Chapter 5

355 22 1
                                    

"You like her that much?" tanong ni Tzuyu pagkatapos kong magkwento.

"Hindi ko rin alam." totoong hindi ko alam. Gusto ko siya, oo. Pero ganito ba talaga kasakit kung gusto mo lang ang isang tao?

"Hindi niya lang "like" Tzuyu." Iiling-iling na sabi ni Dahyun.

"You love her." Walang gatul-gatol na kumpirma ni Tzuyu sakin.

Then it hit me. I do? Paano? I just met her. Posible ba yon?

Mukhang nabasa ni Dahyun ang iniisip ko at sinabing. "You cannot question how, when and why Chae. If love struck you, then it hits. You will seek answers to your questions. But you can't find one. That's how complicated love is. Just accept that you're inlove with her. Dahil kung hindi, bakit may kirot diyan?" sabay turo niya sa puso ko.

"It saddens me Chae, but she's right. Just tell her about your feelings. That way, you can start moving on." suhestyon ni Tzuyu sakin.

"Teka, anong move on? Di pa nga tayo sure kung anong meron doon kay Mina at sa lalaking kahalikan niya. Let's not jump into conclusions."

"They're together obviously." sabi ni Tzuyu while rolling her eyes.

"Hindi tayo sure diyan." giit parin ni Dahyun.

"Then let's confirm."

"Paano?" tanong ko.

"Oo nga, paano?" tanong rin ni Dahyun.

"Let's ask her." sagot ni Tzuyu sabay tingin sa may pintuan. Sabay kaming lumingon ni Dahyun and saw Mina standing there awkwardly while half-smiling at me.



Pilit na hinihila ni Dahyun si Tzuyu palabas. Tzuyu insisted na tanungin namin si Mina tungkol doon sa lalaking nakita ko. But Dahyun shuts her up before she could drop the question. Ayoko din naman sa idea na iyon ni Tzuyu so hinayaan ko nalang ang dalawa hanggang sa tuluyan na silang makalabas.

Lumapit si Mina sa akin. I did not look at her. I took one of my books sa ilalim ng desk at binuksan ito. I pretended reading it kahit ang totoo paulit-ulit ko lang binabasa ang first paragraph nang walang naiintindihan ni isa.

"Chae? Galit ka ba?" nananantyang tanong niya sakin.

Hindi ako sumagot pero umiling ako. Narinig kong bumuntong hininga siya.

"Kausapin mo naman ako Chae." sabi niya at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Hinawakan niya ang librong hawak ko at binaba ito. "Kung galit ka, I'm sorry. I'm really sorry."

Tumingin ako sa labas. "Hindi ako galit Mina."

"Kung hindi ka galit bakit di mo ako matingnan ngayon?" tanong niya.

I looked at her forcefully. "See? Hindi ako galit." I took the book again and flipped some pages.

"Hindi ka galit pero hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, kahit man lang mag reply sa text or sa chat wala. Look, I really had an emergency that day Chae. It's true. Why am I even explaining like this?" frustrated na tanong niya sakin.

"Exactly Mina. Why?" binaba ko ang librong hawak ko. "It's not like I bought new canvass, sketch book, new set of brush, palette and paint just for that day. If you had an emergency then fine. The hell I care!" padabog akong tumayo at umalis. I'm fuming mad at di ko alam kung bakit.

It's been a week since Mina and I talked. Nagkakasalubong kami minsan pero it's either ako ang lilihis ng daan o siya. I wanted to say sorry for acting that way. For a week, napagisip-isip ko na mali ang inasta ko sa kanya. She sincerely apologized, in the end nasigawan ko pa siya. I acted like a jealous lover back there, which is hindi dapat. I feel so stupid. Hindi naman niya alam yong nakita ko at kahit saang aspeto ko tingnan, wala akong karapatang magalit dahil lang di niya ako sinipot.

ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon