbo na papalapit sa kotse..
nang makasakay sya ay tinignan nya muna ako ..

tapos sya nanaman yung nagkabit nang seatbelt ko..

shocks..
nakakahiya na..
mamaya kung anong isipin neto e..
mamaya sabihin nya gustong gusto kong nagpapa seatbelt sakanya..

which is may bahid naman talaga nang katotohanan..
charot.

" i-im sorry.. next time ako na gagawa nyan.. "

mahinang sambit ko habang nilolock nya yung seatbelt..
nang ma lock nya yung akin..
ay sya naman yung nag seatbelt at saka inistart yung kotse..

" no need.. hayaan mo kong gawin ko yan para sayo.. para kahit papano maramdaman mo na yung tunay na nararamdaman ko para sayo.. "

sabi pa nya tapos pinaandar na yung kotse..
micco...
wag kang ganyan , please.

My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon