Chapter 2

400 23 0
                                    

"Hoy Chae!" si Dahyun habang winawagayway ang kamay niya sa harap ko.

"H-ha?."

"Ayos ka lang? Kanina ka pa tusok ng tusok diyan sa salad mo. Maawa ka naman, gutay-gutay na oh. May galit ka ba sa gulay?"

Natauhan ako sa sinabi ni Dahyun. "Baliw, wala noh. May iniisip lang." nagsimula na akong kumain. Nadurog ko ata masyado ang lettuce. Tsk.

"Iniisip mo yong senior na nag-ballet?" si Tzuyu habang kaswal na kumakain sa sandwich niya.Naibuga ko tuloy yong salad sa mukha ni Dahyun. "Yuck. Kadiri ka Chae. Ang salaula mo."

"Sorry, sorry. Si Tzuyu kasi eh, kung anu-anong pinagsasabi." halos magkanda ubo-ubo ako dun ah.

"I was right."

"Hindi. You are left. Tingnan mo nga oh, ginawa akong garbage bin ni Chae." sabi ni Dahyun habang pinupunasan mukha niya.

"Hindi noh. Nag-iisip lang ako kung ano kakainin ko pagkatapos ng salad nato.""Talaga?" tanong ni Dahyun sa akin.

"Oo naman." sagot ko.

"Oyy, Hi Mina-unnie. Kumusta?" kaway ni Dahyun sa likuran ko.

Agad naman akong lumingon. Walang tao. Napa face-palm nalang ako.

"Confirmed." si Dahyun habang ang laki ng ngising nakatingin sakin.

"You like her." hindi yon tanong. It's a statement by Tzuyu.

"I don't know." totoo naman. Hindi ko talaga alam. She made my heart skip a bit twice already. Pero di ako sure kung gusto ko talaga siya. She seems, unreachable. And impossible for me to like.



PE Class namin. Basketball.

"Okay class, since dalawang sections kayo na hina handle ko. Let's just do a basketball game between 2 sections. Para mas madali ang pagga-grado ko sa inyo. Maya-maya, darating na yong makakalaban niyo. They are from Section 3. Ibig sabihin, may makakalaban kayong dalawang varsity players sa girls team. Kaya girls, pag-isipan niyong mabuti kung sino paglalaruin niyo. May dagdag points sa buong klase pag nanalo ang teams niyo. Galingan niyo sa pagpili if you want to pass."

"Yes po sir." kaming lahat.

"Oh girls, sinong marunong sa inyo?" tanong ng class rep namin.

Lahat ng babae natahimik. "Naku, problema to. Wala tayong problema sa boys team kasi 3 ang varsity players natin. Marami din ang marunong maglaro." napakamot na sa ulo ang class rep namin. Umikot ang mata niya sa lahat at tumigil sa akin.

"Teka, sa naalala ko Chae. Nakita kitang naglalaro ng basketball sa may village gym natin. Tama! Marunong ka mag-basketball!".

Lagot. Nakalimutan ko, magka village pala kami nitong class rep namin. Nakita niya ako one time na naglalaro ng basketball kasama sina Dahyun, Tzuyu at mga pinsan ko. Ako lang nakita niya nun kasi nag cr muna yung dalawa eh. Napakamot ako sa ulo."Ahhh, ano kasi. Di naman ako magaling."

"Ayos lang yon, basta marunong. Malay pa natin, baka manalo pa tayo diba?" Masyado namang positive tong class rep namin.

"Eh kasi, ano.. kasi."

"Sige na Chae. Para di naman tayo mapahiya." sabi ng isa kong kaklase na babae.

"Oo nga." sang-ayon naman ng iba.

Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan, poker face na nakatingin lang sakin si Tzuyu habang umiiwas ng tingin si Dahyun. Kung maglalaro ako, idadamay ko tong dalawang to. Smirk.

"Sige. Pero maglalaro din si Dahyun at Tzuyu marunong din ang dalawang yan!" napalingon ang mga kaklase ko sa dalawa.

"Ano? hoy teka, teka. Saglit lang classmates ha. Kakausapin ko lang to." sabi ni Dahyun at hinila kaming dalawa ni Tzuyu. "Sigurado ka ba Chae? Makikita tayong maglalaro ni Coach Guillermo. Lagot tayo, di tayo titigilan niyan. Ikaw Tzuyu, ayos lang sayo?"

"I'm fine. Kung tayo namang tatlo ang pepestehin niya. I can deal with that." kibit-balikat na sagot ni Tzuyu.

"Naku." napakamot sa ulo si Dahyun.

"Wala na tayong magagawa. Walang ibang marunong maglaro sa mga kaklase nating babae." sabi ko.

"Fine. No choice na ako, alangan naman hayaan ko lang kayong dalawa ang magpasikat. Tara, game!" napailing nalang kami ni Tzuyu sa sinabi ni Dahyun.

"Okay! Maglalaro kaming tatlo. Sino sa inyo ang tutulong samin?" anunsyo ko sa buong klase.

Pito kaming babae ang maglalaro. Yung apat, salitan sa pagpasok. Natapos na ang game ng mga lalaki at panalo ang section namin. Tinambakan nila ang kabilang section, 77-35. Naghahanda na ang girls team sa kabila. Excited ang section nila lalo na nung nalaman nilang walang naglalaro sa team namin. Ramdam na nilang panalo na sila agad. Nagkatinginan kaming tatlo at ngumiti. Mukhang magiging maganda ang larong ito ah.

Tinawag na ni Coach Guillermo ang first 5 sa bawat team. Siya ang referee sa larong ito. Ang position ko ay point guard, si Dahyun ang shooting guard, yung dalawang kaklase namin ay power forward at si Tzuyu ang center. Tip off na. Pagka whistle, simula na nang larong gumulat sa lahat.



"Congratulations Section 1 for winning both games. Lalo na sa girls team. Hindi ko inaasahan ang larong pinakita ninyo Dahyun, Tzuyu at lalung-lalo ka na Chaeyoung. Mas mataas pa ang score ninyo kumpara sa nagawa ng boys. Bakit di kayo sumali sa varsity team natin. Diko na kayo pagtatryout-in. Pasok na kayo agad sa team."

Ito na ang kinatatakutan naming tatlo. "Ahh, naku po. Salamat Sir Guillermo pero ayos na po kami. May kanya-kanya napo kaming club." sagot ni Dahyun.

"Sayang naman ang talento ninyong tatlo. Makakatulong pa kayo sa school natin. Siguradong magcha-champion tayo next inter-school game pag sumali kayo. Pag-isipan niyong mabuti."

"Opo." hilaw na sagot ni Dahyun.

"Lalo ka na Chaeyoung." Tumingin si sir Guillermo sakin. "Kailangan ka ng team namin. Pag-isipan mo."

Hindi na ako nakasagot dahil dinismiss na agad ni Sir ang klase. Perfect score kaming lahat para sa next exam namin.

"Shower." Sabi ni Tzuyu sabay lakad papunta sa girls shower room ng gym. Agad kaming sumunod ni Dahyun.

Pagkatapos naming maligo, napansin kong nawawala ang tumbler ko. "Mauna na kayo, balik lang ako sa gym. Naiwan ko ata tumbler ko sa may bench." Tumango lang si Tzuyu at nag "okay" si Dahyun.

Naghahanap ako sa mga benches at sa ibaba nito baka sakaling nahulog pero diko mahagilap tumbler ko. Natanong ko nadin sa dumaang tagalinis ng gym pero wala daw siyang nakita. Baka raw nadala na ng mga kaklase ko. 

"Nasaan ba yon? Haaaysss."

"Ahmmm, ito ba hinahanap mo?" napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. May isang babae na nakangiti sakin habang hawak ang tumbler ko sa kamay niya.

ImpossibleWhere stories live. Discover now